Chapter 98: Guilt

8.1K 373 356
                                    

[GUILT]

LUNA'S P. O. V

"Bakit ba ang sama ng tingin mo sa akin, Pareng Hades? Hindi naman kita inaano, ha?" Tanong ko sa kaniya dahil kanina pa ang sama ng tingin sa akin tapos hindi rin ako kinakausap. Hindi niya ako sinagot at basta na lang kami iniwan ni Jax sa labas ng mansyon.

Kararating lang kasi namin ng isla. Sobrang late na rin. Alas nueve na ng gabi. Nakasunod ako sa batang excited na makilala ang mga kaklase ko—namin dahil opisyal na namin siyang kaklase. Na-curious kasi siya nang ikwento ko sa kaniya ang tungkol sa section namin.

Ang mukha niya pala sa picture na ipinakita ni Panotchi at nakikita ko mula no'ng nagkita kami ay ang disguise look niya lang. Natatabunan lang ng makeup ang mukha niya! Hindi ito ang tunay niyang mukha!

May mataba pala siyang pisngi! Hindi naman pala siya singkit! Ang mga mata niya na kulay itim talaga at hindi kulay blue! Contact lense lang pala ito. 'Yung ilong niya na akala ko talaga pointed nose pero katamtaman lang. Manipis lang ang mga kilay niya, hindi makapal. May nunal siya sa right part ng nose niya at malapit sa sintido.

Hindi talaga kulay itim ang buhok niya, dark brown ang hair niya, same with his father. Ang layo layo talaga ng itsura niya sa nauna naming nakilala!

Si Tito Fred naman ay kinausap kanina si Jax na hindi ito makakasama sa Dark Island. Naintindihan naman ito ni Jax basta raw ligtas ang daddy niya, ayos na siya.

Papasok bilang kaklase namin si Jax. Supposedly ahead kami sa kaniya ng one year pero maaga raw kasi siya pinag-aral. Kinausap din ako ni Tito bago kami tuluyang bumaba ni Jax ng yacht. Ayon kay Tito, matalino raw si Jax pero sa academics lang. Pagdating sa mga physical skills, dun daw ito mababa kaya nakiusap sa akin si Tito na gabayan si Jax.

Ayaw niya raw na walang magawa ang anak niya sakaling manganib ito.

Nang makababa kami ng yacht kanina, si Panotchi ang sumundo sa amin. Kinuha niya sa akin ang phone ko. Inasahan ko na ito kaya bago pa ako bumaba ng yacht ay itinext ko na si Kuya Zeke. Tinawagan ko rin siya. Sinabi ko rin sa kaniya ang tungkol kina Jax at Tito Fred. Nang magsend ang text, idinelete ko na ang lahat ng contacts ko kina kuya. Lahat lahat.

Nang makarating kami sa pintuan ng mansyon, huminto siya. "Luna, tingin mo magugustuhan nila ako?"

Nginitian ko siya. "Oo naman basta magpakabait ka."

His eyes seemed worried. "In what way?"

Nginitian ko siya to lessen his worry. Mababait naman ang mga gunggong, hindi nga lang matino. Hindi gulo ang aasahan ko kung hindi takot na baka mahawa si Jax sa kabaliwan namin. Mukha pa namang matino. Sa akin pa naman siya ibinilin ni tito. "Just be yourself. Ayos ka naman, Jax kasama. Wala akong problema sa'yo at sa ugali mo kaya magiging okay din sila sa'yo. May dalawa akong friends na babae ro'n and I'm sure magiging ka-close mo rin sila."

Tumango naman siya. "Okay po."

Sinabihan ko na siya tungkol sa pag-po-po na itigil na dahil isang taon lang naman ang agwat ng edad namin pero mukhang nakakalimot yata.

Mukhang kinakabahan pa rin siya. Napahawak pa siya sa braso ko. Nanlalamig ang mga kamay niya at diretso lang ang tingin sa loob. Nakahawak siya sa braso ko hanggang makaakyat kami sa kwarto.

"Welcome back, Luna!" Sigaw ng lahat nang mabuksan ko ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko kasabay ng pagsigaw nila at pagputok ng mga confetti.

"What-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang nagmamadaling lumapit sa amin ni Jax sina Tev at Rance.

"Hey! Why are you holding my ate's arm?!" Galit na galit na sigaw ni Tev at hinila ang kaliwang braso ko.

"Tama si Steven! Just who the hell are-" Hindi na natuloy ni Rance ang sasabihin niya nang hilain siya ni Gavin. "Let him introduce himself."

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon