Chapter 89: Comfort

12.3K 447 271
                                    

LUNA'S P. O. V

NAKATULOG na kaming lahat sa bus dahil sa piring namin pero nagising kami sa biglang pagsabog ng kung ano at biglaang paghinto ng bus. Muntik pa akong sumubsob. Mabuti na lang may humawak sa balikat ko na malamang ay si Xenor dahilan para hindi ako matuluyang masubsob.

"Tanggalin niyo ang mga piring niyo! Quick!"

Madali naming sinunod ang inutos. Napakurap pa ako ng mga mata dahil sa panlalabo nito. Ibinulsa ko naman ang panyo tsaka kumurap-kurap.

"Ano'ng nangyayari?" Tanong ni ko Chaos.

"Mukhang may mga grupo ng kalalakihan sa labas. Labasin niyo," may diing utos ng lalaki. 'Yung ibang kasamahan niya rin ay mukhang mga walang balak gumalaw.

"Hala! Why us? Kayo dapat, 'di ba?" Maarteng sigaw ni Eunice.

"Wala ng tanong tanong, lumabas na kayo!" Galit na sigaw naman ng isa.

"Eto na! Tatayo na nga, e!" Naiinis na sigaw ni Stella na hinila na ni Zai.

Hinawakan na rin ni Xenor ang kamay ko at sabay kami tumayo. Nang makalabas kaming lahat ay sumalubong sa amin ang lagpas sampung kalalakihan na may mga hawak na baseball bats at kahoy.

"S-Sino kayo?" Nauutal na tanong ni Gab.

Parang may hinahanap ang lalaki dahil sa mga mata niyang hindi mapirmi. Nang magtama ang mga mata namin ay agad niya akong itinuro gamit ang baseball bat niya. "Kailangan lang namin 'yang babae na 'yan!"

Nagtatakang napalingon naman sa akin ang lahat kaya naiiling kong tinuro ang sarili ko. Hindi ko naman sila kilala. "O-oh, bakit ako? Ano'ng ginawa ko sa inyo? Natulog lang ako, nagkaroon na agad ako ng kaaway?"

"Luna Amora Velasquez also known as Light, hindi ba?" Tanong ng isang lalaki na tumatawa pa habang hinahampas-hampas sa kamay ang hawak niyang baseball bat.

Hampas ko kaya sa kaniya 'yang hawak niya? Try lang.

Grabe, ganito na pala ako kasikat para alam na alam nila ang pangalan ko sa likod ng code name ko. Sa bagay, maraming beses na rin ako natanggalan ng maskara, eh. Tsaka hindi naman big deal kung makilala ako kasi hindi ako gang leader. Pero tarantado 'to, ah!Kulang ang name ko!

Umiling ako. "Hindi."

Nagkatinginan naman silang lahat. "Huh?"

"Mga tanga! Kulang name ko! Ayusin niyo naman!" Naiinis kong sigaw. Napakamot pa ako sa ulo ko. Kulang, e.

"A-Ano'ng kulang?"

"Marami ng tanga, dadagdag pa kayo?" Natatawa kong tanong. Inalis ko ang kamay ni Xenor sa kamay ko at naglakad papunta sa harap. "Lu-na A-mo-ra Al-can-ta-ra Ve-las-quez."

"Ah basta! Sumama ka sa amin!" Sigaw niya. Akma niyang hihilain ang kamay ko nang mabilis akong umikot sa ere at sinipa ang ulo niya. "Hindi ako nasama sa mga pang-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang hilain na ni Chaos ang kamay ko palikod. Tinulungann naman ng ibang makatayo ang lalaking nasipa ko. Knockout na, e.

"Teka nga! Ano ba'ng ginawa sa inyo ng babaeng 'yan at gusto niyo siyang kunin?!" Galit na tanong ni Xenor. Kung makababae naman 'to. Ay, ayon pala ang tawag niya sa akin. Sige, hayaan na.

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon