A/N: Chapter 100 is for you, @BAD_BISH_micah!! Belated happy birthday! Wishing you good health and success in your journey! Luvyuu! Mwaaa! Sorry if natagalan. Na-busy lang at nagpahinga after graduation.
[Year: 2023]
[KIAN ABELLA]
LUNA'S P. O. V
GABI na at katatapos lang ng lahat magsaya at kumain dahil sa pagbabalik ni Kian. Itinigil muna namin ang mga dare sa isa't isa para ma-enjoy ng lahat ang kaganapan.
Alangan naman tumatahol si Leo habang nakikipag-usap kay Kian? Hindi ba?
Nagkwento si Kian ng mga karanasan niya sa hospital at maging ang mga pinagdaanan niya sa kamay ng mga tauhan ni kuya. Masaya akong kumpleto na kaming lahat pero namo-mroblema pa rin ako dahil sa atraso sa kaniya ni kuya at mukhang bukod sa akin ay may isa pa ang mukhang may problema.
"Are you okay, Tev?" Tanong ko kay Tev na nasa tabi ko at parang ang lalim ng iniisip.
"Hindi po." Pagsasabi niya ng totoo saka masamang tiningnan si Rance. "Bakit ka nandito? Punta kana sa kanila."
"Ayoko nga," masungit na sabi ni Rance na nasa kabilang gilid ko naman nakaupo.
Tumaas naman ang kilay ni Tev. "At bakit naman?"
Naiinis na nilingon niya si Tev. "Duh! Mas gusto ko sa tabi ng ate at bestfriend ko kaysa doon."
"Kikiligin na ba 'ko?" Natatawang tanong ni Tev.
"Feel free."
"Ate!" Sigaw ni Jax na tumatakbo papunta sa amin.
"Oh, Aron? Kumusta?" Bungad na tanong ko sa kaniya.
"Mabait po si Kuya Kian. Binigyan niya ako ng dala niyang lollipop." Masayang balita niya sa akin saka inabutan ng lollipop si Tev. "Kuya 'di ba want mo ng lollipop sabi mo po sa akin? Sa'yo na ang isa oh."
Umiling naman si Tev. "Ayoko, Aron. Sa'yo na lang."
"Bakit po? 'Di ba sabi mo po—" Hindi na niya tinuloy nang makita niya akong umiling-iling.
"Luna! Halika!" Sigaw ni Zai na sumesenyas akong lumapit sa kaniya. Nasa harap niya si Kian na nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko ay may nagawa ako sa kaniyang mali.
Tinapik ko ang braso nina Rance at Tev bago tumayo. "Dito muna ka—" Natigilan ako nang bigla silang tumayo.
"Sama kami." Si Tev.
"Ako rin." Si Rance.
"Siyempre sasama rin po ako." Si Jax.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko sa stress sa kanilang tatlo. Para na silang buntot ko. Nauna na akong naglakad habang sila naman ay nasa likod ko lang.
"Luna si Kian, Kian si Luna." Pakilala ni Zai. Naglahad naman ako ng kamay. "Hello, ako 'yung kanina. I'm Luna—"
"Luna Amora Alcantara Velasquez." Pagkumpleto niya.
Napalunok naman ako. "Y-Yes."
"I heard your name from Elisse."
Napatingin naman ako kay Elisse na nakaupo lang sa gilid at ngumisi.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. "Ganun ba?"
"I know you have a crush on Deth but please control that damn feeling of yours before I—"
"Kian!" Sigaw ni Tev. Narinig ko rin ang sigaw ng iba pero nangibabaw ang kay Tev. "What the fuck are you saying?!"
Mahinang natawa si Kian. "Calm down, Tev. I'm just giving her a warning."
BINABASA MO ANG
DARK GANG
Teen FictionBOOK 2. Continuation of Dark Section. [STATUS: ONGOING] © Cie for the book cover ❤️