Chapter 79: Rank

13.5K 589 552
                                    

[RANK]

DETH'S P. O. V

NAKATULALA ako sa babaeng nakadekwatro ng upo at nakasandal ang likod sa visitor's chair ni tanda. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit pero hindi ko magawa. Ang tingin niya sa akin ay parang hindi niya ako kilala, walang kaemo-emosyon ang mukha habang nilalaro ang lollipop na hawak niya.

"Deth, hindi naman bagong estudyante si Ms. Velasquez kaya bakit ganiyan ka kung makatingin? Akala ko ba hindi kayo naniniwalang namatay siya?"

Hindi ko inintindi si tanda at nanatili lang ang tingin ko kay Luna. "L-Luna..."

Fuck it. Why did I stutter?

"Mr. Gutierrez..." Tumayo siya saka lumapit sa akin at naglahad ng kamay.

Natulala lang ako sa kaniya. She looks... beautiful as ever. "We met..."

"Again." Dugtong niya. "It's nice to meet you again. It's nice to be back again to our hell section."

Akma kong tatanggapin ang kamay niya nang bigla niya itong ibaba. "On second thought, it's not nice to be back again." Nakangiting napakamot siya sa batok niya saka ako kinindatan at bumalik sa upuan para kunin ang bag niya. Nakangiti niyang sinubo ang lollipop. Nang tumapat siya sa akin ay kumindat siya at tinapik ang balikat ko. "Tangina. Bakit ba ang unfair ni Lord."

"Huh?"

"Pogi mo," naiiling na sabi niya saka ako tuluyang nilagpasan. Huli na ang lahat ng makalingon ako dahil wala na siya, nakalabas na siya ng pinto.

"Deth." Tawag ni tanda sa pangalan ko kaya tiningnan ko siya. "Yes, I know."

"Good. Lumabas ka na at mukhang may gulo na namang mangyayari."

Agad akong lumabas ng kwarto at hinabol si Luna. "Luna, ano'ng nangyari sa'yo?"

Itinaas niya ang kanang kamay niya. "Wala na 'yun. Ang mahalaga may naglalakad na maganda sa hallway na 'to."

Nang makapasok kami sa room, lahat ay natigilan sa mga ginagawa nila. May ilan pang nakalaglag ng mga hawak.

"L-Luna?"

"Ate..."

"Luna, buhay ka nga!"

Sinugod ng iba si Luna na pinangunahan nina Rance at Tev pero natigilan sila nang senyasan sila ni Luna na huminto. "Please. Stay away from me."

"H-Huh?"

Mahina siyang tumawa saka bigla na lang sumeryoso ang mukha. "Just stay away."

"If it is about our plan before, we're teally sorry for that, ate," sabi ni Steven na nagsisimula ng umiyak. "Tsaka w-wala namang nangyaring g-gamitan, e. Lahat ng-"

"Don't mention it. Ayos na 'ko. Napatawad ko na kayong lahat pero ang hinihingi ko lang ay dumistansya kayo para sa ikatatahimik ng mga buhay natin." Putol ni Luna sa iba pang sasabihin ni Steven.

Is it about my order? Pero wala na, tapos na! Alam na ng mga kaklase namin na iisa si Blue at ang kuya niya!

Kaya lang... Elisse's here. Hindi ko masabing mas malala pero isa pa rin ito sa balakid para maipakita at maiparamdam ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

Napipilitan namang gumilid silang lahat. Naupo si Luna sa pinakagilid kung saan siya dati nakaupo habang nilalaro sa bibig niya ang lollipop.

Gumanda siya lalo sa dalawang buwan na nawala siya. Hindi siya babae kung gumalaw o magsalita pero 'yung ganda niya, hindi maitago. What more if she wears make-up? Damn! Eh 'di hindi lang apat dito sa room ang maattract sa kaniya.

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon