Chapter 81: JS Prom (Part 1)

13.1K 531 453
                                    

[JS PROM (PART 1)]

LUNA'S P. O. V

Gabi na nang magising ako at dahil pa 'yon sa pagtawag sa akin ni Kuya Kaiser.

It's sermon time!

"Hi, Kuya," masaya kong bati sa kaniya pero agad itong napawi nang mapapikit ako dahil sa lakas ng boses niya.

Galit na galit ang kuya ng bayan.

Ni-loudspeaker ko ang phone saka ko nilapag sa gilid ko para malayo sa tenga ko dahil masyado pa akong bata para mabingi. [Huwag mo 'kong ma-hi-hi d'yan at baka mabatu—Hoy, Luna! Ano'ng kagagahan 'yung ginawa mo, ha?!—Tabe nga, shooo! Hoy, Luna akala ko ba—Stop you, two or else I'll kick your ass."

Nagkakagulo na sila. Tatlo-tatlo na sina kuya ang nagsasalita na para bang nag-aagawan ng phone. Ang huling nagsalita ay si Kuya Zeke. Kalmado, eh pero galit.

Ano kayang itsura ng mga 'to?

Napapantastikuhan akong tumingin sa phone at tumagilid ng higa, nakaharap sa phone kong nakalapag. "Mga Kuya baka gusto niyong isa-isa lang. Hindi pa ako nahahati sa dalawa tulad niyo kaya ikalma niyo."

[Paano kami kakalma, e nilatigo ka?! Pinanalo mo nga pero nagpalatigo ka naman!] Sigaw naman ni Kuya Axel.

Tangina talaga ni Sander! Parang Hindi kaibigan amputa! Napahilot na lang ako sa sintido ko. "Kuya naman..."

[Akala ko ba hindi ka na makikialam sa mga buhay nila?! Nangako ka, Luna na misyon muna!] Pagpapaalala ni Kuya Axel.

Nag-uunahang tumulo ang luha ko. Nakakatakot pala siya magalit. Bumangon ako at dinampot ang phone. "Kuya h-hindi ko pala k-kaya."

[Fuck! Bakit mo pinaiyak?!] Boses ni Kuya Kaiser. [But Axel is right, Luna. Mas maganda kung hindi ka muna makikialam sa mga buhay nila. You're just making things complicated, Luna.]

"Sorry na." Paghingi ko ng tawad sa mababang tono.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya Kaiser. [As if may magagawa kami pero hindi ka ba nagtataka?]

Pinunasan ko ang luha ko. "Saan?"

[Bakit parang naging madali lang kay Sarmiento tanggapin ang pagsuko nung kaklase mo?]

Naisip din pala ni kuya ang tungkol dito?

"Actually naisip ko na rin 'yan, kuya. Dagdag pa diyan, Ang laki ng tinalon ng rank ko. From Rank 35 to Rank 10. I know it's impossible, pero parang... gusto niya akong makapasok sa top 5. Kaya lang iniisip ko kung bakit."

[You really need to know his connection to Eagle para magkaroon tayo ng sagot diyan.] Si Kuya Zeke.

Marahas akong napabuntong-hininga saka tumango. "Yes po. Kuya ibababa ko na. Nagugutom na 'ko." Pagsisinungaling ko. "Kagigising ko lang kasi. Pakisabi kina kuya na ayos naman na ako tsaka kasama ko naman si kuya Luci. Sorry ulit."

[Okay. Uminom ka ng gamot after mong kumain at matulog kaagad,] he said softly. [We love you. Please, take care of yourself for us. We want you to finish your mission with you alive.]

[Mahal ko rin, Kuya. Mag-iingat po ako rito. Pangako.] Pinatay ko ang tawag saka ako bumalik sa pagtulog. Mas gusto kong matulog kaysa kuma-

"Luna, let's eat." Boses ni kamatayan.

"Busog pa 'ko," sagot ko. Akma na sana akong hihiga nang may kumatok. "Lalabas ka para kumain o hahatiran kita ng pagkain diyan at ako mismo magsusubo sa'yo?"

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon