77: Doughnuts

23.3K 690 364
                                    

[DOUGHNUTS]

LUNA'S P. O. V

Nasa loob ako ng cabinet, nagtatago. Sa katahimikang bumabalot, biglang bumalik sa akin ang mga alaala no'ng nakaraang buwan...ang huli naming pagkikita ng mga kaklase ko.

Ang dumukot sa akin nang gabing 'yun ay hindi RSG. Sina Kuya Axel at Kuya Zeke ang may gawa no'n. Inutusan nila ang mga tauhan nila na magpanggap na miyembro ng RSG para mailihis sila sa imbestigasyon lalo na ng mga kaklase ko. Pero tunay na mga miyembro ng RSG ang mga taong kasama sa pagsabog ng sasakyan dahil parehas ng van nina Kuya ang van na sasakyan ng mga RSG. Tinakot nila ang mga ito na kung hindi gagawin ang inuutos nila na magpakamatay, papatayin nila ang mga mahal nila sa buhay kaya ayun, nagpakamatay nga ang mga gago. They had no choice dahil mabilis na pumwesto ang mga tauhan nina Kuya sa labas ng mga bahay ng pamilya nung mga miyembro ng RSG. 'Yung mga tests na kinuha sa bangkay nung sunog na sunog na babae ay lahat bayad nina kuya na makapagsasabing ako talaga 'yung namatay. Kinuha at itinapon ng mga tauhan nina kuya ang necklace at bracelet ko sa gilid ng bangin para hindi na sila magamit sa pagkumpirma sa pagkakakilanlan ko.

As for the girl, ayun 'yung isa sa mga tauhan ni Eagle na isa raw sa mga napatay ni Sander sa labas ng hideout ng RSG nung nakidnap ako. Yes, kasabwat nina Kuya Zeke si Sander. They had connections because Kuya approached Sander before I get kidnapped. Alam nila ang pagkakadukot sa pamilya ni Sander kaya nagpakilala silang kapatid ko. Hindi naging mahirap para kay Sander ang paniwalaan sila dahil hindi naman nalalayo ang mukha nila kay Kuya Kaiser.

Zeke Blaze Velasquez, leader ng Fallen Angel Gang. Kaya pala may hawig siya kay Kuya Kaiser kapag nakaside view at biglaang tingin. Siya rin ang may-ari ng F. A. Club. He's twenty-three years old, a nursing student, at ang panganay sa aming lahat. He owns a hundred of night clubs here in the Philippines bukod pa sa pagiging investor niya sa iba't ibang kumpanya. Ayaw niya raw kasing magtayo ng kumpanya dahil gusto niyang ituon ang atensyon niya sa pag-aaral. Just like what I know with Blaze, he's silent and always serious. He's Kuya Jasper version 2.0 na mas malala dahil napakastrikto. Well, kaya lang naman siya nagiging strikto dahil sa sitwasyon ng pamilya namin. He's a racer by the way.

Maximus Axel Velasquez, ang pangalawa sa aming magkakapatid at kakambal ni kuya Zeke. He's the Kaiser version 2.0 na gaya ni Kuya Kaiser, isa ring makulit. He's a doctor. Yes, a doctor kahit twenty-three pa lang siya. Why? He's wise as fuck! Siya raw ang pinakabatang nagtapos ng pagdodoktor sa Spain at eto pa! He owns a hundred of hotel resorts dito sa Pilipinas.

Hndi mahirap sa kanila ang makagalaw dahil hindi naman Velasquez ang gamit nilang apilyedo. Isa silang Martinez. Ayon kay kuya Kaiser, ang tanging nasabi lang nina mommy at daddy sa kaniya ay ang dahilan ng pagpapaampon kina kuya, at 'yon ay ang kaguluhan sa mga gang noon.

Ang isang katotohanan na yumanig din sa buong pagkatao ko ay ang pagkakaibigan nina Kuya Kaiser na leader ng Blackwing Gang at si Alexus na leader ng Black Panthers Gang! Hindi lang kaibigan, super best friend daw sabi ni Kuya Kaiser! Tangina! Magdadalawang taon na nila akong napaniwala na mortal silang magkaaway dahil halos magpatayan nung una't huling gang war namin tapos magkaibigan pala ang mga kupal! Sabi ni Alexus, totoo naman daw ang iniisip ko dahil sa kasintuan ni Kuya, gusto niya raw talaga ito ibaon sa lupa.

Si Kuya Kaiser na leader ng Blackwing gang at Kuya Zeke na leader ng Fallen Angel Gang tapos si Alexus na leader ng Black Panthers Gang!  

Unless maging kakampi namin ang ika-12 knight at maupo si Kuya Kaiser bilang king ng mga gang. Ayun ito kina Kuya Kaiser. Sana na lang talaga mangyari ang mga ito.

Jusko! I feel the surge of power! At dahil lang 'yun sa mga kuya ko na nagsilitawan na parang mga kabute lang.

Speaking of kabute, sii Denver. Napatawad ko na sila bago pa man ako dukutin. Mahal ko sila, e. Marupok na kung marupok basta napatawad ko na sila. Namimiss ko na sila pero hindi p'wede. Ni banggitin ang pangalan nila rito ay bawal. My Kuyas asked me not to get in touch with them for now. Patay na ako pero hindi raw naniniwala ang ibang mga kaklase namin sabi ni Kuya Luci. Umaasa pa rin ang mga ito. Halos magdadalawang buwan na rin mula nang mangyari ang palabas namin. Ginamit ko ang mga araw na nasa labas ako para mag-ensayo ako dahil may balak akong bumalik doon.

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon