Chapter 94: Menstruation

14.2K 504 638
                                    

[MENSTRUATION]

LUNA'S P. O. V

Sa pangalawang gising ko, nakaramdam ako ng bigat ng katawan para bumangon kaya nanatili lang akong nakahiga. Medyo mabigat din ang pantog ko na parang hindi ako umihi kaninang madaling araw.

Nasa kabilang room naman sina Pareng Hades at Deth. Gabi na raw kasi para bumalik pa si Deth sa hotel na tinuluyan niya kahapon. Bago ako natulog kagabi nagtext ako kay Luci dahil nung gumising daw ang mga gunggong na wala ako ay akala mo mga nakatakas na hayop sa hawla. Mabuti na lang at napakiusapan sila nang maayos nina Eunice at Stella. Inimporma ko na rin na success ang unang misyon ko.

Tinext ko na rin siya pagkagising ko pero wala pa ring reply.

Nakatanggap naman ako ng message kagabi mula kay Kuya Brent. Sabi niya na huwag na raw akong mag-alala sa kaniya dahil magiging okay din daw siya. Tuturuan daw siya ng tito niya sa pamamahala ng gang dahil napagdesisyunan niyang maging leader nito.

I know he will be a good leader to his gang.

Kumunot ang noo ko nang makaramdam ng basa sa baba ko. Tangina? Ang tanda-tanda ko na tapos ngayon pa ako naihi sa panty?

Nagkakamot ng ulo akong tumayo. Naghilamos muna ako ng mukha bago pumasok sa loob sa toilet room.

Magaling na 'yung paa ko. Hindi na masakit. Grabe talaga healing process ng katawan ko. Kaya imposible akong mamatay, e. Ano kayang potion pinainom sa akin nina mommy at daddy para mabilis lang ako maging okay?

Nang matapos akong umihi ay tumayo na ako at inayos ko na agad ang suot kong short.

"Waaaaaah!" Sigaw ko nang harapin ko ang bowl at makakita ng dugo sa inihian ko. Napatakip nalang ako sa bibig ko at inalala kung nabaril ba ako sa pwet kagabi sa laban o nasundot ng kung ano.

Tangina! Hindi naman sumakit pwet ko kagabi!

ZEKES' P. O. V

NASA gitna ako ng meeting kay Sister Abby, may-ari ng Angel's Shelter, tahanan ng mga batang wala ng mga magulang o kapamilyang mapupuntahan.

Nasa kwarto si Kaiser na sinabihan ko munang huwag lalabas dahil ayaw kong mabigla si sister. Pero kung may makita man siya, tiwala akong hindi siya magsasalita dahil anak na rin ang turing nito sa akin sa tinagal-tagal ng pamilya namin na tumutulong sa kanila.

"Yung pag-aaral po ng mga bata dapat po matutukan natin. Matatalinong mga bata ang nasa Angel's Shelter. They have a bright future ahead of them," sabi ko. Nang dalawin ko ang mga bata ay ipinakita nila sa akin ang report card nila. Matatalino ang mga bata kaya nakakapanghinayang kung hindi sila makakatapos.

Maraming matatalino o may mga potensyal na mga bata sa lansangan ang hindi nabibigyan ng pagkakataon para makapag-aral. Naiintindihan naman naming hindi rin talaga kaya ng gobyerno matulungan silang lahat kaya bilang nakakaangat sa lipunan, tutulong kami.

Kung sana lahat ng mayayaman sa bansa natin ay maghahangad na makatulong sa iba, malamang magkakaroon ng malaking pagbabago sa bansa natin. Para sa akin, ang tunay na pag-unlad ng bansa ay makikita sa unti-unting pagginhawa ng mga buhay ng mga taong nasa laylayan.

Kahit na maliliit na aksyon lang mula sa mga taong nakakaluwag-luwag ay malaki na ring tulong sa mga kapus-palad. Wala sa liit o laki ang pagtulong. Ang mahalaga ay maipakita ang kahalagahan nito sa iba at magkaroon ng mabuting dulot sa kanila.

"Yes, Mr. Martinez. Ayos naman ang mga grado nila nung 1st quarter at lahat sila ay nasa top. Actually bukas ay exam na nila for the 2nd quarter."

Nakangiting nagtaas naman ng kamay si Axel na inaayos ang necktie. Nakapormal siya at mukhang tao na dahil may duty daw siya. Nagkasakit siya ng dalawang araw at ngayon ang balik niya sa hospital. "Sister I planned to build a school for them. Bibilhin ko 'yung lupang bakante hindi kalayuan sa Angel's Shelter para hindi na mahirapan ang mga bata. Tsaka na sila lumayo kapag highschool na. What do you think po?"

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon