[JS PROM (PART 2)]
LUNA'S P. O. V
It was just an act. I faked it. Ako lang ang may pakana nito. Kahit si Panot walang alam dito sa ginawa kong 'to, eh.
Tawang-tawa pa rin ako habang kaharap si Kuya Luci na seryosong-seryoso ang mukha. Sabi ko na nga ba nakasunod ang loko.
Hindi ako 'yung nadeads 'no! As if tanga pa rin ako... minsan lang naman.
"Explain or else I'm gonna tell this to-"
"Ganito kasi 'yung nangyari." I cut him off.
Flashback...
Habang naglalakad ako pabalik ng room ay bigla kong naalala na kung tao ni Eagle si Elisse, malamang alam nun galawan ko kaya well-coached si Elisse.
Madali akong nagpunta sa office ni panot at nakahinga naman ako nang maluwag nang naabutan ko pa siya pero nagliligpit na ng gamit.
"Ms. Velasquez?" Kunot-nuong tawag niya sa pangalan ko.
"May tanong ako. P'wede bang sa bawas na tubig ilagay 'yung gamot? Hindi ba mama-"
"Hindi siya tuluyang mamamatay kahit gaano pa karami ang tubig na paglalagyan mo. Oh, I forgot to tell you na kailangang ubusin mo ang laman ng bottle na ibinigay ko sa'yo. Ayun ang mahalaga." Putol niya sa iba ko pang sasabihin kaya tumango naman ako.
"Okay, thanks." Tinalikuran ko siya habang nakatingin sa dalawang tubig na hawak ko.
"Ano ba'ng binabalak mo?"
Napasinghap naman ako sa tanong niya saka siya nilingon dahil may naalala rin ako bigla. "Shut up ka na lang. Ilang oras bago siya mahilo o mahimatay?"
"Five to ten minutes."
Kinindatan ko siya bago ako lumabas at magpunta sa cr.
Siguradong magdududa si Elisse sa punong tubig na iaabot ko sa kaniya kaya pinuno ko rin ang tubig na ininuman ko galing sa gripo at binawasan naman ang tubig na may gamot na para sa kaniya, para magmukhang ito 'yung nainuman ko.
Talino ko 'no? Tangina. Utakan lang 'to. Kung naging tanga ako eh 'di buhay ko kapalit.
End of flashback...
Masaya kong itinuro si Elisse. "Kaya ayan. Ang ending siya itong nakatulog dahil sa gamot na binigay ni panot. Inisip kong magpanggap na kunwari ako ang nakainom ng gamot para madala ko siya rito sa kwarto nang hindi ko na kinakailangan pang buhatin siya para maitago sa mga kaklase namin."
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Paano mo naman nalaman na susunod siya sa'yo?"
Napanguso naman ako. Ang tanga naman nito. "Kasi matutuwa 'yun na makitang naghihirap ako kaya alam kong susunod siya."
"Eh kung hindi siya sumunod?"
Hindi ko alam. Feeling ko lang. "Kuya naman! Ayos na 'di ba? Tulog na. Patay na." Pagmamaktol ko. Gusto yata nitong ako 'yung nakahimlay, e.
BINABASA MO ANG
DARK GANG
Teen FictionBOOK 2. Continuation of Dark Section. [STATUS: ONGOING] © Cie for the book cover ❤️