Chapter 83: Babysitters

15.1K 551 198
                                    

[BABYSITTERS]

LUNA'S P. O. V

Katatapos lang gamutin ni Deth ang likod ko pero hindi niya ako pinapansin. Kanina ko pa siya sinusubukang kausapin habang ginagamot ang likod ko pero walang response.

Nakatayo lang siya at nakasandal sa pader habang magkakrus ang mga braso. Mukhang malalim ang inisiip. Malamang iniisip niyang hukayin ang lupa. Nasa baba ang tingin niya, e.

"Deth ayaw mo talaga akong kausapin?"

No response.

"Sige, lumabas ka na. Pumunta ka na sa kwarto niyo ni Tev."

This time tumingin na siya sa akin.

"Oh? Tapos ngayong pinapalayas kita, titingnan mo 'ko?" Naiinis kong tanong.

"Does it really not hurt that much?" Tanong niya, hindi inintindi ang inis ko. Naglakad siya papalapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang ilapat niya sa magkabilaang gilid ko ang mga kamay niya at maglapit ang mga mukha namin. Bahagya kong

"H-Huh?" Tila natuyot ang lalamunan ko sa posisyon naming dalawa.

"Your back." His eyes darkened and swallowed hard.

"Hindi naman na. I-ininom ko na ng gamot, 'di ba?" I stuttered. Kainis nmaan kasi! Bakit kailangang ganito ang posisyon namin habang nagtatanong siya?!

"Why did you do that?" Mabilis niyang tanong.

Fast talk ba 'to?

"Ang alin?"

"Luna!" Sigaw niya kaya napangiwi ako. Ginagalit niyo si kamatayan. "E-Eh kasi ayokong solohin ni Zai 'yung parusa. I'm partly at fault there, Deth."

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga saka naupo sa tabi ko. "You won, so why did you—"

"He surrendered, Deth. We both know he couldn't hurt me. Kung siguro nilabanan niya ako nang seryoso at natalo siya, baka..."

"Baka?" He looked so pissed about it. Eh tapos na nga!

"Deth—"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at naghilot ng sintido. Nang magmulat siya, his eyes were on fire. "Luna, hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo. Ang tigas ng ulo mo. Ano'ng tingin mong mangyayari kapag nalaman nila lalo na ni Zai ang nangyari sa'yo? Kaya nga siya sumuko dahil ayaw ka niyang masaktan tapos ikaw, ikaw ang naghanap ng sakit mo sa katawan!"

"Sorry..." Tanging nasabi ko na lang. Alam ko naman ang pagkakamali ko. Bigla siyang tumayo kaya hinawakan ko ang dulo ng damit niya. "Saan ka pupunta?"

"Hindi ko kayang makitang ganiyan ang kalagayan mo. Papasok din ako kapag feeling ko okay na 'ko. Please do rest and sleep. And I'll get your flowers and that fucking guitar." Pagkasabi nun ay tuluyan na nga siyang umalis.

Ang laki talaga ng galit niya sa gitara.

'Sino ba naman hindi lalong magagalit, e nag sorry ba naman siya sa isang gitara?' Sa isip isip ko.

DARK GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon