[PROTECTED SECRET]
LUNA'S P. O. V
NAKAIN na ang iba sa amin dahil hapunan na habang sina Storm at Chaos ay hinahanap si Deth dahil Hindi pa ito bumabalik. Sina Vincent at Zai naman ay inaasikaso si Akiro. Sina Rance at Wolf naman ay nauna ng kumain para palitan mamaya ang dalawa.
SI Elisse naman ay mukhang nakahalata na na-a-out of place lalo pa't hindi na siya pinapansin nina Leo at Wolf kaya umalis siya. Lagot siya kay Panot. Pero bahala na siya, pake ko naman sa kaniya.
Nandito pa rin kami sa first floor, third room. Bumukas ang pinto. Iniluwa nito sina Chaos at Storm.
"Nahanap niyo na si Deth?" Tanong ni River sa dalawa.
Umiling si Storm. Sinara ni Chaos ang pinto. "Hindi kaya pinuntahan na namin si Sarmiento. Napag-alaman naming binigay niya na ang parusa kay Deth kaya wala na siya rito."
Kumunot ang noo ko. "P-Parusa? Anong klaseng parusa na kailangan pang gawin sa labas?"
Marahas siyang bumuntong-hininga. "Nauna na siya sa Dark Island."
"D-Dark Island?"
"Nakalimutan mo na ba, Luna? Inanunsyo sa atin 'yun nung unang araw na lumipat tayo rito. After ng first grading." Bahagyang tinaglid ni Stella ang ulo niya. "So totoo pala talaga 'yun."
Tumango si Storm at pabagsak na naupo sa couch. "Yes, and only Sarmiento knows about its location."
"Kahit mga kakampi ni Sarmiento, walang alam tungkol dito. Wala sanang makakalam sa sinabi kong 'to dahil nangako ako kay Deth na wala akong pagsasabihan nitong sinabi niya sa akin kaya lang naalala ko chismoso pala ako kaya eto naikuwento ko na sa inyo." Dugtong naman ni Chaos.
"Hindi pa ba kayo nakakapunta roon?" Tanong ni Eunice saka tumayo at inilagay ang plato sa lababo.
"Nakapunta na last year pero nakapiring kami mula pagsakay ng bus hanggang sa yacht. Sa loob ng yacht, nasa iisang kwarto lang kami. Bawal kaming lumabas. Kapag naman magbabanyo, kailangan nakapiring din papunta at pabalik. Kapag lumabag, siguradong ihuhulog ka nila sa gitna ng karagatan." Pagkwento ni Xenor.
"Walang duda na ihuhulog ka. Kahit wala pang nasasample-an, mukhang hindi posible na gawin 'yon. Mukhang importante kay Sarmiento 'yung lugar na 'yun para itago kahit sa mga taong pinagkakatiwalaan niya at ipiring pa tayo kahit nasa gitna na tayo ng karagatan. As if, may mga poste roon na may nakasulat kung nasaan na tayo, eh wala namang ganun sa karagatan," seryoso namang sabi ni Sander.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga. "Kailan daw tayo pupunta roon?"
"Bakit? Namimiss mo na ba agad si Deth at gusto mo ng magpunta do'n?" Natatawang tanong ni pesteng Zai.
"Hindi!" Sigaw ko saka sinamaan siya ng tingin. "Ihahanda ko lang ang sarili ko."
"Uuwi na tayo bukas sa kani-kaniya nating bahay. Tapos sa ikatlong araw na ang alis natin." Anunsyo ni Storm dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat. "Teka, teka lang!
Napatayo si Eunice. "What?!"
Napalingon si Stella kay Storm. "Agad-agad?"
"Mag-impake kayo ng mga gamit na gusto niyong dalhin pero kailangang isang bag lang tapos sa ikatlong araw ay susunduin na tayo ng bus dito. Nakapiring na tayo sa pagpasok natin sa bus hanggang makatapak sa isla" Pagpapatuloy ni Chaos, hindi inintindi ang mga naging reaksyon namin. Tumayo siya at kumuha ng plato niya. "Kain muna ako. Nakakapagod maghanap sa wala."
Kung bukas ay uuwi na kami at sa Dark Island sa ikatlong araw, kailangan ko munang makakuha ng kahit kaunting impormasyon tungkol kay panot na marahil sa office niya lang makikita.
BINABASA MO ANG
DARK GANG
Teen FictionBOOK 2. Continuation of Dark Section. [STATUS: ONGOING] © Cie for the book cover ❤️