Chapter 10

2.2K 30 0
                                    






Emponto alas otso nang gabi bago namin napaubos ang binibentang apple mango.Gutom narin ako.Kanina palang tumutunog na ang sikmura ko't humihingi na ng pagkain.

Maayos kong inilagay sa gilid ng barong2x ang mga basket na siya namang binubuhat ni Victor para ipasok na sa loob ng sasakyan.

"Malaki laki ang kinita natin ngayon Zoilla."masayang turan ni Milan.Tumabi ito sakin habang nakapameywang pa.Malapad ang pag ngiti hawak ang pera sa kamay niya.
Binilang na niya siguro ito dahil kanina palang nakita kuna siyang nagbibilang ng pera sa kusina.Binabasa pa niya ang daliri ng sariling laway saka magbilang ulit.

Narinig kong sinarado ni Victor ang pintuan sa likuran ng sasakyan bago niya kami binalingan.Tumingin narin ito sa paligid na ngayon nakabukas na ang lahat ng ilaw.Katulad rin pala ito sa amin.Marami pang tao ang nasa labas at namimili.May nakabukas pang pakainan at mga barong2x na nagbebenta nang mga patalim.Kumunot ang noo ko.Noong dumating kami dito kanina halos mga gulay,prutas at palamuti sa katawan lang ang nakikita ko pero ngayon may mga patalim na.May iba na ngang nakasaradong barong2x pero marami parin ang nakabukas.Mas lalo naring dumadami ang mga lalaking naglalakad sa kalsada't tinitingnan ang mga paninda sa paligid.
Inilibot ko ang mga mata.Malaki pala itong downtown.May nakikita na akong mga malalaking pangalan ng mga building sa likod ng tindahang ito.Isa na doon ang Martini's Club.Umismid ako.Pati pa dito nakita ko pa ang pangalan ng ungas na 'yon.

"Hindi na muna tayo uuwi ngayong gabi sa mansion."mabilis natuon ang mga mata ko kay Victor.May kinuha ito sa loob ng bulsa ng pantalon niya saka ito ibinigay kay Milan.Ang susi ng sasakyan.

"Bakit?Saan tayo matutulog ngayon?"tanong ko.Pinagpagan nito ang suot na delargo at inayos ang suot na puting polo.
Napasulyap ako kay Milan.Mukhang magkaedad lang nga kami pero siya ni hindi man lang naisipang pagpagan ang delargo niyang halos alikabok na.Pati ang kanyang suot na stenilas luma na.May butas narin ito.

"Doon muna kayo matutulog sa bahay ni Lola Sescia."kumunot ang noo ko.

"Lola mo?"sumama ang tingin niya sakin.

"Siya itong lolang gumamot sayo noong nakaraang araw Zoilla.Siya si Lola Sescia at ang apo niya namang si Lara."napaisip ako.Noong nilagnat ako at dinala ni Skull sa kwartong iyon naroon pa sila at kinabukasan hindi kuna natanong pa sa kanila ni Victor kung nakalabas na sila dahil nanatili ang isipan ko sa panaginip ko noong nakaraang gabi.

"Nakalabas na pala sila."mahinang salita ko.

"Kinaumagahan na sila pinalabas ni Prinsepe skull kasama kami.Ewan ko kong ano ang nakain ng isang iyon.Minsan ko lang siya nakitang good mood."natatawang turan ni Milan.Hinati nito ang pera at binigay kay Victor ang kalahati at kalahati naman sa kanya.

"Wala kapang sweldo ngayon Zoilla.Unang araw mo palang kasi."Salita ni Victor at binilang ang pera sa kamay niya.

"Ang ibig niyong sabihin na magkakasahod lang tayo sa kita ng benenta natin dito sa downtown?"sabay silang tumango.What the!Paghihirapan pa talaga namin iyon.Kapal talaga ng skull na 'yon.

"Pero huwag kang mag alala.Sa susunod kasi talong naman ang ebebenta natin dito."nakangiting saad ni Milan.Umismid ako.

"Mauna na kayo ni Zoilla sa bahay ni Lola Sescia.Susunod lang ako.May emportante lang akong puntahan."ngumuso ako nang makita itong nag smirk kay Milan.Alam kuna kung saan siya pupunta ngayong gabi.

"Sa Martini's Club kaba pupunta?"sa tanong kong iyon sabay silang napatitig sa akin.Bahagya pang sumama ang tingin niya sa sakin bago ito napunta kay Milan na animo'y handa na niyang babatukan.

"Mainis ako sayo aalisin ko talaga 'yang leeg mo't dila!"asik nito kay Milan na siya namang kinatawa nito.

"Tsh,umalis kana.Siguradong maraming babae doon ang naghihintay na sayo."saad ko at ngumisi na.Alam ko naman iyon.Maraming club sa amin at sa tuwing alas otso ng gabi ang bukas.Maraming bayarang babae ang pumapasok sa loob at ang iba naghihintay sa pintuan ng club para salubungin ang mga lalaking pumapasok dito para magpakalunod sa mga babaeng hotdog lang ang alam tuwing gabi.Not all,hotdog may iba namang itlog lang.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon