Chapter 46

1.1K 19 0
                                    


Zoilla Pov








Pagkatapos kong maihatid si Crest sa labas ng pintuan bumalik na kaagad ako sa kinaupuan ko kanina.Malalim akong napabuntong hininga nang maalala ang sinabi niya sakin.

"Nagpapasabi si Rexon sayo na ba't hindi ka daw nakapunta sa libing ng Lola niya Meddy? Hinintay ka daw niya pero hindi ka dumating."malungkot akong ngumiti. Hinintay niya ako.Ang batang iyon...
"Sinabi narin niyang nakita kana niya dahil dinala kana daw ng Lola niya sa bahay nila noong may sakit ka,iyan ang sabi niya sakin noong tinanong ko siya."Kumunot ang noo nito na siya namang kinakaba ng dibdib ko.

"Bakit ka nagsakit at bakit doon ka dinala? Malapit lang naman ang pagamutan ah?"tanong nito sa akin.Peke akong ngumiti.
Hindi naman siguro kailangang sabihin sa kanya ang dahilan kong bakit.Isa pa noong panahon na 'yon hindi ko pa siya gaanong kilala o ka close.I sighed.

"Pakisabi nalang kay Rexon na nagkasakit ako kaya hindi ako nakapunta sa libing ng Lola niya.At pakisabi narin na baka kong magkaroon ako ng oras pupuntahan ko siya sa bahay nila."anas ko.He smiled.
"Kamusta kana pala?Magaling naba ang mga sugat mo?"pag iiba ko sa usapan.Bahagyang umawang ang labi niya saka natawa nang bahagya.

"Sus,ano kaba.Masamang damo 'to kaya hindi ito mamamatay."nagseryoso ako sa sagot niya.

"Bakit mo nalamang naroon ako?Sinundan mo ba kami?"tanong kuna.Kusang nawala ang ngiti sa mga labi niya as he look at me.Kita ang pag aalala doon.Hindi ko maintindihan,noong araw na 'yon kita ko ang labis na takot,kaba at pag alala sa mga mata niya nang iniligtas niya ako.Kita ko kong paano pumatak ang luha sa mga mata niya nang pilit niya akong tulungang makalabas sa bahay na 'yon.
Kahit may mga sugat siya at mahina na ang katawan nagawa niya parin iyon.He saved me.
Napakagat ako sa aking pang ibabang labi para pigilang huwag mamuo ang luha sa aking mga mata sa naalala.

"Huwag munang tanungin pa.Basta ligtas kana ngayon."tipid siyang ngumiti.Inabot niya ang aking mga palad.Natuon ang mga mata ko dito.He even squeeze it to calm me.
"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama ulit sayo.Babantayan kita at hahanapin kung maulit na mawala ka.Isipin mong nandito lang ako Zoilla.Hindi man ako ang magiging knight and shining armor mo nandito naman ako para magiging body guard mo.Hindi ko hahayaang mangyari ulit iyon.Hindi ko hahayaang makita ulit kitang duguan sa mismong harapan ko."he smiled."Dahil pag makita kitang ganoon hindi kuna alam ang gagawin.Hindi na."mahinang tumulo ang aking luha.Ni hindi ko man lang naramdamang naiiyak na pala ako dahil sa sinabi niya.

"Crest,ba_kit mo ito ginagawa?Sabihin mo sa akin? Sabihin mo?"I say.Mahina siyang napabuntong hininga saka niya ako tinitigan sa aking mga mata.

"Walang dahilan Zoilla.I just want to secure you in any kind of danger.I just want to see you the way I use to see Ash."mahina akong natawa as I wipe my tears.

"Hindi ako ang tuta mo,ano kaba!"anas ko.

"See,I make you smile."sabat niya na sinabayan narin ang aking mahinang pagtawa.

Pagkatapos non wala na siyang sinabi pang iba.Naupo ako sa upuan at sumandal na.
Hindi ko maintindihan or mahina lang talaga akong umitindi.Did he...No he didn't.Malabong mangyari iyon.Sana mali lang ang nasa isip ko.Sana nga.

"My lady!"mabilis akong napalingon sa pintuan nang marinig ang tawag na 'yon mula sa labas ng aking pintuan.Si James.Ano na naman kaya ang kailangan niya sakin.
"My Lady?Pagbuksan mo ako ng pinto.May maganda akong sasabihin sa iyo."masaya nitong sambit.Napabuga ako ng hangin.Ano na naman kaya ang sasabihin niya?
Kahapon sinabi niyang kailangan kong pumayag na magpakasal sa kanya kahit panangdalian lang.Sinabi niyang kinakailangan para madala niya ako pauwi sa bahay niya,para mailayo ako kay Skull at Vivina.Napakagat ako sa aking pang ibabang labi.Paano ko iyon gagawin?Paano ko maatim na magpakasal sa kanya kong siya lang ang may gusto sakin?Paano ko siya pakisamahan kong pinipilit ko lamang ang sariling magpapakasal sa kanya?
At ang malala pa magpapakasal kami sa mismong araw ng kasal nila ni Skull at Vivina.Napalunok ako ng laway.Ewan pero nakakaramdam ako ng kaba.Hindi maganda ang pakiramdam ko nang sabihin niya iyon sa akin.Mukhang...

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon