Chapter 17

1.6K 21 0
                                    






"Aling Dora!Ganun parin ba ang bibilhin mo?"tanong kaagad nang lalaking nagbabantay sa pinuntahan naming nagbebenta ng gamot.Nagpalipat lipat pa ang tingin nito sa aming dalawa ni Victor bago siya muling nagsalita.

"Sino 'yang kasama niyo?Ngayon ko lang siya nakita dito ah."salita nito sa Lola ni Victor.Binalingan lamang ako ng matanda saka siya ngumiti sa lalaki.

"Kaibigan ng apo kong si Victor."aniya.Kumaway lang ako dito bilang pagbati na sinagot naman niya nang pagyuko sa akin.

"Dating gawi lang.Marami ba ang dala mo ngayon..."hindi na ako nakikinig pa sa pinagsasabi nila nang matunton ulit nang paningin ko ang pwesto kanina nang matandang babae.Malapit na siyang matapos sa pagtiklop ng mga plastic na siya namang inilalagay niya sa loob ng sakong dala.
Mahina akong naubo sa aking pwesto.Tiningnan ko silang dalawa pero wala na sa akin ang atensyon nila kundi nasa gamot nang pinipili nila sa loob ng sako.
Bahala na.
Dahan dahan akong umatras palayo sa kanilang dalawa para puntahan ang matandang babae.Kailangan kong itanong kong ano ba talaga ang binili niyang gamot dito.Isa pa malayo na ang lugar na ito para pumunta pa siya dito.

"Hello po,magandang umaga sa inyo Lola."bati ko.Natigil ito sa ginagawa bago siya nagtaas ng tingin para tingnan ako.Ngumiti siya.

"Bakit iha? Pasensya na,ubos na ang herbal tea na binibenta ko."paumanhin niya na mabilis ko namang pinigilan.

"Hindi po,magtatanong lang sana ako kong anong herbal tea ang binibenta niyo."tumango siya at natawa na naman ulit.Katulad sa lola ni Victor halos gilagid nalang ang nakikita ko sa loob nang bunganga niya.

"Ah,nagbebenta ako nang mga herbal tea na maganda sa katawan,nagbibigay ganda sa pagtulog,pagpalakas ng katawan,sa mga sugat,pampa..."hindi kuna ito pinatapos pa.

"Yung lalaking huling umalis kanina dito.Ano ang binili niya?"tanong ko.Imposible akong magkamali.Siya talaga iyon.
Napahawak sa kanyang baba ang matanda.

"Ah,yung gwapong lalaki kanina.Sus,ano kaba iha.Suki ko na siya dito.Matagal na siyang bumibili sa akin sa tuwing tenda dito.Siya si Necolai."sumikdo ang dibdib ko.Siya.
"Bumili siya ng mga gamot para sa sugat.Minsan bumibili naman siya nang mga pampa..."katulad kanina pinigilan ko na naman ito.

"Natanong mo ba siya kung sino ang may sugat?"kumunot ang noo niya.

"Hindi.Isa pa iha..."lumingon lingon ito sa paligid bago niya inilapit ang katawan sa akin para bumulong sa aking tenga.
"Bawal kang magtanong dito.Hindi mo pwedeng tanungin sa customer mo kung sino o ano ang paggagamitan niya.Pinagbabawal diyan dito."napakurap ako ng mga mata.Lumayo siya sakin at binalikan ang pagtupi sa natirang plastic.

"Ganun ba?"tanging tango nalang ang sagot niya.

"Kung gusto mong bumili ng herbal tea ko bumalik kanalang dito tuwing merkules.Iyan ang araw nang tenda dito."tumango ako.Mahina akong tumalikod sa kanya at nilingon sina Victor.
Busy parin sila sa pagpili ng gamot sa sako.

"Lola,aalis na po ako."paalam ko.Nagtaas naman ito nang tingin bago siya nakangiting tumango.

Bumalik ako sa kanila ni Victor at tinulungan narin sila sa pagpili ng gamot.

"Piliin mo lang 'yung natuyo na talaga Zoilla."salita ni Victor.Hindi ko alam ang pangalan nito pero mukha itong labanos na may maraming ugat sa balat.
Tahimik ang pagpili namin hanggang sa makarinig kami ng mga yapak ng kabayong papalapit sa lugar.

Tumigil kami sa pagpili at nilingon iyon.
Mula sa bukana ng tindahan naroon ang dalawang kabayong may sakay na kawal.

"Inspection!"malakas na sigaw ng isa.Mabilis itong bumaba sa kabayo niya at inilabas kaagad sa suot niyang boots ang nilukot na papel.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon