Chapter 22

1.6K 21 0
                                    








Naramdaman kong dali daling sumunod sa akin si Milan.Alam ko iyon dahil sa bigay na ingay nang dala niyang mga basket.

"Zoilla!Anong nangyari sayo sa inyo ni Victor?Ba't may mga pasa siya?"tanong nito nang makahabol.Binalingan ko ito saking tabi.Nakangiti parin ito.

"Ano ang ginagawa ni Princess Vivina dito?"sa halip na tanong ko.Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ito nang pagkunot ng kanyang noo.

"Sa narinig ko dito na muna siya mamamalagi."tila'y umasim bigla ang sikmura ko sa narinig.Kung ganun makakasama ko siya sa iisang bobong simula ngayon.

"Ahm,kaano ano ba siya ni Prinsepe Skull?"pilit kuna iyong tanong.Tumahip ang kaba sa aking dibdib sa susunod na sasabihin niya.Hindi ko maintindihan ang sarili.Nagseselos ba ako sa kanya?

"Siguro hindi mo pa ito alam pero matagal na siyang kasintahan ni Prinsepe Skull.Wala kapa dito kami ni Victor itinadhana na talaga ang dalawang iyon na magiging mag asawa."nagagalak na saad niya.
Lumunok ako ng laway saka pekeng ngumiti.Oo,nga naman.Ano ba naman ako para sa kanya.Isang babaeng nagpapabayad ng katawan niya dahil lang sa isang hiling.

"Ma_mabuti."turan kuna lamang.

"So,matanong ko lang?Ilang taon kana pala?"malalim akong napahinga ng hangin.Kinuha ko ang isang basket sa kanya na kaagad naman niyang ibinigay sa akin.

"Nineteen years old na ako."tipid na sagot ko.Narinig ko itong mahinang natawa saka ako siniko.

"Wow,magkaedad pala tayo."sa pagkakataong ito napangiti ako.Hindi nga ako nagkakamali sa kanya.Magkaedad nga talaga kami pero sa case naming dalawa mukha na siyang matured at adik tingnan dahil sa mga hikaw niya sa ilong at bibig.
Mas domoble pa iyon dahil sa tatoo niya sa leeg.

"Ahm,Milan.Ba't nagpalagay ka nang ganyan?"tanong ko sabay nguso sa tatoo sa leeg niya.Bigla itong nanahimik.Bahagya niyang itinaas nag kwelyo nang suot niyang pulo para takpan ang bahaging hindi natatakpan ng damit niya.

"Hindi naman ako ang nagpalagay nito,"peke siyang ngumiti.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Huwag munang tanungin pa.It's complicated."tumango ako at hindi na nagsalita pa.

Pagdating ni Victor sa tabi namin inaya na kaagad niya kaming umalis na dahil maghahanap nalang daw kami nang masasakyan sa labas para pumunta sa sakahan kong saan kami mangunguha ng talong para ibenta nanaman namin sa downtown.

Nakarating kaming tatlo sa naturang sakahan ng mga talong.Marami na nga mga taong nakatambay sa unahang bahagi nito kung saan nakatayo ang malaking puno ng mahogane.May kanya kanyang dalang basket at kita kuna rin ang sasakyan nilang nakaparada sa gilid ng kalsada hindi kalayuan mula sa sakahan.

"Victor!Dumating na pala kayo!"sigaw ng may katandaang lalaki.Kumaway dito pabalik si Victor na sinundan naman ng ibang kasamahan nito.

Lumapit kami sa kanila.Nakipag hand shake pa ang matanda sa aming tatlo bago siya muling nagsalita.

"Kayo muna ang mauunang mangunguha.Tutulungan namin kayo hanggang sa mapuno ang dalang basket ninyo.Sa amin kasi pagkatapos namin dito uuwi narin kami sa lugar namin."nakuha iyon ng atensyon ko.Hindi sila taga rito?

"Saan po kayo umuuwi?"tanong ko.Nalipat ang tingin niya sa akin.

"Labas na po sa skull city ang bayan namin.Bawat isa sa amin dito may kanya kanyang uuwian pagkatapos nito."kumunot ang noo ko.

"Ganun ba,"tumango tango siya.Kinuha niya sa akin ang dalang basket pati na ang kay Milan.
"Binili niyo naba ang bunga ng talong na kukunin niyo ngayon?"tanong ko ulit.Bahagya siyang natawa.Ibinigay niya sa isang kasama ang isang basket bago niya ako nilingon.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon