Chapter 28

1.4K 27 2
                                    






Nagising ako sa yugyog sa aking balikat.Kinamot kamot ko pa ang hawak nang kanang kamay kong unti unti atang tumitigas.Teka lang?Unan ba 'to?Pero parang hindi?

"Zoilla,gumising kana!"kasabay nang pagpitik nito sa aking noo.Naalimpungatan ako dahil doon.Pungas pungas akong bumangon dahilan na mauntog ang noo ko sa matigas na bahagi ng bubong.Kinamot ko ito.Argh,lumiit ba ang kwarto ko.Tapos?Napatitig ako sa hawak ng kamay ko.Talong?Talong ang piniga piga ko kanina.Nakalagay ito sa plastic na nakapatong sa aking hita.

"Gumising kana diyan.Babalik na tayo sa mansion!"inis na turan nito.Kinurap kurap ko ang mga mata.Hindi naman ito ang kwarto ko dahil nasa loob ako ng sasakyan.Sasakyan?Mabilis akong napadungaw sa labas pero walang talon maliban sa taniman ng palay.Saan ako?

"Haist,kumilos kana nga diyan!Kanina pa kita ginigising pero mukhang lutang ka diyan!Tangina naman Zoilla!"sa pagkakataong ito natuon ang mga ko sa nagsalita.Si Victor.
"Oh,ba't nagulat kapang nakita ako.Iniisip mo bang si Skull ang makikita mo?"I blinked.

"Hindi ah,nagulat lang ako dahil nasa sasakyan muna ako."he sighed.

"Sinabi ni Skull kagabi na dito ako maghihintay hanggang sa ihahatid ka niya dito.Alas tres ka niya dito inihatid at tulog pa.Aist,"kinamot nito ang batok."Hindi talaga ako nag iisip.Nakalimutan ko ang sinuot mong damit kahapon at ang spartan mong tsenilas lang ang nadala ko."tumaas ang isang kilay ko.Mas importante parin sa akin ang spartan kong tsenilas.Binili ko iyon sa paunang sahod ko at ang damit binili lang iyon siguro ni Skull.

Napabuntong hininga siya.

"Just don't try to Cross the boundary of Skull, Zoilla.Ayaw kong makita kitang maiiyak balang araw dahil sa kanya."huminga ito nang malalim."Just I don't want to see my little sister cry over a guy."napakagat ako sa aking pang ibabang labi.Kakaiba ang pakiramdam na 'yon.Tinawag niya akong little sister niya bukod kay Rowela.May bago na naman akong kapatid.

"Huwag kang tumingin sa akin nang ganyan.Wala sa akin ang magpaamo ng tuta."humigpit ang pagkahawak nito sa manubela kasunod nang malalim niyang paghinga.

"Nakita ko kong paano mo tingnan si Skull sa mansion.The way how your eyes watered everytime he was close to Vivina.You're hurt.Nagseselos ka dahil sa babaeng iyon without even knowing na bawal si skull na magkaroon ng relasyon sa katulad mo normal dahil half blooded siya.Noon paman itinadhana na silang dalawang magpakasal balang araw at magkaroon ng anak kaya tigil tigilan muna ang nararamdaman mong 'yan sa kanya dahil hinding hindi siya magkakagusto sayo.Katawan lamang ang habol niya sayo Zoilla.Itatak mo 'yan sa utak mo!"hindi ako nakaimik.Pinaandar niya ang makina ng sasakyan kasunod nang pagbigay niya sa tsenilas ko.

"Yan na ang spartan mo!Hindi talaga kita maintindihan.Tig bente lang naman 'yan eh"asik niya.

"Wala kanang pake doon noh,"bwelta ko.

"Tsh!"

Kinuha ko ito sa kamay niya at inilagay sa aking paahan para suotin na.

I sighed.
Tama naman siya.Akala ko kasi...aist.

"Saan kayo pumunta kagabi?"tanong niya.Nagsimulang gumalaw ang sasakyan para tahakin ang malubak ng kalsada.Saan ba kami?

"May pinuntahan lang."tumango siya.

"Saka nga pala may nakita kaba kagabi doon?"awtomatiko na atang gumalaw ang aking tenga at nilingon siya sa aking tabi.

"Yung papel nasaan na?"pagod niya akong nilingon bago niya kinuha ang papel na nakaipit sa nilagyan niya kahapon.
"Ito,"mabilis ko itong tinanggap at binuklat.
Tiningnan ko muli ang mga code na nakasulat dito.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon