Nanghihina ditong sumunod ang aking mga tuhod.Unti unting kumalas ang mga braso niyang nakapalibot sa akin.
"Crest?"tumulo nang tumulo ang aking mga luha nang makitang nawawalan na nang sigla ang mukha niya.
Unti unti nang nawawala ang dugo dito.Pati ang ugat niya sa leeg ay lumalaki narin."Zo... Zoilla."humikbi ako.
"No.Crest.Huwag mo rin akong ewan, please.Huwag mo akong ewan."hinaplos ko ang mukha nito.Pinahiga ko ang ulo niya sa aking hita.
Mahina siyang naubo.
"Zoilla.Huwag kang mag alala.Masaya na ako.Masaya na akong aalis sa mundong ito."
"No!Hindi ka aalis.May tutulong sayo."mabilis akong nagtaas nang tingin sa mga taong nakapalibot na sa amin.
Nakatitig lamang sila sa amin at ni walang ganang tulungan kami.
"May manggagamot ba sa inyo? Please tulungan niyo siya."pagmamakawa ko pero walang sumagot."Huwag kanang humingi nang tulong sa kanila.They're just white sheep but deep inside they're black."salita nang pamilyar na boses ng lalaki.Si skull.Nandito siya.
Luhaang natuon dito ang mga mata ko.
"Please, Skull tulungan mo siya.Please."I pleaded.Saglit na dumaan ang sakit sa mga mata niya pero mabilis rin namang nawala.
Napakagat ako ng labi nang muli kong itinutok kay Crest ang luhaan kong mga mata."Crest,huwag kang bumitaw please.Nandito lang ako.Huwag kang bibitaw.May tutulong na sayo,hindi ba skull?"nanginginig na sambit ko sa pangalan niya.
Napansin ko ang pagluhod niya sa harapan ko para pulsuhan si Crest.Nanatili ang mga mata niya sa akin.
Muli akong humikbi sa nakita.Umiiyak siya.Nakita ko muli siyang umiyak sa mismong harapan ko."Crest,huwag kang bibitaw okay? Naiintindihan mo ba ako?"tanong ko.Mapait na gumuhit ang pagak na pagngiti sa maputla na niyang mga labi.
"Katulad ng paro paro ilang araw lamang ang pananatili ko kasama ka."nanginig ang kanyang labi as he cried."Ilang araw lamang ang mga iyon na pinahalagahan ko.Kahit ilang minuto lang iyon natuto akong lumingon sa mundong binuo ng puso ko at ikaw 'yon.Mahal kita Zoilla.Aminin kong hindi ko dapat ito maramdaman sayo pero wala eh.Tumibok ang dibdib ko para sayo.Ginusto ka nito nang walang pahintulot sa akin.Ginusto ka ng puso't isipan ko."muli siyang naubo at ngayon may kasama ng dugo.Nanginginig ang mga labi kong humikbi.
"Huwag kanang magsalita please.Huwag kanang magsalita."pigil ko but he didn't.
"Kung hindi man kita makakasama sa panahong ito sana makakasama na kita sa susunod kong buhay,Zoilla."I cried.
"Crest,hindi ba pwedeng huwag ka munang umalis?Huwag mo akong ewan please.Please."a broken smile escaped from his lips.Mahina niyang inabot ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi.
"Hindi ko a_alam.La_son na ang kalaban ko..."mabigat siyang humugot ng hangin,"Basta ito lang ang tandaan mo.Nandito lang ako para sayo,hindi ako aalis sa tabi mo pangako 'yan.Babantayan kita palagi..."muli siyang humugot ng hangin pero sa pagkakataong ito hindi na ito bumalik.Lumuwag ang kamay niyang nakahawak sa akin at nanatiling dilat ang mga mata.
"No!!!Crest! Crest!Huwag mo akong ewan!No!No!Skull,tulungan mo siya Skull!"tuluyan na akong napahagulgol sa harapan niya.
Mahina kong tinapik tapik ang pisngi niya pero hindi na ito gumagalaw pa.Kahit pagkurap lamang ng mga mata niya hindi na niya ginawa pa.
"Kasasabi mo lang na hindi ka aalis sa tabi ko at babantayan mo ako.Pero bakit?Bakit Crest!Bakit!"singhal kuna."Zoilla,tama na 'yan.Nakakasama 'yan sa bata."pigil sa akin ni Skull.Ramdam ko ang paghawak niya sa dalawa kong balikat para pakalmahin ako.
"No,si crest.Si Crest Skull!Wa_wala na si Crest!Wala na ang isa ko pang kaibigan.Wala na siya Skull!Bakit!Bakit palagi nalang silang nawawala sa akin Skull?Bakit!?Sabihin mo!Sabihin mo sa akin ang totoo!Bakit palagi silang nawawala!"
BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Romansa|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...