Dinala nila kaming lima sa iisang kwarto na walang ilaw.Tanging ang ilaw lamang sa pinasukan namin ang naka on na nagbibigay ng liwanag para makita namin ang lalaking nakatayo sa harapan namin.Napakadilim sa loob nito.Mga huni lamang ng mga daga at ang pagkalaskas ng mga ito sa magaspang at lumang metal na pader ng lugar ang aming naririnig.
"Pasalamat ka't pinakinggan ka ni Prinsepe Skull!"utas ni Martini.Kung gaano ka pait ang lasa ng inumin na iyon ganun rin ang ugali niya.
Masama niya akong tiningnan nito na animo'y gusto na niya akong patusin.Nakita ko dito ang galit sa akin.Dahil ba sa hindi tinuloy ni Skull ang pagpatay niya kanina kay Victor?
Sinamaan ko ito ng tingin.Hawak parin ang kutsilyong gagamitin sana nang walang utak na prinsepe na 'yon kay Victor.
Nalipat ang tingin ko dito.Nakaupo ito sa gilid katabi si Milan at ang matandang babae kasama ang apo niyang nakatitig lang sa akin ngayon na nakaharap kay Martini sa labas ng rehas.Simula kanina hindi na sila nagsasalita pa.
Napahinga ako nang malalim.Hanggang ngayon nanginginig parin ang mga tuhod ko sa nasaksihan kanina.Animo'y mga hayop kaming ipinasok sa loob ng truck kanina.Sinipa at dinuraan pa ng mga lalaking naroon kasama ang maraming babae sa loob nito.Pawang nanginginig sa takot dahil sa kanila.It seems like their going to sale those fresh flowers to the town.
Natuon ang mga mata ko kay Martini.At least hindi kami natuluyan ngayon dahil sa ginawa ko.I left a heavy sigh."Sabihin mo sa kanya na salamat."salita ko.Umarko ang mga kilay niya.Hindi kapaniwala sa sinabi ko.
"Tsk,kapal din ng mukha mo ano?Kung ibenta kana lang kaya niya para pagpyistahan ng mga kalalakihan 'yang katawan mo.Siguradong malaki ang kikitain ni Prinsepe Skull sayo!"gumuhit ang nakakalokong pag ngiti sa labi niya.Malaki itong lalaking may mahabang begote.Kulay blonde ito pati ang buhok niya.Have a dark mysterious dark orbs looking at me intently.
"Kung sabihin ko kayang ibenta ko ang ina o kapatid mong babae kong meron man magiging masaya kaba?Magiging masaya kaba kong makita silang ginagahasa ng mga kalalakihan ang katawan nila sa mismong harapan mo?Sa tingin mo mapapatawad mo kaya ang sarili mo sa kadahilanang hindi mo sila naipagtanggol man lang?"balik na tanong ko.Idinura niya ang sigarilyo sa sahig na hindi pa naupos.Biglang nagbago ang reaksyon nito.Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin sa loob ng rehas.Kulang nalang niyang katatayin ako ngayon kong wala lang ito.
"Anong sinabi mo?Ulitin mo!Ulitin mo!"hindi na ako nagulat pa nang inilusot niya sa rehas ang dalawang kamay para kwelyuhan ako.
Naramdaman kong nagsitayuan sina Milan at Victor para tulungan ako.Aist.Wala ba silang patakaran ditong huwag manakit ng preso?"Uulitin mo ang sinabi mo o papatayin nalang kita dito?!"hinigpitan nito ang pagkahawak sa aking kwelyo but still hindi ako sumagot.Nanatiling blangko ang mga mata kong nakatitig sa mukha niya.Unti unting nawawala ang aking paghinga kasabay ng panunubig ng aking mga mata.Mamamatay lang naman ako lubos lubusin kuna keysa mamatay ako sa skull na 'yon.Ayaw ko sa kanya.
"Bitawan mo siya!"sigaw ni Milan.Pilit nitong inaalis ang mga daliri nito sa aking kwelyo pero masyado itong malakas.Sa laki ba naman ng katawan niya wala nang laban ang patpatin niyang katawan.
Umawang ang labi ko sa kakapusan ng hangin.Nagsimulang manilim ang paningin ko.
"Bitaw!"katulad sa ginagawa ni Milan ganun narin ang ginagawa ni Victor para tulungan ako but it's useless.Habang tumatagal na hawak ako ni Martini parang gusto nang bumigay ng katawan ko.
Pilit kong itinaas ang kamay at pilit na kinakalas ang pagkahawak nitong umabot na sa aking leeg.Tsh,may balak ba talaga siyang patayin ako?"Bitawan mo siya Martini!"malakas siyang sinuntok ni Victor sa mukha.Sa liit ng kamay niyang lumusot sa puwang ng rehas mabilis niya itong nabawi pero ganun parin.Sa halip na bitawan ako nalipat ang mga kamay nito sa aking leeg choking me until death.
BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Romance|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...