Zoilla Pov
Katulad nang dati maaga pa kaming umalis sa bahay ni Lola Sescia dala ang pabaon niya nilagang kamoteng kahoy.Nakabalot ito sa dahon ng saging na siya namang inilagay niya sa plastic bag.
"Ate!Kailan kayo babalik dito?"sigaw ni Lara.Nakita ko ito sa gilid ng aking mga matang nakadungaw sa bintana nila habang walang humpay na kumakaway sa amin simula noong bumaba na kami sa bahay nila kanina.
Nakangiti ko itong nilingon at kumaway din sa kanya pabalik.
"Sa susunod kong may ebebenta na naman kami sa downtown!"tiling sigaw ko.
"Kung babalik kayo dito,bilhan mo ako ate ng panty!Wala na akong panty!"malakas na tili nito.Bahagya akong natawa sa narinig.Nakita ko pa itong binatukan ng Lola niya nang tumabi rin ito sa bintana at kumaway narin.
"Oh,sige.Bibilhin kita!"nakita ko itong bahagyang napatili at niyakap ang Lola niya.May sinasabi pa siya dito na kung ano bago ako tumalikod para sumunod na sa kanila ni Milan at Victor.
Nagmamadali akong sumunod sa kanila na ngayon may kalayuan na mula sa akin.
"Woy!Hintayin niyo naman ako!"sigaw ko sa dalawa pero ang mga loko hindi tumigil.Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang gilid ng kalsada.
Habol ang aking paghinga nang makarating sa kanilang tabi.
"Hindi ba uso sa inyo ang maghintay?"tanong ko pero sa halip na sagot ay ang pagtawa ni Milan ang narinig ko.
"Ano kaba Zoilla.Ba't kanaman namin hihintayin kung marunong kanamang lumakad palapit sa amin."aniya.Bahagya pa niya akong hinampas sa balikat.Inis kong inalis ang kamay niya pero nanatili ito dito.
Kunot ang noo ko siyang binalingan pero wala na sa aking mukha ang mga mata niya kundi sa aking dibdib.Nanatili dito ang mga mata niya.Bigla akong kinabahan sa nakita.Pansin ko pa ang paglunok niya ng sariling laway basi sa paggalaw ng kanyang lalamunan."Mi..."natigil iyon nang makita kong hinila ni Victor ang isang braso niya.
"Pumara kana ng jeep doon Milan."doon lamang siya tumigil.Animo'y bigla itong natauhan at wala nang sabi sabing umalis para magbantay ng jeep na dumadaan dito.
"Umiinom kaba sa gamot na binigay ni Lola?"tanong niya nang makitang nasa kabila ng kalsada si Milan.
"Hindi pa.Nailagay ko iyon sa plastic na nilagyan ng lola mo ng saging.Hindi kuna kasi nakita iyon noong dinala ni Aling Meddy ang plastic sa kanila."narinig ko itong napabuntong hininga.
Katulad kay Milan natuon rin sa dibdib ko ang mga mata niya pero mabilis rin naman niyang inalis."Sige.Tatanungin ko si Aling Meddy tungkol doon at isa pa pala.Sa susunod huwag kang bumili ng damit na kita na ang ibang bahagi ng dibdib mo!"inis na untag niya.
"Hindi kami masyadong close ng Milan na 'yan!At..."lumingon ito sa pwesto ni Milan na nasa kabila na ang atensyon kong saan naroon ang mga babaeng nakasuot nang maikling short.
"Hindi ako umalis kahapon para magliwaliw lang.Sinundan ko siya para malaman mo."umigting ang kanyang panga.Hinubad nito ang suot na jacket at ibinigay ito sa akin.
"Suotin mo 'yan!Hindi ko nagugustuhan ang pagtitig niya kanina sayo para sa katulad niyang kakasimula lang gumamit ng babae!"inis niyang kinuha sa aking kamay ang hawak na plastic bag para ipasuot na sa akin ang jacket niya.Hindi ako nakaimik.Dali dali kong sinuot ang bigay niyang jacket saka sinarado na ang zipper nito hanggang sa ibabaw ng aking dibdib para takpan ito.Nagagandahan kasi ako sa puff sleeve na binili ko kahapon na nakita ko sa tindahan habang naghihintay sa kanila.Saka bumili narin ako ng jogger na kulay itim na siyang suot ko ngayon.Hindi ko kasi nalabhan kahapon ang bestidang suot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/300737053-288-k139908.jpg)
BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Romantizm|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...