Hindi ako nakapagsalita habang nakatanga sa kanya.Kinurap kurap pa nito ang mga mata ng ilang beses para lang sa akin.
"Zoilla!Saan ka pupunta hah?"tanong na naman nito but still walang salitang lumabas sa mga labi ko hanggang sa magsalita si Martini.
"Lumabas ka dito,sasama ka muna kay Crest!"untag niya.Kumunot ang noo ko dahil doon.
"Bilisan muna!Ayaw kong ma agrabyado dahil sayo!Kumilos kana!"galit na niyang utos."Pero..."
"Labas!Kukunin lang kita kay Crest mamaya!"
Hindi na ako nakaimik pa at kinuha na ang mga braso ni Dives na nakapulupot sa akin.
Mahina kong binuksan ang locked sa pintuan para lumabas na sana nang marinig kong nagsalita si Dives sa aking likuran."Ate,iiwan mo ba ako?"tanong niya.Natigil ako sa pagkilos dahil doon.Nilingon ko siya sa aking likuran.Pinupunasan pa nito ang luhang tumulo sa kanyang mga mata gamit ang buto buto na niyang kamay.
"Hindi naman..."
"Lumabas kana Zoilla!"sigaw na ni Martini sa akin kaya wala na akong nagawa pa kundi ang lumabas na sa sasakyan.
Mabilis akong dinaluhan ni Crest.Hinawakan nito ang braso ko at hinila na palapit sa sasakyan nila."Ate!Sasama ako sayo!"tili ni Dives mula sa loob ng sasakyan.
"Dito kalang!Samahan mo ako dito!"sabat sa kanya ni Martini.
Nakita ko pang binuksan nito ang pintuan sa front seat at lumabas doon dala ang baseball bat.
Astig itong lumapit sa sasakyan sa unahan hanggang sa hindi kuna ito nakita pa."Bilisan muna Zoilla.Ilalayo kita dito."salita ni Crest.Mabilis nitong binuksan ang pintuan ng sasakyan nila sa front seat at pinapapasok na ako sa loob.
Pero bago paman ako tuluyang makapasok nakuha ko pang sulyapan si Dives sa likurang bahagi ng sasakyan.
Nakatitig lang ito sa akin habang yakap ang mga dala ko.Looking at me as if I'm going to leave him.Nakikita ko sa mga mata niya ang labis na takot."Eh locked muna ang pintuan."utos ni Crest.Nanginginig kong hinawakan ito at malakas na sinarado.Rinig ko ang malalim niyang paghinga sa aking tabi.
"Mabuti't pinayagan ka ni Skull na sumama kay Martini."aniya saka na binuhay ang makina ng sasakyan.
"Pa-paano kayo nagkakilala ni Martini?Paano siya nagkaroon nang ugnayan sa katulad mo?"sa halip na tanong ko.Ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin pero hindi ko pinansin.Nanatiling nakatuktok ang mga mata ko sa sasakyan ni Martini.
"Mahabang estorya kong ekwekwento ko sayo Zoilla."sabat niya.
Hindi na ako sumagot pa hanggang sa umalis kami sa lugar.Bumalik kami sa dinaanan namin kanina hanggang sa marating namin ang pa cross na daan.Sa naalala ko kanina sa kanan kami dumaan pero ngayon sa kaliwa na.Hindi ko alam kong saan ito papunta,kung saan niya ako dadalhin."Huwag kang mag alala.Susunod sa atin si Martini."salita niya.Lumingon ito sa akin at ngumiti na naman.
"Mukhang may nagbago sa itsura mo ngayon.Nagblooming ka."napalunok ako ng laway.
"Huwag munang isipin."tumawa ito.Mukhang masaya siya ngayon,hindi alintana na naiwan pa doon ang lima niyang kasamahan."Pagdating natin sa pupuntahan natin,ipapasyal kita sa white lake nila doon.Maganda doon Zoilla.Palagi ako doon pumupunta sa tuwing may problema ako."kwento niya.Hindi ako umimik.
"Masarap ang mga pagkain nilang binebenta doon.Maganda ang mga bulaklak at flower vase na naka display sa gilid ng lake.Siguradong magugustahan mo doon.""Bakit ganyan ka sa akin?"tanong kuna.Bigla itong nanahimik.Tanging ang ogong lamang ng sasakyan ang naririnig ko dahil sa malubak na kalsada.
"Wala lang.Gusto ko lang."sabat niya.
BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Romance|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...