Tahimik ang naging byahe namin ni Victor sa daan.Wala ng mga sasakyan at ni walang ng tao akong namamataan sa kalsada maliban sa mga palaboy na aso.
Sumandal ako sa aking upuan at itinuon na sa labas ng bintana ang paningin.Masaya ako dahil okay lang si Rowela.Kung magkataon man na magkita kami sisiguraduhin ko nang hindi na ulit kami magkalayo.All of those years, she's always there for me.Tinuring kuna siyang kapatid sa ilang taon na magkasama kami kaya siguradong labis akong masasaktan pag mawala siya.
"Dumating ako kanina sa mansion na wala ka sa kwarto mo.Saan ka pumunta? Nagulat nalang kasi akong pinapauwi na ako ni Prinsepe skull kasama ka.Wala akong maiintindihan.Masyadong mabilis ang lahat.Ni hindi man lang ako nakapagsabi sa ama ko kanina na uuwi ako ngayon."napabuga siya ng hangin saka siya sumandal sa kanyang upuan.
"May nangyari ba?"tanong niya bago niya ako sinulyapan sa kanyang tabi.
Tipid akong ngumiti saka siya nilingon."Dumating kasi si James sa mansion kanina."umarko ang mga kilay niya sa narinig.Bahagya pang napaawang ang kanyang labi.
"Si Prinsepe James?Sa pagkakaalam ko bukas pa ang punta niya?Shit!"
"Pag alis mo ay siya rin ang pagdating niya.Pinuntahan pa niya ako sa kwarto at dinala sa kulungan."sumbong ko.Hininaan niya ang pagpatakbo ng sasakyan .
"May sinabi ba siya sayo?"
"Wala naman maliban lang sa dinala niya ako sa kulungan."napabuntong hininga ito.
"Sino ang pinuntahan niyo doon?"
"Si Dives."sagot ko.Ilang segundo siyang nanahimik.Humigpit rin ang pagkahawak niya sa manubela nang marinig ang pangalang binanggit ko.
"Si Dives?Bu-buhay pa siya?"napakurap ako ng mga mata.
"Bakit?Kilala mo ba siya?"peke siyang ngumiti bago niya ako binalingan.
"Hindi.Narinig ko lang ang pangalan niyang pinag usapan nila ni Martini."napaayos ako ng upo.
"Totoo ba ang sinasabi niyang wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng ina ni Skull?"tanong ko.Kumunot ang noo niya at natawa nang bahagya.
"Diko alam.Hindi naman ako nagtatanong kay skull tungkol doon.Pero basi sa nasagap kong balita enosente daw siya.Isipin mo,anim na taon siya noon.Kung titingnan mong maigi paano makakagawa ng sala ang isang anim na taon?"
"Siguro may ginawa pa siyang..."
"Nope!Noong panahon na 'yon naroon rin ako sa salo salo."huminga siya nang malalim."Naroon ako nang makita kong dinala ni Dives ang ina ni Skull sa ama nila ni James.Akala ko noong una magiging masaya ang handaan pero hindi.Animo'y kay bilis nang pangyayari dahil nakita ko nalang na nakahiga na sa sahig ang ina ni Skull habang hawak naman ng ama niya ang kutsilyong nakatarak sa dibdib nito.In short may kasalanan din si Dives."gumulo ata ang isipan ko sa sinabi niya.
"Paanong may kasalanan siya?"
"Sa kadahilanang ginamit siya ng ama ni Skull at ina ni James na patayin ang ina niya."
"Hindi ko maintindihan."
"Isipin mo nalang na kailangan nilang gawin iyon para sa future ni James."ngumisi siya.Ngising nakakapangilabot."Ang ina ni James kasi fortune teller.Nakikita niya ang mga bagay na mangyayari palang kaya iyon din siguro ang dahilan kong ba't nalimbungan niya ang hari na ipapatay ang ina ni Skull na half witch gamit si Dives."
"Pero sinasabi niyang wala siyang kasalanan.Ginamit lang siya diba?"nawala ang pag ngisi niya.
"Hindi ko alam.Siguro dadating rin ang panahon na maging maayos na ang lahat.At sana maisip rin ni skull na hindi siya pwedeng magkagusto sa hindi niya katulad royal blood."pagkatapos ng mga salitang binanggit niya nag seryoso na ito.
Animo'y may biglang pumitik sa aking dibdib sa narinig.Hindi siya pwedeng magkagusto sa hindi niya katulad royal blood?Pero bakit?

BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Romansa|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...