Chapter 48

1.1K 21 0
                                    

Zoilla Pov










The day before the wedding day pinalinya kami ng reyna sa harapan.Halos umalog ang taba nito sa katawan nang maupo ito sa upuang nakatalaga sa kanya sa harap together with the King.Seryoso lamang ang ama ni Skull na nakatunghay sa aming apat sa kanilang harapan para sa kanilang basbas para sa kasal namin bukas.November one.Ang araw kong saan birthday din ni Dives.

"Pwede mo ba munang ilabas ang asong iyan?!"may bahid na inis na sabi ng Reyna o Tita Demise nang makitang nasa tabi ko si Ash nakaupo.
Gumuhit ang mumunting ngiti sa aking labi nang tingnan ito sa paahan ko.Ash,the true name of Crest.Pagak akong natawa.Ni hindi ko man lang naisip na Ash pala ang totoo niyang pangalan.Kung hindi lang sinabi ni Pineapple guy sa akin ang totoong pangalan niya wala akong alam.Iyon pala ang dahilan kong ba't naging ganoon ang reaksyon niya nang pangalanan ko itong Ash noong tuta pa lamang.

"Ash,lumabas ka muna dito."suway ko dito.Mahina itong umingos ingos bago ito tumayo.Sinusulyapan pa ako nito naghihinging promeso na payagan ko siyang manatili.
Nagpoot ako.
Simula noong libing ni Crest or Ash namamalagi na siya sa tabi ko.Kinuha pa ito ni pineapple guy sa akin pero ayaw niyang sumama sa kanilang pag alis.
Napahugot ako ng hangin.
Noong araw na 'yon naroon lahat ng mga kagrupo nila para sa kanilang pinuno.Nakikiramay sa biglaang pagkamatay niya.May ibang galit sa akin at may ibang hindi at nakuha pang ngitian ako.Naroon ako sa mga araw na igulo ang kabaong niya sa ilalim ng lupa,naroon ako noong mga araw na nanatili siya sa kanilang kuta.Ako ang nag aasikaso sa lahat bago ang libing niya.Hindi ako umaalis sa tabi niya.Natigil ko ngang huwag nang magpatulo ng luha pero ang hapdi at sakit ng puso ko hindi mawala wala.Nasasaktan parin ako sa nangyari at gumaan lamang iyon nang ibinigay ni pineapple guy ang mga litratong kuha namin bago siya napana.Ang litratong gabi gabi kong tinitingnan para sa kanyang matamis na pag ngiti doon na kahit kailan man hindi kuna makikita pa.
Pagak na gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makausap ang mga magulang niya at ang iba niyang kasamahan.Nagpapasalamat na kahit paano nakaramdam nang kakaibang saya si Crest kahit na hindi naman pangmatagalan.Masaya ako dahil doon.Masaya ako na kahit papaano may taong nagmamahal sa akin kahit hindi ko naman nakikita iyon.I bit my lower lips.

Mahina akong yumuko para abutin ang ulo ni Ash.

"Lumabas kana Ash, magkikita nalang tayo mamaya."salita ko dito na kaagad naman nitong sinunod kasunod nang pag ismid ni Vivina sa akin.

"Tsk,hayop na hayop kinakausap!"pasaring niyang sabi.Hinayaan ko nalamang.Ayaw ko nang ma stress pa.Lumalaki na ang tiyan ko at kailangan kong maging kalmado.

"Dahil nandito na kayong lahat..."tiningnan kami isa isa nang Reyna saka siya ngumiti lalong lalo na sa kanyang anak na si James na nakatayo sa aking tabi.
"Pinahihintulutan kuna kayong pagpapakasal bukas.Sana maging tahimik at maunlad ang pamumuhay ninyo."she smiled.Sumandal ito sa upuan at tinapik sa balikat ang ama ni Skull na ni mukhang hindi nakikinig sa sinabi niya.
"As for now,magbeso beso kayong apat sa isa't isa bilang pagtanggap na isa na kayong pamilya."pagkatapos niyang banggitin ang salitang iyon animo'y pumasok na kaagad ang kaba at kalabit sa aking dibdib.Ilang araw nang nililibang ko ang sarili sa mga bagay bagay sa loob at sa labas ng mansion para kalimutan siya pero hindi ko magawa.Hindi ko kayang alisin siya sa tuwing nakikita ko siyang nakatingin sa akin sa tuwing kinakantahan ko ang binubuntis ko.
Nasasaktan ako.

"Mag beso kana best friend!"tili ni Rowela sa kabilang side ng kwarto.Pekeng gumuhit ang ngiti sa aking labi.Isa pa 'to.Simula noong dinala siya ni James sa Mansion pakiramdam ko mas lalo lamang sumama ang nararamdaman ko.
Tsh,siya ba naman.Animo'y kay dali lang para sa kanya ang lahat na wala na ang ama ng magiging anak niya.Nakuha na niyang ngumiti,nakuha na niyang tumawa kasama ako pero minsan
nakikita ko siyang palihim na umiiyak sa tabi tabi.
Napakuyom ako ng kamao as I bit my lower lips again.Alam kong tinatago lamang niya ang lungkot na nararamdaman para ipakita sa akin na masaya na siya,na kaya na niya.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon