Tumunog ang malamyos na awitin sa buong lugar kasabay nang pagsayaw nila sa gitna.Sabay na nagpalakpakan ang mga bisita sa loob ng hall.Halos pinuno na nga nito ang buong paligid at inagaw na ang musika na galing sa malaking speaker sa harapan
Pati ang katabi ko nadadala narin sa indak ng lahat."Kyaahh!Ang galing nila diba!?"tanong pa nito sa akin.Umismid ako.Saan ang galing don?Eh,halos naglalandian lang silang dalawa sa gitna ng stage making some weird gesture to each other na hindi ko naman maiintindihan.
"Sabihin mo,Zoilla!Ang galing nila?"pilit pa nito at siniko ako sa tabi niya.Pilit akong ngumiti at tumango sa kanya.Ewan, sumasakit ang mga mata ko sa ginagawa nila.Ni hindi man lang ako nasiyahan o kinilig katulad sa ibang bisita sa loob na halos magkamayaw na sa pag cheer sa kanila kasama na ang katabi ko.
Wala namang nakakakilig doon o ano pa maliban sa kalandian nila."Alam mo bata palang si prinsepe Necolai marunong na siyang sumayaw.Siya ang palaging pangbato nila sa sayaw sa ibang royal school noon."Edeh,sana all.Mahiya naman ako sa kanya.Ako kasi noon palaging nasa likuran nakapwesto dahil sa hindi marunong sumayaw na siya namang tagaaliw sa mga taong nasa likuran nakapwesto na walang ginawa kundi makita ang maling pagkilos ko.
Natapos sila sa pagsayaw sa gitna nang hindi talaga ako nadala o ano pang magandang aksyon ang nakuha ko sa kanila maliban sa paglalandian nila sa gitna.
Pumasok kami sa loob ng refilling station at naupo sa dalawang bakanteng upuan.Sa tingin ko malapit naring matapos ang party.Makapagpapahinga narin ako pagkatapos nito.Pagod narin kasi ako sa byahe at sa pagtatrabaho namin sa kainan bilang tagahugas ng pinggan at kaserola.
"Ako pala si Nicole,ikaw?"panimula niya.Ewan ko kong ba't nagtiis siya saking tabi.Hindi nalang siya sumama sa ibang kasamahan naming nasa hall at nakikihalo sa ibang mga bisita.Organisado ang party.Halos may bantay ang labasan at pasukan ng lugar.Kahit sa itaas na bahagi nito may mga bantay.Kumpleto sa armas at malalaki pa ang mga katawan.Kung may papasok man dito ngayong gabi na masasamang nilalang na galing sa labas siguradong mahihirapan silang lumusob.
"Ako si Zoilla."sabat ko.
"Nakatira ako sa bayan ng Roca.Pangingisda ang trabaho namin doon.Yung sayo?"huminga ako nang malalim.
"Noong buhay pa si mama taga bayan talaga kami ng Vase pero dahil sa nakapag asawa siya na taga bayan ng Lukas doon na ako lumaki at nakapaghanap ng trabaho."tumango siya.
"Anong ibig mong sabihin?Anak kana ng mama mo bago niya nagiging asawa ang ama mo o yung stepfather mo?"sasagot na sana ako sa tanong niya nang may biglang pumasok sa pintuan.
"Kayong dalawa diyan!Lumabas na kayo.Maghahapunan na tayo dahil tapos na ang party."masayang sambit ng isang babae.
Kaagad kaming sumunod sa kanya patungo sa hall.May napapansin na akong umaalis ng mga bisita at may ibang lasing na at nanatili na lamang sa upuan.Anong oras naba ito?
Luminga linga ako sa paligid pero walang orasan akong namataan.Halos naghahabaang tela ang nakita ko sa mga pader nito't bulaklak bilang kolorete."Zoilla!Yahooo!Halika dito!"tawag sakin ni Rowela.Mabilis lumipad ang mapanuri kong mga mata sa pwesto niya.Malapad ang pagngiti habang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi niya.Napangiti ako.Hindi talaga siya nagbabago.Bata palang kami ganyan na 'yong ginagawa niya hanggang ngayon.Mapa party pa 'yan o sa kasal hindi niya talaga ako nakakalimutang reserbahan ako ng upuan sa tuwing kainan na.
Nagmamadali akong lumapit sa kanya pero bigla iyong natigil nang may bumagsak na kung anong malaking bagay mula sa ikalawang palapag ng lugar.
Nagsimulang nagpanic ang mga tao sa paligid.
Nakisiksik ako sa tumpukan at tiningnan kung ano ang bumagsak.Ang bantay sa itaas ang ngayong nakadapa sa matigas na sahig.Nagsimulang tumubo sa sistema ko ang labis na kaba.Iisa lang ibig sabihin nito.May masasamang tao ngayon sa loob ng party.
Napatakip ako sa aking bibig.Pinipigilang huwag maduwal sa nakita at sa naamoy na malansang dugo nitong nakikihalo sa hangin at sa alak.Nakakalat na ang dugo nito sa sahig.Nakalabas ang kakaunti nitong utak sa kanyang ulo.Nayupi talaga ito na animo'y ginamitan nang matigas na bagay o kung ano pa diyan na kayang biyakin ang bungo nito.
BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Romance|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...