Chapter 6

2.3K 38 0
                                    







Nagising ako sa loob ng sasakyan.Dahan dahan kong idinilat ang mga mata para salubungin ang sinag ng araw na pumapasok na ngayon sa loob ng bintana.Maaga na.
Nakabukas ang lahat ng bintana ng sasakyan kaya malaya ditong nakakapasok ang hangin mula sa labas.Napaayos ako ng upo.Luma itong sasakyan.May nakikita na akong kalawang sa gilid ng bintana at sa sandalan ng upuan.Magkasingtulad ito sa sasakyang sinakyan namin papunta sa party.Walang salamin kundi ang isang mata lang dito ang gumagalaw sa pag alog ng sasakyan sa hindi maayos na kalsada.
Marami na itong bitak bitak at hindi pa maayos ang pagkagawa.Parang pinaglumaan na ng panahon.

"Nasaan ako?"malumanay na tanong ko nang makita ang dalawang lalaking nakaupo sa front seat.Isa dito ang nagmamaneho ng sasakyan.
Narinig ko pa itong napaigham bago niya ako nilingon sa likuran.Payat itong lalaki.May hikaw ang ilong niya't gilid sa labi.Mayroong tatoo sa leeg na hindi ko alam kong saan abot.
Sa tingin ko magkaedad lang kami.He smiled.Napalunok ako ng laway.Nanginginig kong binuka ang mga bibig para sa isang tanong.

"Makakabalik paba ako sa amin?"tanong ko.Hininaan nito ang pagpatakbo ng sasakyan bago niya ulit ako nilingon.Nanubig ang aking mga mata.Si rowela.Okay lang kaya siya?

"Hindi ko alam.Nasa kay prinsepe skull ang kalayaan mo.Sumusunod lang kami sa kanya."sumigok ako pilit na pinipigilang huwag maluha.

Yung lalaking iyon.Anong gagawin niya sakin?Ba't kinuha niya ako?

Kinuyom ko ang aking mga kamao.Hindi ako pwedeng magtagal dito.Hindi ito ang lugar na pinangarap ko.Skull City?Ni hindi ko nga ito alam eh.
At ano naman ang gagawin ko dito?Niya?Pati ang mga babaeng kinuha niya sa party.Ano ang gagawin niya sa amin?

"Anong gagawin niyo sakin?"narinig kong tumawa ang lalaking katabi niya.Natuon ang mapanuring mga mata ko sa kanya.Mula sa nakasilip niyang balikat sa upuan malaki itong lalaki.

"Nasa kay Prinsepe Skull parin ang utos!"salita niya sa matigas na tono.Unlike sa driver magaspang itong magsalita.
"Kung gusto ka niyang patayin o ibenta siya na ang may alam."nasisiyahang dugtong niya.
Tinapik pa nito ang balikat ng katabi kasabay nang malakas niyang pagtawa

Nanghihina kong itinuon sa labas ang mga mata.Tahimik na pumatak ang aking mga luha.This is it.Animo'y hayop nalang ako nitong siya ang magdedesisyon kong ano ang gagawin niya sakin.Ang maging sunod sunuran sa lalaking iyon.I gritted my teeth.

"Ba't ka umiiyak?"tanong ng driver.Napansin kung lumingon ito sa pwesto ko pero hindi kuna siya pinansin pa.Mahina kong pinalis ang aking luha saking mga mata at pekeng ngumiti.

"Wala lang,"humagikhik ito.

"Huwag kang maniwala sa kanya.Tinatakot kalang niya.Isa pa kung ibebenta ka niya o papatayin sana sa truck ka niya pinasakay hindi sa sasakyang ito."mahabang lintyada niya.

Tiningnan ko ito.Wala sa akin ang atensyon niya kundi sa harapan na ng kalsada.

Ang mga babaeng iyon.Ano ba talaga ang gagawin niya sa kanila?Ba't kinuha niya ang ganun karaming babae sa party para sa ano?Para ibenta o patayin?
Napahilot ako saking sentido.Kinakabahan ako.

"Ikaw nga muna ang magdrive Victor!"singhal nito sa katabi.Hindi naman ito nagreklamo pa at tumango na kaagad.Mabilis na umalis ang payat na lalaki sa driver seat at ganun rin ang kasama niya.
Napakagat ako saking pang ibabang labi nang makita na walang gumagalaw sa manubela.Umaandar lang ang sasakyan sa gitna ng kalsada nang walang may nagmamaneho.

"Dito ka nga dumaan!"nagsikohan pa silang dalawa.Tinulak pa ng lalaking si Victor ang driver dahilan na masubsob ito sa harapan ng sasakyan na siya namang kinatawa niya.

Napaawang ang aking mga labi.Tuloy tuloy ang pagtakbo ng sasakyan sa kalsada.Marami pa kaming nakakasakubong na sasakyan sa kabilang kalsada at mga taong dumadaan sa gitna nito.Maliban doon marami ang mga taong bumibili ng mga panindang nakalatag sa gilid ng kalsada.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon