Habang tumatagal ang minuto mas lalong palakas nang palakas ang pagkatok niya sa aking pintuan.Walang tigil rin siyang nagsasalita sa labas.Napakurap ako ng mga mata.Nanginginig na ang aking pang ibabang labi sa kaba.Hindi ko alam kong ano ang gagawin.Sasagot ba ako o pagbuksan siya ng pinto.
Nalipat ang mga mata ko sa aking bintana.Kong lalabas ako gamit iyon siguradong hindi pa ako nakakababa nahulog na ako.
"Hello!May tao ba dito?Naamoy po kita!"salita niya.Kumuyom ang aking mga kamao.Halos nalukot na ang aking kumot sa higpit nang pagkahawak ko dito.
"Hello! Hindi po ako nangangain.May itatanong lang ako sayo."pilit kong nilunok ang sariling laway na bumara sa aking lalamunan.
Tumigil narin siya sa pagkatok sa aking pintuan.Napahinga ako nang malalim."Pagbuksan mo naman ako ng pinto.Hindi po ako nanakit ng babae."hindi ako sumagot.Nanatili akong nakatitig sa nakasarado kong pintuan.
Paano niya nalamang babae ako eh hindi pa niya ako nakita?"Hello,ikaw ba si Zoilla?"sa pagkakataong ito umawang na ang aking labi sa kasunod na sinabi niya.Ilang beses akong napakurap ng mga mata nang mag sink in ito sa isipan ko.
"Alam kong nasa loob ka.Pagbuksan mo naman ako?"sunod na salita niya.Dahan dahan akong bumaba sa aking kama para tunguhin ang aking pintuan.Animo'y may nagtulak na kaagad sa akin para pagbuksan siya ng pinto nang marinig ko ang aking pangalan.
Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang doorknob para buksan ito.Nagpakawala ako nang malalim na paghinga bago ko ito pinihit.
Mahina ko itong binuksan hanggang sa tumambad sa akin ang matangkad na figura nito.Bahagyang nakasandal sa gilid ng pintuan ang balikat niya."Mabuti't pinagbuksan mo ako.Ako pala si James."pakilala niya.
Mabilis akong nagtaas ng tingin para tingnan siya sa mukha.Hindi nga sila magkamukha ni Skull pero pansin ko na magkatulad sila sa hugis ng ilong.Masyadong bakat ang kanyang jawline.Naka shave ang balbas niya sa baba.Malinis ang pagkasuklay ng buhok niya.Hindi katulad kay skull kulay light brown ang mga mata niya.Hindi kakapalan ang kilay at medyo may kanipisang labi.
"Ah..."
"So,saan si Kuya?Gusto ko siyang makausap."deretsong saad niya.Humigpit ang pagkahawak ko sa doorknob nang mapansin ko kong paano niya pagmasdan ang mukha ko.Pati ang aking suot na damit inusisa na niya papunta sa aking paahan.
"Hindi ko rin kasi alam.Umalis sila kanina ni Martini."sagot ko.Umarko ang kilay niya.Inalis niya sa pagkasandal sa gilid ng pintuan ang balikat at lumingon sa hallway.
"Mukhang ikaw lang mag isa dito.Hindi ba niya naisip na baka may pumasok ditong masamang tao at gasahain ka?"napakurap ako ng mga mata.Tumahip ang kaba sa aking dibdib sa panibagong kaba sa narinig.
"Hahahaha,nakakatawa ka talaga.Noong nakita kita sa party ganyang reaksyon rin ang nakita ko sa mukha mo!"salita niya.Nakatingin na pala ito sakin.Hindi ko man lang iyon napansin.
"Relax!Wala akong masamang gawin sayo."ngumiti siya showing his perfectly white teeth.
"Tara samahan mo akong pumunta sa kulungan sa tingin ko kasi hindi ako mapapagalitan kung kasama kita."aniya pero hindi kuna rinig ang huling salitang sinabi niya."Kulungan?Ano ang gagawin natin doon?"tanong ko.
"May hinahanap kasi ako,kaya tara na Samahan mo ako.Mukha kasing hindi mo pa nalibot ang kulungan niyang iyon."aniya saka siya ngumisi.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa matunton namin ang nakasaradong malaking pintuan na gawa sa metal.Kinakalawang narin ito.
"Hindi kapa ba nakakapasok dito?"mabilis akong umiling.Hindi na kailangang malaman niyang minsan narin akong kinulong sa loob nito nang ilang oras.
BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Romance|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...