Chapter 31

1.4K 32 0
                                    



Zoilla Pov









Katulad sa nakasanayan kuna maaga pa akong gumising para tulungan si Margaretang magluto sa Kusina.
Nakangiti akong tinatahak ang daan papunta doon.Mabuti't maayos na ang pakiramdam ko.Ang lakas talaga ng tama nang gamot na ibinigay ng Lola ni Victor sa akin.
Gumagaan ang pakiramdam ko at kay bilis gumaling nang pasa ko sa mukha pero hindi parin ito masyadong magaling.Nanakit pa ito sa tuwing hinahawakan ko.
Pati ang aking balakang at hita medyo okay okay narin.Maihahakbang kuna ang mga paa ko nang maayos.

"Huwag munang saktan si Vivina!Ako ang mayayari kay ama pag may mangyaring masama sa kanya!"natigil ako sa paglalakad at napatingin sa hagdan pa second floor.Boses iyon ni Skull.

"Hindi kuna iyon gagawin ulit sa kanya pag sinabihan mo 'yang magiging asawa mo na huwag nang saktan si Zoilla!"napakurap ako ng mga mata.Si James.

"Ano ba kasing nakain mo't pinoprotektahan mo ang babaeng iyon,James!Hindi ka dapat magkakagusto sa katulong ko sa bahay lalong lalo na't pagmamay ari ko siya!"

"Hindi mo siya pagmamay ari.Kinuha mo lang siya Necolai.Walang nagmamay ari sa kanya!"

"That's bullshit!Ako ang batas sa bahay na ito kaya susundin mo ako!Huwag mo akong singhalan dahil lang sa babaeng iyon!"

"Wala na akong pake sa batas mo!Ang sa akin lang protektahan si Zoilla mula sayo!At bakit ganyan kana lang mag react dahil sa kanya!Sabihin mo nga sakin, Necolai ang totoo.Nagkakagusto..."

"Tumahimik ka! Hinding hindi ako magkakagusto sa kanya.Hinding hindi ako magkakagusto sa katulad niya katulong ko!Isa pa lumaki akong pinagbawalang huwag magkaroon ng relasyon sa hindi ko katulad Royal Blood!O ngayon masaya kana hah,James!"

"Tsh,kung ganun hahayaan muna akong gawin ang gusto ko para sa kanya.Huwag mo akong pagsabihan na layuan siya Necolai.Dahil sa una palang nagkakaroon na ako ng gusto sa kanya noong makita ko siya sa party!"kasunod non ang malakas na kalabog at pagkasira nang babasaging kagamitan sa sahig.Napalunok ako ng laway.

Nanginginig akong umalis sa aking pwesto at tinungo na ang kusina.Napabuga ako ng hangin dahil sa kaba.Si James?Ma_may gusto sa akin?
Dali dali akong pumunta sa lababo at binuksan ang gripo nito.Bigla atang nanuyo ang aking lalamunan sa nalaman.

"Ay,kakaiba karin ano?Sa lababo kana umiinom ng tubig?"napatigil ako sa pagsalok ng aking kamay nang marinig si Margareta.Nahihiya ko itong nilingon sa aking likuran.
"Ni hindi mo man lang ako napansin dito ah?"tumaas ang kilay niya.

"Pasensya kana.Nauuhaw lang ako."nag smirk ito.

"Tat tat tat,lutuin muna 'yang karne sa lamesa.Nahugasan kuna 'yan.Ikaw na ang bahala kong aanhin mo 'yan sa pagluto.Ako kasi wala akong masyadong alam tungkol sa mga niluluto mo."tumango ako.
"Pakibilisan muna rin dahil baka ilang minuto nalang papasok na dito si Martini,"nakangiti ito.Bahagya pang namula ang mukha niya nang masambit ang pangalan nito.
Ngumiti ako.

"May gusto kaba kay Martini?"tanong ko.Mabilis lumipad sa akin ang matalim niyang tingin.

"Huwag mo nga akong tinatanong tanong diyan!Gawin muna ang pinapagawa ko sayo at baka mabato kita diyan nang mainit na kanin!"singhal niya.Napahinga na lamang ako ng hangin.

"Nagtanong lang naman."pasaring na sabi ko pero pag che nalang ang sagot niya.



Sakto sa pagkaluto nang nilagang baboy na niluto ko ay ang pagpasok ni Martini sa kusina.Nilingon ko ito.Nakasuksok ang kanang kamay nito sa bulsa ng kanyang pantalon.Magulo ang buhok at humihikab pa.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon