Chapter 38

1.2K 24 0
                                    









Someone Pov's

Tahimik na nakamasid sa buong bakuran ang may katandaang lalaki katabi ang matabang babaeng walang tigil sa pagpapaypay sa kanyang sarili.They're waiting for his son to come home.Ilang araw na itong hindi umuuwi sa mansion dahil sa kinabisihan nitong ginagawa.

"Hanggang kailan mo ba pipigilan ang anak mong huwag nang lumapit sa katulad niya normal.Sa ilang buwan na naroon ka sa palasyo palagi mong natatanggap ang balitang galing kay James na baka nagkakagusto na ang anak mo sa hindi ninyo katulad.Tsh,ang tigas din ng ulo niyon.Kung ako ang papayagan mo ilalayo ko sa kanya ang babaeng iyon."salita ng matabang babae sa lalaking mukhang may malalim nang iniisip sa tabi niya.

"Huwag mo muna akong pangunahan Demise.Gusto kong makausap ang anak ko."sagot nito at napabuntong hininga.
Umarko ang kilay ng matabang babae hindi makapaniwala sa sinagot nito sa kanya.Sa ilang taon na minamanipula niya ito ngayon lang ito sumagot sa kanya ng ganun.Sumama ang titig niya sa itsura nang katabing matanda.

"Hindi mo ba napapansin Julius? Nagkakagusto na ang anak mo sa normal na iyon na wala sa kasunduang pinatupad mo sa kanya?"lalis nito.Kung pwedeng lumuha ang mga mata niya lumuha na dahil sa panglalaki nito sa katabi na wala namang pake sa kanya.Simula noong dumating sila sa mansion parang may pinagbago na ito.Palagi na itong nakatambay sa harapan ng maindoor tinitingnan ang gate kong kailan ba dadating ang anak niya.
Simula noong nalaman niyang umalis ito kasama si Martini hindi na ito mapakali pa.Ayaw man niyang aminin naaalala niya dito ang sarili noong binata pa lamang.Peke siyang napangiti.Kahit noon paman ang ina lamang nito ang minahal niya ng totoo sa likod na siya mismo ang pumatay dito.
Ni hindi niya alam ang gagawin nang malamang siya ang pumatay dito,na siya ang pumatay sa pinakamamahal niyang asawa na ilang buwan niyang niligawan makuha lamang ito.At noong mga panahon na nalaman niyang nagbubuntis ito sa magiging anak nila ni hindi niya maipaliwanag ang lahat na nararamdaman.Kong magsasaya ba siya,magpahanda ng salosalo o ano.Ang nasa isipan niya noon ay kung paano siya magiging mabuting ama sa anak niyang si Necolai.Ang anak niyang pinagkaitan niya ng kalayaan.Napakuyom siya ng mga kamao.
But still even the kindest person will betray you.Ginawan ito nang kwento ng babaeng nagiging asawa niya ngayon ang asawa na may kasiping na ibang lalaki kaya sa sobrang galit nagawa niya itong patayin,no,pinatay ito nang bagong asawa niya.Nawala siya pag iisip noong araw na iyon,ang nasa isipan lamang niya ay kung paano patayin ang babaeng nasa harapan niya katabi ang batang lalaking nagngangalang Dives.

"Alam ko ang gagawin ko Demise.Huwag ka munang mangialam sa akin ngayon."aniya.Mas lalong umarko ang kilay ng katabi.
She was his best friend before he met his love of his life.Lumaki silang magkababata kasama ang kapatid nitong lalaki.Malapit ang loob niya sa magkakapatid hanggang sa umalis si Delan sa pamamahay nila at naiwan si Demise na walang nagawa kundi kong paano mapapasakanya ang yamang mayroon siya.Ang yamang pinangako niya sa kanyang namapayang ama't ina na ibibigay niya sa kanyang nag iisang anak.Pero habang lumilipas ang panahon ni hindi na niya mapipigilan ang asawang huwag angkinin ang ari ariang mayroon siya.Ang ari ariang ibibigay niya sa anak niya.

"Tsh,yan!Pinapalaki mo ang ulo ng anak mo Julius!Hah!baka nakalimutan mo kong ano ang papel ng anak mo sa lugar na ito at sa buong palasyo.Siya ang susunod sa yapak mo pero hinayaan mo lang siyang magkagusto sa normal!"singhal nito sa kanya.Inis niya itong nilingon.

"Wala akong sinabing nagkakagusto sa normal ang anak ko, Demise.At pwede ba?Hayaan mo muna ako sa anak ko,ako ang ama niya kaya ako ang magdesisyon sa buhay na tatahakin niya at labas kana doon."padabog itong tumayo sa kinaupuan niya.

"Aba't mukhang kasalanan ko pa ah?!Baka nakalimutan mo Julius na ikaw ang pumatay sa asawa mo.Sa pinakamamahal na ina ng anak mo!"

"Umalis ka muna sa tabi ko Demise.Gusto kong mapag isa."

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon