Chapter 25

1.3K 25 0
                                    



Paika ika ang lakad ko nang buksan ko ang pintuan ko at sinalubong si Victor na ngayon nakaarko na ang kilay sa akin.

"Kanina pa kitang tinatawag dito..."natigil iyon nang matuon ang mga mata niya sa mukha ko.
"Umiiyak ka?Bakit?"kumunot ang kanyang noo.Pinasadahan niya nang tingin ang kabuuan ko bago niya ibinalik sa aking mukha ang mausisang mga mata niya.

"Anong dahilan nang pag iyak mo?"mahina akong sumigok.

"Iyan ba ang gamot?"tanong ko nang matuon ang mga mata ko sa hawak niya.Sumunod dito ang mga mata niya pero hindi niyon napigilan ang katanungan sa loob nito.

"Sabihin mo sa akin.Bakit ka umiiyak?"tanong niya ulit.Pasimple kong pinunasan ang aking mga mata gamit ang likod ng aking palad.

"Wala.Naalala ko lang si Rowela,"mahina siyang tumango nang marinig iyon.
Ibinigay niya ang gamot sa akin na kaagad ko namang tinanggap.Ito nga,ito ang gamot na ibinigay ng Lola niya sa akin.

"Kamusta si Aling Meddy?Hindi na siya gumagalaw..."

"Okay na siya.Naparalize lamang siya dahil sa gamot na ininject ng lalaki sa batok niya."tumango ako.Mabuti naman kung ganun.

"Saan siya ngayon?"napakamot ito sa kanyang batok.

"Nasa kwarto niya.Dinala na kaagad siya dito nang tauhan ni Martini pagkatapos siyang magamot.Isa pa pala,"lumingon lingon ito sa paligid bago niya inilapit ang mukha sa gilid ng aking mukha.

"Mag cr ka muna.Nasa likuran ng kusina ang Cr dito para sa mga katulong.Nangangamoy kana kasi.Hindi ko maintindihan pero parang amoy ng isang babaeng ginamit ng lalaki."usal niya.Kusang namilog ang aking mga mata dahil doon.Ni hindi ko nagawang magsalita.Kinabahan ako.Pati ang pagsulyap ko sa sekretong pintuan na dinaanan ni Skull kanina papunta sa kanyang kwarto ay nagpapadagdag lamang sa kabang nararamdaman ko.

"Si Skull ba?"tanong niya.Hindi ako sumagot.Nakakahiya.
"Huwag mo nang isipin.Maligo kana bago paman bumaba dito si Prinsepe James at Princess Vivina galing sa kanilang kwarto.Mas malawak ang pang amoy nila kaysa akin kaya bilisan muna.Ihahatid na kita doon."hindi na ako nag aalinlangan pang pumasok ulit sa aking kwarto para kumuha ng aking damit.

Nilapitan ko ang kabenit dito at binuksan na.Halos umawang ang aking labi nang makitang puno ito ng mga damit.Kumpleto na.May damit at pangloob at mukhang ka size ko.Mayroong sabon at shampoo sa gilid na lalagyan nito.May mga bestida pero kadalasan dito ay malalaking damit at jogging pants ang nakahanger.

"Bilisan mo diyan!"tawag niya sa akin.Kumuha ako dito ng damit at gagamiting sabon sa katawan bago lumabas.








~❤️~






Nakalipas ang ilang araw na hindi kami pumupunta sa sakahan.Nanatili kami sa loob ng mansion.
Palaging paikot ikot sa loob lang nito at ni wala na akong panahon kong paano ulit ako makakapasok sa loob ng kulungan muli.Palagi kong nakikitang pumapasok doon si Prinsepe James tuwing gabi at ngayon wala na naman siya dito dahil may importante daw siyang pinuntahan samantalang si Skull umalis rin kanina dahil may aasikasuhin siya.Hindi ko alam kong ba't nagpapaalam pa sila sa akin pag umaalis na katulong lang naman ako dito.Weird.

Pagod akong napabuga ng hangin at kiniskis na naman ang kalderin na gustong palinisan ni Princess Vivina sa akin.Ewan ko sa isang iyon.Malinis naman ang gilid nito at ang pwet hindi naman masyadong maitim.Natural lang naman sa isang kalderin na umitim ang pwet dahil sinasalang ito sa apoy.

"Hoy babae!Pakibilisan ang paglilinis diyan!Gagamitin kuna 'yan!"narinig kong sigaw nito sa loob ng kusina.Biglang nanginig ang aking mga kamay na nakahawak dito.Pati ang scratch brush na hawak ko muntik kunang mabitawan sa lakas ng boses niya.Palaging mainit ang ulo niya sa amin lalong lalo na sa akin.Makita niya palang ako animo'y gusto na niya akong mawala sa harapan niya.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon