Chapter 29

1.2K 22 0
                                    









Gabi na nang magising ako dahil sa tawag ng kalikasan.Napakamot ako sa aking batok.Parang kani kanina lang umihi na ako tapos ngayon naiihi na naman.Palagi nalang.Aist.

Tumihaya ako sa kama at tiningnan ang kisame.Makulimlim lamang ang ilaw dito na nanggagaling sa sinag ng buwan sa labas.I sighed.I don't know but I have this feels na there's is someone lurking at the shadow.Nanayo bigla ang mga balahibo ko.
Mahina akong bumangon sa kama at ibinaba na ang mga paa sa malamig na sahig.
Maingat kong inalis ang kumot sa aking hita at tumayo na.Nakakapanibago pa.Napakatahimik ngayong gabi.Ni walang ingay sa kwarto ni Skull kahit sa labas.
Oo,kanina nag uusap sila pero mabilis rin namang lumabas si Vivina.Hindi ko rin rinig ang pinag usapan nila kanina.Masyadong mahina ang kanilang boses.
Napalingon ako sa sekretong pintuan patungo sa kwarto niya sa loob ng aking kwarto.Natutulog na kaya siya?Aist,ba't ko ba iniisip iyon?Wala naman akong kailangan sa kanya.

Umalis ako sa aking kama para tunguhin na sana ang pintuan nang may nahagip ang gilid ng mga mata ko sa labas ng bintana.Napapatitig ako dito.Nakaipit ang kurtina nito sa gilid kaya klaro kong nakikita ang buwan at ang bituin sa langit.
Pero parang may kakaiba.
Mahina kong inihakbang ang mga paa palapit dito.Gumilid ako saka sumilip sa labas.Walang tao,nakasarado ang gate,napakatahimik.Napakurap ako ng mga mata.Ni hindi nga gumagalaw ang mga halamang nakalagay sa flower vase dito.Ni walang hangin.

Aalis na sana ako dito nang may nahagip na naman ang aking mga mata.Anino?
Inilapit ko muli ang sarili sa gilid nito at sumilip ulit sa labas.Tama nga.Anino ng tao ang ngayong nakakubli sa likuran ng flower vase kong saan naroon ang badyang.Panay ang paglinga linga nito sa paligid batay sa galaw ng anino niya.Isa itong lalaki.Magnanakaw kaya 'yan?

Nakatutok lang ang mga mata ko dito hanggang sa umalis ito sa pinagtataguan niya.Maingat ang pagtayo niya dahilan na malantad sa akin ang itsura niya.May ibinulsa pa ito sa suot niyang short na isang supot saka siya mahinang umalis.Ano ang ginagawa ni Victor sa ganitong oras.Hindi siya dumaan sa daan patungo sa main door kundi sa likurang bahagi ng mansion.Ang daang patungo sa likuran ng kusina at sa cr naming mga katulong.Umukbo pa ito at mahina ang bawat pagtapak niya sa sahig.
Kumunot ang noo ko.Ano 'yang sa damit niya?Mapula.Dugo ba 'yan?Halos mag blurd ang mga mata kong tinititigan ito pero tuluyan na itong nawala sa paningin ko.Weird.

Dali dali akong umalis sa gilid ng bintana at mahinang binuksan ang pintuan nang kwarto ko at mahinang naglakad patungo sa pwesto ng kusina.Sa totoo lang naiihi na talaga ako.Argh,panira talaga.
Mabuti't nakapatay ang ilaw sa loob ng mansion at nagbibigay lamang ng ilaw ay ang sinag ng buwan galing sa labas mula sa mga bintanang hindi natatakpan ng kurtina.Nanatili itong nakatali.

"Tik!"kaagad nanigas ang katawan ko nang marinig ang ingay na 'yon sa labas.Mala robot na gumalaw ang ulo ko at tumingin sa crystal na bintana sa likurang bahagi ng bahay.Wala.
Ewan,kinakabahan ako.
Katulad sa ginawa ni Victor kanina unti unti kong niyuko ang ulo at mahinang naglakad patungo sa pintuan palabas para tunguhin ang cr.Argh,kahit sa loob nalang ng mansion wala talagang binigay na cr para sa amin.Noong una nakakaihi pa kami sa cr sa likurang bahagi ng sala tuwing gabi pero natigil iyon dahil sa pinagbabawal ni Vivina.Ayaw daw niyang may maamoy pa siyang kakaibang amoy sa loob maliban sa kanilang tatlo ni James at Skull.Ang arte talaga niya.

Pagdating ko sa harap nito mahina kong pinihit ang siradora nito hanggang sa bumukas.Mahina kong inilusot ang katawan sa siwang nito palabas at sinarado ulit nang mahina.Nagmukha na tuloy akong magnanakaw dahil sa ginagawa ko.

"Tik!"gumalaw ang dulo ng kanang tenga ko nang makarinig ulit ang tunog katulad kanina.Hindi dito nanggagaling ang tunog kundi sa pahaba at malaking bahay sa likuran nito kong saan ang presohan at bodega.Doon nanggagaling ang tunog na animo'y may binuksan na bintana o pintuan.Luminga linga ako sa paligid.Walang tao.Pero si Victor.Nandito siya sa labas.Napalunok ako ng laway.Kinakabahan na talaga ako.Hindi kuna alam ang gagawin.Ang pumasok ba sa cr o lapitan iyon.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon