Chapter 50

1.6K 15 1
                                    

Zoilla Pov










"Tigilan mo 'yan Dives!"I shouted.Nanginginig ang labi ko habang sinasabi iyon.
Pilit niya akong nilingon sa likuran niya.Pula ang mga mata niya.

"Huwag mong gagawin iyan.Hindi ikaw ang Dives na nakasama ko nang ilang buwan,hindi ikaw 'yan.Please,bumalik ka.Huwag mo nang palakihin ang nagawa mong kasalanan sa lalaking iyan.Please..."salita ko habang tumutulo ang luha.

"Huwag kang makinig sa kanya Dives!Gawin muna ang iniutos ko sayo!Gawin mo na!"sigaw ni Tita Demise.Nalipat dito ang mga mata ko kasunod nang aking pekeng pagngiti sa kanya.Umarko ang mga kilay niya't binato ako nang masamang tingin.

"Bakit ganyan ka?Ni hindi mo ba nararamdaman ang sakit ng mga taong kinuhanan mo ng mahal sa buhay?"I asked.
Ang kaninang nakaarko niyang kilay ay nawala at napalitan nang pagkalito ang reaksyon niya.

"Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?!Sino ka!?"singhal niya sa akin.Nanginginig kong kinuyom ang mga kamao.

"Sino ako!Sino ako?Tsk,hindi mo ba nararamdaman?Ako ang anak ng kapatid mo!"sigaw ko sa kanya pabalik.Bigla siyang natameme.Ramdam ko ang panginginig niya sa kanyang kinatayuan.Ni pagkurap ng mga mata niya ay hindi pilit.
"Paano ko nalaman,sinabi ng anak mo sa akin!Noong nasa pagamutan ako at ang araw rin nang pagkamatay ni Crest sinabi niya sa akin ang lahat!Gusto kitang kamuhian dahil sa ginawa mo!Gusto kitang isumpa dahil sa kasakiman na gusto mo pero hindi ko ginawa!Alam mo kong bakit!?Dahil ayaw ng aking ama na magheganti,ayaw niya sa mga bagay2x na nasa paligid niya, ni ayaw niya sa kapangyarihang mayroon siya!Ni hindi ko nga nakita sa kanya noon ang gumamit nang ganoon pero..."I gritted my teeth.Wala na akong alam kong marinig lahat iyon ni Dives.Wala na akong alam kong marinig iyon ng mga bisita sa labas ng mansion at sa loob nito ang sinabi ko.Sa sitwasyon nila ngayon animo'y mga estatwa na lamang silang nakakubli sa kadiliman na naghihintay kong kailan sila papalayain.
"Pinatay mo siya!Bakit?Bakit mo siya kinuha?May mali ba siyang ginawa sayo,Ti_tita Demise?"punong paghihinakit na pagbigkas ko ng pangalan niya.

"Sino ka?Wala akong alam na may anak siya!Huwag mo akong lokohin!Wala siyang anak!"pagak akong natawa sa narinig.

"Hindi na kailangang malaman mo."pinalis ko ang luha sa aking mga mata.
"Hindi na kailangan para makilala mo ako ng buo,ang sa akin lang ay tigilan muna ito.Nakakasakit kana!"

"Tsh,wala kang alam sa ginagawa ko kaya huwag mo akong husgahan!Hindi mo alam kong bakit ko iyon ginawa,hindi mo alam kong..."

"Hindi ko alam kong bakit pinatay mo ang aking ama dahil natatakot ka na baka siya ang papatay sayo!Tama ba?!"nanlaki ang mga mata niya dahil sa bwelta ko.

"Tumahimik ka!Wala kang alam!"mabilis nitong kinumpas ang mga kamay sa hangin patungo sa akin kasunod nang hangin na malakas na tumama sa aking dibdib.Nawalan ako nang balanse at bumagsak sa sahig.Halos mamilipit ako sa sobrang sakit.Halos malagutan ako nang hininga dahil sa lakas.Magkasing tulad ito sa hanging gustong pumasok sa bintana noon sa bahay ni Lola Dora.
Hindi kaya'y?

"Huwag mo akong gawing tanga at sisihin ako.Anong akala mo sa akin tanga!Alam kong may kinalaman ka sa pagkawala ng isang libro at tatlong litrato sa museum ko.Lahat lahat alam ko at ang batang 'yan!Tsh,ang landi mo para magiging anak ng kapatid ko!Hindi kay James iyan kundi kay Necolai!Nagpabuntis ka sa kanya dahil gusto mong makatikim ng yaman na mayroon siya.Hak!Mabuti nalang dahil nasa ilalim siya nang kasunduang ginawa ko at may dugo siya doon.At alam mo ba kong para sa ano iyon?"lumapit siya sa akin at marahas na hinawakan ang aking baba para itaas.Nagkatagpo ang mga mata namin.Hatred was on it.Puno ng galit at hinanakit ang naroon..

"Hmmm?May alam kaba?Mukha ka kasing pakialamera.Sinabi ba namang anak ka nang nag iisang kapatid ko.Nagpapatawa kaba!Wala siyang anak!"singhal niya malapit sa aking mukha.
"At para sabihin ko sayo ang laman nang kasunduang iyon ayy..."pinaglandas niya ang matabang mga daliri sa aking mukha papunta sa aking mga mata.Masusi niya iyong tinititigan bago niya inalis ang kamay dito.
"Mamamatay ang taong minahal mo sa araw na ito.Nakasaad na iyon sa kasunduan niya.Sa araw mismo nang kasal niya ay mamatay siya katulad ng kanyang ina!"kasunod nang kanyang malakas na paghalakhak.
Ni hindi kaagad ako nakapagsalita maliban sa aking pagluha.Mabilis natuon ang mga mata ko sa pwesto ni Skull.Nanunubig ang mga mata nito.Kahit hindi niya kayang igalaw ang katawan pansin ko ang pagpupumilit niyang makaalis sa enkantasyon na ginawa ni Tita Demise.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon