Chapter 49

1.2K 18 0
                                    







Panay ang tingin ko sa orasang nakapaskil sa itaas ng pintuan ng kusina.Kanina pa ako tapos na kumain hindi parin siya pumapasok dito.Pagkatapos nang pag uusap namin kanina naging magaan na ang pakiramdam ko pero hindi parin niyon maalis alis ang takot sa puso't isipan ko.Nagsisimula nang bumuo ang isipan ko nang eksenang hindi naman pwede.Sa mga sinabi niya kanina,napag analisa ko na ,mukha siyang aalis.
Piniga ko ang kamay sa ibabaw ng lamesa.
Wala parin siya.

Muli kong itinuon ang mga mata sa labas ng pintuan hanggang sa mamataan ko ang katulong na papasok na dito.
Hindi pa ito katandaan.Kulay dilaw ang highlights ng buhok niya na may kasamang puti.Nakapusod ito't nakatali sa hairclip.
I smile nang matuon sa akin ang mga mata niya.

"Good afternoon Miss,may kailangan paba kayo?"tanong niya.Napalunok ako ng laway at sinulyapan ang dinaanan niya kanina bago ito natuon muli sa kanya.

"Matagal kana ba dito bilang katulong?"tanong ko.
Tipid na gumuhit ang ngiti sa labi niya.Lumapit ito sa labado at kumuha doon nang mug na hinugasan niya kanina.
Bumalik ito sa harapan ko at inilapag doon ang hawak.

"Hindi naman ako matagal dito.Siguro mga apat na buwan palang ako dito simula noong kinuha nila kami."I blinked.Kinuha nito ang thermos at binuhusan nang mainit na tubig ang loob ng mug.
"Akala namin noon katapusan na namin.Laganap kasi sa bayan namin ang nangyayari sa karatig bayan na sinasalakay nang mga kagrupo niya at kinukuha ang mga kababaehan para gawing katulong o bayaran pero hindi.Nawala ang akala ko noong araw na 'yon nang dinala niya kami dito.Sasabihin kong hindi maganda ang trato ng mga kasamahan niya sa amin sa loob ng truck but I swear pagdating namin dito doon ko naramdaman na,ay mabuti dahil nakuha ako."patuloy niya with a hint of happiness on it.
Nanatiling tikom ang mga labi ko hanggang sa magsalita siya muli.

"Ilang araw bago kami nakuha sinalakay ng ibang grupo ang bayan namin para kunin ang mga kababaehan pero huli na.Nandito na kami,nandito na lahat ng mga dalaga't dalagita dahil sa ginawa ng mga kasamahan ni Prinsepe Skull.Akala ko nga masama siya pero hindi eh.Sinabi niyang ginawa niya lamang iyon dahil alam na niya ang plano nang kabilang grupo.Yung tipong pinaglalandakan nila na nangunguha sila ng mga kababaehan para ibinta at gawing katulong pero hindi eh.Nagbago ang pananaw ko doon nang dinala niya kami dito.Lahat kami to protect us.Masaya ako dahil doon,aaminin kong marami na silang napatay pero sa likod niyon masaya kami na kahit papaano naging tahimik ang mundo namin sa loob ng Casang ito.Mahal namin siya.Kahit pinagkait man ang mundong gusto niya at least nagawa niya ang mundong ito para sa amin,para protektahan kami sa mga kalalakihang sakim sa laman ng mga babae.Gusto ko..."hindi kuna siya pinatapos pa at tumakbo na palabas ng kusina.Nanginginig ang buong kalamnan ko sa narinig.He did?Ginawa niya iyon.Noong araw na 'yon?Ibig bang sabihin na dinala niya dito ang mga kababaihang kinuha niya noon sa party?

"Skull!"tawag ko sa pangalan niya.Napapatingin narin sa pwesto ko ang ibang kababaehan sa loob ng mansion.
"Skull!"tawag kong muli.

"Nasa labas po siya Miss,nasa garden."sabat ng isa.Mabilis nalipat ang mga mata ko dito as I say.

"Dalhin mo ako sa kanya."in a hurry tone.Mabilis naman itong tumango at tumalima.
Dali dali akong sumunod sa kanya hanggang sa matunton namin ang lugar.Umihip ang malakas na hangin dahilan na umalon ang buhok ko.

"Nandito na po tayo miss,naroon po siya."sabay turo niya sa lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin.Nakaharap ito sa tanim na mga rosas.

"Salamat."

"Welcome po,"anas nito bago siya tumalikod.

Napahugot ako ng hangin as I looked on his broad shoulders.Hindi ko masabi kong saan siya nakatingin pero kita ko ang tuloy tuloy na pagtaas baba ng balikat niya.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon