Nagising ako nang mataas na ang araw.Kita kuna itong nakasilip sa loob ng bintana ng kwartong nakabukas.
Inusisa ko ito.
Isang may kalakihang kabenit,lamesita at ang kamang inuupuan ko ngayon ang gamit sa loob.Mayroon ngang labado pero walang sabon.Para saan ba iyon?Wala rin ditong cr."Mabuti at nagising kana."lumunok ako ng laway nang mapansin ang may kaedarang babae sa gilid ng pintuan.Makapal ang suot nitong eye glasses na bahagya pa niyang inayos.Puti na ang buhok nito at medyo kulubot na ang balat.Medyo may katangkaran ang may kapayatan niyang katawan.
"Magandang umaga sa inyo,"she nod.Kinuha nito ang lagayan ng gamot sa ibabaw ng kabenit saka lumapit sa akin.
"Mabuti naba ang pakiramdam mo?"tumango ako.Parang hindi lang ako nilagnat kagabi.Ang gaan ng katawan ko at hindi na masakit ang ulo.Nagbago narin ang aking damit.Bahagya akong namula.Sino kaya ang nagpalit nito?
"Ahmm,Aling Meddy ikaw ba ang gumamot sa akin kagabi?"tanong ko.Ramdam ko ang pag init nang aking pisngi nang masuyo niya akong tinititigan.Ngayon ko lang napansin.Berde ang mga mata niya.May kalakihan ang ilong at makapal ang pang ibabang labi.
"Ako ang gumamot sayo kagabi bakit?"napakurap ako.So,panaginip ko lang iyon kagabi.Pero parang totoo lahat nang iyon.
"May ginawa ba akong kakaiba kagabi?"hindi siya sumagot sa halip kinuha niya sa ibabaw ng silver na lagayan ang basong may laman sa loob.
"Wala,maliban sa pag ungol mo nang lumabas na ako.Panay ang pagsambit mo sa pangalan ni Prinsepe Skull."sumeryoso ang mukha niya.
"Natatakot ako sayo pag malaman niyang pinagnanasaan mo siya."animo'y masamid pa ako sa sariling laway sa narinig.Pinag nanasaan.Ang ogok na 'yon.
Pero parang totoo talaga iyon.Ramdam ko ang init ng katawan niya sa akin ang hininga niya sa...
Bumaba ang kamay ko sa aking hita.Imposibleng panaginip ko lang iyon?
Dahan dahan kong itinaas ang laylayan ng suot kong damit para tingnan sana kung may namula dito nang marinig kong nagsalita si aling Meddy."Anong ginagawa mo?Huwag mong gawin iyan pagnandito siya sa bahay niya."bumaba ang tingin nito sa nakalantad kong hita.
"Anong tinitingnan mo diyan?Wala namang sugat sa hita mo."umarko ang kilay niya nang malipat sa mukha ko ang paningin.
"May iniisip kana naman bang kakaiba?""Ah,wala."
"Kung ganun,inumin muna ito.May trabaho ka ngayon at ayaw ni Prinsepe skull ang pabagal bagal."ibinigay niya ang baso sa akin.Kulay yellow green ang laman nito sa loob.Malayong malayo sa ininom ko kagabi.
Inilapit ko ito sa aking bibig at ininom ang laman nito.Kakaiba ang lasa.Medyo mapait.
"Nasa loob ng kabenit ang susuotin mo.Pupunta kayo ngayon sa sakahan.Pinaalam kana ni Milan sa kanya."pilit akong tumango.
Kinuha niya ang silver na lagayan pati ang basong hawak ko bago niya tinungo ang pintuan.
"Sa susunod hina hinaan mo naman ang pag ungol mo.Siguradong narinig niya lahat nang iyon dahil magkalapit lang kayo ng kwarto."kusa nang namula ang aking mukha.
Mabilis itong lumabas at iniwan ako sa loob nang naguguluhan.
Nang masigurado kunang wala ng tao doon kuna itinaas ang laylayan ng suot kong damit para tingnan ang hita ko pero wala namang kakaiba.Ganun parin ito.So, panaginip ko lang talaga iyon.Argh!Nakakahiya sa kanya.Baka kong ano pa ang isipin niya dahil sa ungol kong narinig niya kagabi.Aist.
Pagkatapos naming kumain nang agahan dinala na ako nila ni Milan at Victor sa labas ng mansion.Nakaparada na dito ang sasakyan na sinakyan namin noong nakaraang araw.Bagong linis pa ito sa likod ng kalumaan at kalawang na nakakubli sa sulok nito at sa loob na bahagi ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Romance|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...