Kinabukasan, hapon na nang pinatrabaho ako ni Prinsepe James.Siya narin ang nagdadala ng pagkain sa akin kaninang umaga at tanghali.Siya narin ang mano manong gumagamot sa mukha kong may gasgas dahil sa ginawa ni Vivina sa akin kahapon.
Napahinga ako ng hangin bago nagtaas ng tingin para tingnan ang hagdan sa second floor mula sa crystal na ding2x ng kusina sa itaas.Hindi parin siya bumaba.Malapit nang maghapunan at nakahanda na ang pagkain sa lamesa pero wala parin siya.Pati si Skull ni hindi ko nakita simula kanina.I sighed."Ikaw babae! Lumabas kana dito.Pumunta kana sa pwesto niyong tatlo ni Victor sa labas.Ayokong makita ka niya dito at magkakaroon na naman nang gulo!"salita ni Margareta sa aking tabi.
Dali dali kong binitawan ang serving spoon na hawak at inilagay ito sa bowl na lalagyan ko sana nang ulam na niluto ko.Menudo ito."Ah,sige.Ikaw na ang bahalang maglagay ng ulam sa bowl Margareta."turan ko.Lumapit ako sa labado para hugasan ang mga kamay ko.Hinubad ko narin ang suot na apron at hair net saka ito inilagay sa kabenit na lalagyan nito.
"Sige.Ilagay mo nalang sa ilalim ang apron mo't hair net.Ako na ang bahalang maglaba niyan mamaya."aniya.Tumango ako.
"Sige na.Lalabas na ako Margareta."paalam ko pero hindi na ito nagsalita pa maliban sa pagtunog ng serving spoon sa hawak niyang bowl.
Dali dali akong dumeretso sa kainan naming tatlo ni Milan at Victor.Mga ilang araw narin nang hindi na kami magkakasamang kumakain dahil palagi silang wala at gabi na pag makauwi.
Minsan nakikita ko pa silang may binubuhat na karton sa labas para ipasok sa mansion.Pagdating ko hindi dalawa ang naroon kundi tatlo.Kasama nila si Aling Meddy na ngayon nakangiti sa akin.
"Zoilla,kamusta ka?Rinig ko sinaktan ka ni Princess Vivina kahapon."pangbungad niya.Natigil ang gagawin sanang pagkuha ni Victor sa baso dahil doon.Ganun narin si Milan.Nagtatanong ang kanilang mga mata lalong lalo na si Victor dahil sinabayan pa ito nang pagkunot nang kanyang noo.
Pagak akong napangiti sa kanila.Maingat kong hinila ang upuan sa tabi ni Victor nang hindi pinapansin ang nakakamatay na titig nila sa akin.
"Sinaktan?Bakit?"tanong na niya.Naglagay ito ng tubig sa basong hawak at ininom ito.
"Wala 'yon.Kasalanan ko naman kasi eh."pilit na salita ko.Napansin kong kumurba ang gilid ng labi ni Milan pero mabilis rin namang nawala.
"Sa susunod iwasan mo nalang siya Zoilla.Hindi nadadapat para sa atin ang katulad nila Royal Blood,"aniya.Nag seryoso ang mukha nito saka niya ako tiningnan sa kanyang harapan.Katabi nito si Aling Meddy na ngayon masuyo narin akong tinititigan.Mukhang okay na nga siya.
"Layuan muna rin sina Skull at James.Who knows they're just using their charms to get what they want from you."dugtong niya.
Narinig kong napabuntong hininga si Victor at dinugtungan pa ang sinabi ni Milan."Yeah,tama siya Zoilla.Huwag ka kaagad umasa sa kanila even us.Alam mo kasi may mga taong mabait pag karahap ka pero pagnakatalikod kana may plano na palang masama sayo not all dahil ang iba gagamitin lamang ang taong iyon para sa gusto niyang pabagsakin.As you can see,James and Skull are not even close to each other even if they're siblings."tumango tango silang tatlo.I sighed.Humigpit ang pagkahawak ko sa laylayan ng aking suot na t'shirt.Totoo naman,si skull ginagamit lang niya ako,si James.I don't know.Maliban sa mabait siya sa akin wala na akong nakitang ibang intensyon sa kanya.
"Sa sinabi kuna,kahit sa aming tatlo huwag kang magtiwala."pahabol niya.Napansin kong nanahimik si Milan dahil doon.Mukha pa itong nag iisip.
"Huwag na natin 'yang pag usapan.Maghahapunan na tayo."turan ni Aling Meddy at siya na ang nagbukas ng takip sa pagkaing nasa ibabaw ng lamesa.
Wala dito ang ibang katulong.Kami lamang apat ang nandidito.
BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Romance|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...