Chapter 45

1.2K 20 0
                                    









Biglang nanahimik sa loob.Ni walang nagtangkang mag ingay o magsalita man lang.Animo'y nahipnotismo at nakaurong na lamang sa kay Vivina sa stage na ngayon naluluha na ang mga mata.Pansin ang panginginig ng kanyang mga kamay sa sobrang pagpipigil sa nararamdaman niya.Galit siya.
Halos namula ang kamao niya sa kanyang mahigpit na pagkuyom nito.

"Sumama ka sa akin,my lady."anas ni James.Hinawakan niya ako sa braso at hinila na palabas kasunod si Dives na panay ang lingon sa likuran.
Nanginginig akong napalunok ng laway.Pati ang aking paghinga pinipilit kuna lamang dahil sa kaba. Mas mukhang ako pa ang sintonado sa aming dalawa ni Vivina.Masakit man para sa kanyang ewan ni Skull doon pero mas masakit sa part kuna na makikita ang lalaking minahal kong magpapakasal sa iba.
Malalim akong napahugot ng hangin.

Tahimik lamang kaming sumusunod kay James hanggang sa dinala niya kaming dalawa ni Dives sa gilid ng swimming pool.
Pinaupo niya kami sa upuang nasa gilid saka siya napabuntong hininga.Pansin ko ang pagpapakawala niya nang malalim na paghinga at paghugot ng hangin.Nanginginig rin ang mga kamay niya.
Panay ang pagtaas baba ng kanyang mga balikat.

"James..."tawag ko sa pangalan niya.Kaagad napunta sa akin ang mga mata niya.Ilang segundo niya akong tinitigan hanggang sa magsalita siya.

"Pasensya kana Zoilla,hindi ko alam na mangyayari iyon."sabat niya.Muli siyang nagpakawala nang mabigat na hangin saka nilingon ang dinaanan namin kanina.
"Dito na muna kayo.Huwag na huwag kayong aalis dito hangga't hindi pa ako nakakabalik."lumingon siya sa akin.Tipid na gumuhit ang ngiti sa kanyang labi kasunod nang lungkot na gumuhit sa kanyang mga mata.
"Huwag kayong aalis dito.Naiintindihan niyong dalawa?"mahina akong tumango at yumuko na."Dives ikaw na ang bahala sa pagbantay kay Zoilla.Babalik rin kaagad ako."salita niya bago ko narinig ang mga yapak niya paalis sa lugar.
Mahina akong nagtaas nang tingin para ihatid siya.
Mabibilis ang bawat pagkilos ng mga paa niya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa aking paningin.Ayaw ko mang sabihin pero nakakaramdam ako ng takot at kaba nang dahil sa kanya.Dumating lang kami dito kanina ramdam kuna ang pagkabalisa niya.Hindi siya mapakali.

"Ate,may mangyayari bang kaguluhan?"tanong sa akin ni Dives.Bahagya nitong inusog ang inupuan palapit sa akin.Pansin ko ang panginginig nang kanyang mga daliri nang ipinatong nito ang kamay sa gilid ng upuan ko.

"Hindi ko alam."sagot ko.Malungkot na natuon ang mga mata niya sa dinaanan ni James kanina.

"Natatakot ako Ate.Hindi dahil sa takot ako kundi sa iyo at sa kay Prinsepe James.Mukhang galit ang matabang babaeng iyon kanina nang umalis tayo.Kung nakakasunog lang ang mga titig niya nasunog na tayo bago paman tayo makalabas ng pintuan."salita niya.Malungkot na gumuhit ang ngiti sa mga labi niya nang tingnan niya ako sa kanyang tabi.
"Pero huwag kang mag alala Ate.Walang mangyayari sayo hangga't nandito ako."he assured.Matamis akong napangiti.Bahagya kong ginulo ang buhok niya at nagsalita.

"Ano kaba.Walang mangyayari sa akin.Remember dadalhin kita sa aking pagbalik sa Lucas kon magkataon man."basag siyang ngumiti.

"Sana nga Ate.Ipapasyal mo pa kasi ako sa inyo.Isa pa gusto ko pang makita ang magiging anak mo."anas niya saka bumaba ang tingin niya sa aking tiyan.
"Magiging kuya na ako kong magkataon man."mahina akong natawa.

"Oo,naman.Ikaw ang magiging kuya niya."mahinang turan ko at ngumiti sa kanya.Pilit na gumuhit ang matamis na pagngiti sa labi niya kasunod nang paglatay nang lungkot sa mga mata niya nang muling matuon ito sa dinaanan kanina ni James.










Someone Pov's




Nagmamadaling pumasok si James sa kwarto ni Necolai.Pagpasok niya palang rinig na niya ang sigaw ng kanyang ina,ang pag iyak ni Vivina at ang pagpipigil ng ama nito sa ina niya.
Habol ang paghingang nilapitan niya ang ina para awatin itong huwag lumapit kay Skull na nakatalikod mula sa kanila.
Nakaharap lamang ito sa bintana habang nakatutok ang mga mata sa labas.
Nakakuyom ang mga kamao at wala sa modo ang itsura.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon