Palabas palang kami sa gate ng pagamutan nang makasalubong namin si Martini.Buhat nito ang isang sako bag ng uling na siyang ginagamit para initin ang mga nilagang gamot para ipainum sa mga pasyente.
"Zoilla,ngayon ba ang alis niyo?"tanong niya.Nakangiti ako ditong tumango.
"Oo,sa pangatlo pang araw ang balik namin sa Mansion."sabat ko.He stiffened.Tinitigan nito ang aking mukha saka siya napabuntong hininga.
"Oh_kay..."anas niya.Mukha pa itong may sasabihin pero nilagpasan na niya kaming dalawa ni Dives.
Sumunod ang tingin ko dito."Martini!"tawag ko.Hindi naman ako nabigo dahil mabilis itong tumigil at nilingon ako.
Dali dali kong ibinigay ang dalang gamit kay Dives."Dalhin mo nalang ito sa sasakyan.Babalik rin ako.Kakausapin ko lang si Martini."he nod.
"Sige Ate.Basta huwag kang magtatagal dahil naghihintay ang manggagamot sa atin."tumango ako bago siya tinalikuran.
Lumapit ako kay Martini.
"Bakit?May kailangan ka?"tanong niya.Ibinaba nito ang dalang sako bag sa lupa para kausapin ako.
"Tungkol ito kay Victor."huminga ako nang malalim.
"Anong tungkol sa kanya?"lumingon lingon ako sa paligid bago nagsalita.
"Siguro may alam ka tungkol sa kanya.Yung numero sa..."hindi kuna natapos pa ang sasabihin nang magsalita na siya.
"Huwag kang mag alala.Nadakip na lahat namin ang mga kagrupo niya since binilinan niya ako ng sulat tungkol doon."napakurap ako ng mata.
"Pa_pati ba ang leader nila?"
Bumuga siya ng hangin.
"Wala silang leader.Tanging sila sila lamang ang nagbibigay ng utos at kung maapprove nang lahat ang utos na iyon,iyon na 'yon.Bakit mo pala natanong?"
"Wala naman.Curious lang ako."
"I see,"ngumisi siya."Better luck next time."inabot niya ang sako bag sa lupa.
"Bakit mo pala deretsahang sinagot ang tanong ko?"natigil siya sa pagbuhat ng sako bag at tiningnan ako.He smirk.Muli niya itong ibinaba sa lupa.
"Bakit ayaw naman kitang sagutin?Sa pagkakaalam ko, patay na si Victor.Why not."nakangisi niyang sabi.Napakagat ako nang pang ibabang labi.
"Si Milan..."
"Times up!Hindi kuna pwedeng sagutin iyon."kinuha niya ang sako bag at muli itong binuhat.Inilagay niya ito sa kanyang balikat saka siya tumalikod sa akin.
"Umalis kana.Mag iingat ka at sa magiging anak mo sa kanya."dugtong niya bago niya tinungo ang daan patungo sa kusina.
Tumahip ang kirot sa aking dibdib.Paano niya nalamang buntis ako?"Ate!Yahooo!Aalis na daw tayo!"mahina akong napabuga ng hangin.
Mahina kong hinarap ang pinaggalingan ng boses na 'yon.Nakatayo siya sa bukana ng gate habang kumakaway sa akin.
Peke akong ngumiti."Susunod na."sabat ko.
He smiled.Muli itong sumigaw at tumalon talon na animo'y bata.Napatawa na lamang ako."Bilisan mo Ate!Gusto ko nang makita ang dadaanan natin!"tili niya kaya wala na akong nagawa pa kundi ang lumapit na dito.
Inakay niya ako palapit sa sasakyan namin papunta sa bahay ng Lola ni Victor.
Binuksan niya ang pintuan sa likuran para papasukin na ako sa loob pero bago iyon tiningnan ko muna ang nasa kaliwang bahagi ng kalsada.Hindi siya dumating.Doon palagi siya dumadaan sa tuwing pumupunta siya dito para bisitahin kami ni Dives.
BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Lãng mạn|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...