Chapter 39

1.2K 21 1
                                    



Zoilla Pov







Limang araw akong nakaratay sa kama bago ako tuluyang pinayagan ng manggagamot na pwede na akong makakilos nang matagal o maglakad lakad na.
Una kong pinuntahan si Crest sa isang kwarto dito sa pagamutan.
Pagpasok ko palang doon kanina ang mga kasamahan na kaagad niya ang nakita ko lalong lalo na ang pineapple guy na ni mukhang hindi na aalis sa tabi niya.Hanggang ngayon kasi hindi parin siya magaling nang lubusan.Preska pa ang maraming sugat sa katawan niya the same as me.Mabuti nalang hindi ako napuruhan at ang magiging anak ko.Malungkot akong napangiti.Magiging ina na ako sa susunod pang mga buwan.Magiging ina na ako sa isang batang nabuo lang sa pagnanasa ng ama niya sa akin.
But at least,kong ayaw man niya sa akin okay lang.Sa magiging anak ko nalang ibubuhos ang pagmamahal na ibinigay ko sa kanya.

Mahina akong sumandal sa upuan ng aking kwarto.Amoy gamot na ang hangin sa loob nito pero okay lang.Nasasanay narin kasi ako sa amoy nito.Isa pa tahimik at magaan sa pakiramdam ang sa loob nito.Hindi mainit at mahangin.

Napatingin ako sa bintana.Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na magagawa iyon ni Milan sa akin.Tinuring kuna siyang kaibigan ko at hindi ko iyon inaasahang gagawin niya.
Nagbabalat kayo lang pala siya para mapalapit sa akin even Victor.I sighed.Sa sinabi ng manggagamot dito nauna daw ditong dinala sina Victor at Aling Meddy noong araw na niligtas ako ni Crest.Puno ng sugat ang katawan at mahina na daw ang pagtibok ng puso puso niya.Napakagat ako sa aking pang ibabang labi.
Kahit may kasalanan man sila sa akin hindi ko magawang magalit sa kanila.Si Victor,nalaman kong ginagamit lang niya ako para mapalayo siya sa mga kagrupo niya.Noong gabi na dinala niya ako sa underground palabas lang niya iyon para makita ako ng mga kasamahan niya.Na makita nila ang itsura ko,na ang babaeng tinutukoy niyang kailangan niyang protektahan ay ako.Bakit ba?
Bakit ginawa niya iyon kong siya lang naman ang papatay sa akin.Pagak akong natawa.
Sa sinabi ni Martini ginawa niya lang iyon para sa kanya iuutos na patayin ako,ginawa lang daw niya iyon para ipakita sa mga kasamahan niya na madali niya akong papatayin kong malapit ako sa kanya but he didn't.Hindi niya ginawa iyon kahit pa ang kapalit ng hindi niya pagpatay sa akin ay ang Lola niya.Nanubig ang aking mga mata.Unti unting bumigat ang aking paghinga sa naisip.
Pinoprotektahan niya ako mula sa kasamahan niya at hindi man lang niya iyon sinabi sa akin.Tinago niya iyon sa sarili niya.
Sa mga araw na magkasama kami,kong paano niya ako tingnan siguro nag iisip siya kong ba't ba niya ako papatayin o hindi na.Napahugot ako ng hangin.Sa kanilang dalawa ni Milan siya ang mas matimbang sa akin.Malapit ang loob ko sa kanya at hindi ko man lang siya nakausap noong nalagutan siya ng hininga together with Aling Meddy.
Tumulo ang aking luha.Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon.
Isa pa ang matandang iyon.Alam naman niyang si Milan ang gagawa sa akin ng masama hindi parin niya sinabi dahil sa natatakot siyang patayin ni Milan.Iyon pala ang dahilan kong ba't ni pagbuka ng mga labi niya sa tuwing magkasama kaming dalawa o apat nag aalangan siya.Sinabi lahat iyon ni Martini dahil noong natagpuan nila sila nakipag usap pa ito sa kanya.

"Ate,nandito ang sulat ni Victor para sayo."mabilis kong pinalis ang luha sa aking mga mata nang marinig ang boses ni Dives sa aking likuran.
Dahan dahan ko itong nilingon sa aking likuran.
Hawak nito ang kulay pulang sobre sa kanan niyang kamay.

"Sabi ng Lola niya kay Martini ibibigay daw ito sayo."aniya.Nanginginig ko itong tinanggap nang idinaho niya ito sa akin.
"At saka nga pala Ate. Hindi pa tayo pwedeng lumabas dito pag hindi pa daw tayo lubusang gumaling."dugtong niya.I sighed.
Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa sobre.Para sa ano ito?
Bakit bibigyan pa niya ako ng sulat?For what?Na malaman kong...tumulo muli ang aking luha.Naiinis ako.Hindi kuna alam ang gagawin pa.

"Magpagaling kana Ate para makapunta na tayo sa Museum."aniya na siyang nagpatigil sa aking pagtitig sa sobreng hawak.Mahina ko itong nilingon sa aking tabi.
Pagod na gumuhit ang ngiti sa labi niya as he look at me.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon