Bigla akong naalarma.Halos nilindol ang sasakyan dahil sa malakas na pagkalabog nito sa likod.Takot ditong natuon ang aking mga mata.Isang lalaki ang ngayon nakahiga sa likurang bahagi ng sasakyan namin.May dugo nang tumutulo sa ulo niya na ngayon kinukulayan ng pula ang crystal sa labas.
"Victor anong..."biglang natigil iyon nang may biglang lumusot na paa sa loob ng crystal.Mabilis na napayuko si Aling Meddy.
"Bayaran mo kami!Ayaw mo pang magbayad hah!"singhal nang may ari ng paa.Pilit kong nilunok ang sariling laway.Walang pasabi niya ditong inalis ang paa na animo'y hindi lang ito nasaktan.
Muli niyang kwenilyohan ang lalaking ni hindi na masyadong makakilos."Wala pa akong pera.Babayaran ko naman kayo pero hindi lang muna sa ngayon."sagot nito.Pabalya siyang kinuha ng lalaki sa likuran ng sasakyan at ibinalya na sa kalsada.Nagsimulang dumami ang mga tao sa paligid na nakiusyoso sa kanilang dalawa.Kadalasan sa kanila babae't lalaki.Ni walang bata akong nakita.
"Victor umalis na tayo!Hindi tayo manatili dito bago paman makarating dito sina Prinsepe skull!"matigas na sambit ni Aling Meddy.Puno ng takot ang boses nito sa sinabi.Muling binuhay ni Victor ang makina ng sasakyan pero hindi na muli ito umandar pa.
"Shit!Hindi gumagana ang makina!"mura niya.Mabilis itong yumuko para usisain ang nasa paahan niya.
"Aling Meddy,wala na tayong magagawa pa kundi ang lumabas na muna dito.Sasakay nalang tayo ng ibang sasakyan papunta sa mansion!""Hindi pwede Victor!Mapapahamak tayo dito paglumabas tayo lalong lalo na si Zoilla!"salita nito.Biglang tumubo ang labis na kaba sa aking dibdib.Anong ibig niyang sabihin?
"Shit!Ba't ngayon pa!"sinuntok nito ang manubela ng sasakyan.
"Victor anong nangyayari? Bakit hindi tayo pwedeng lumabas dito?"tanong ko.Sa halip na sagutin ako nakita ko itong may kinuhang patalim sa ilalim ng kanyang upuan.
"Anong gagawin mo?!"angil kuna.Nanginig bigla ang aking mga kamay."Zoilla,magtago ka!Hindi ka pwedeng makita ng mga kalalakihan sa labas!"mabilis nitong hinubad ang suot na jacket at ibinigay ito sa akin."Takpan mo ang ulo mo at maupo ka sa sahig."utos niya.
"Bakit Aling Meddy?Anong nangyayari?"tanong kuna.Sinunod ko ang iniutos niya.Mabuti kong inilagay sa aking ulo ang jacket para takpan ang buhok ko't mukha.
"Mga grupo sila ng bones.Ang mga babae't mga lalaking nakatingin ngayon sa dalawang nasa gitna ng kalsada hindi ordinaryong mamayan lang dito."usal niya.Kita ko ang kaba sa itsura niya.Pati kay Victor.
Napakagat ako sa aking pang ibabang labi.Grupo ng mga bones?Kung ganun nandito rin siya.Ang lalaki iyon.
Uminit ang gilid ng aking mga mata."Kayo!Ang nasa loob ng sasakyan.Lumabas kayo diyan!"mabilis akong napaigtad nang malakas na kinatok ng isang lalaki ang bintana ng sasakyan sa driver seat.Naramdaman kong nanigas pa si Victor bago niya ibinaba nang k'unti ang bintana ng sasakyan para tingnan ang lalaking nakatayo dito.Nakasuot ito ng malong na siyang ginawa niyang pantakip sa kanyang noo at ulo.
"Lumabas kayo diyan!Pati ang kasamahan mong dalawa!"utos nito.Nang matuon ang mga mata niya kay Aling Meddy doon na gumuhit ang ngisi sa mga makakapal niyang labi.
"Master!May kasamang babae!"sigaw nito.
Kahit ano man ang bigay na ingay sa labas mas dinoble niyon ang kalabog ng dibdib ko.Dinilaan pa nito ang pang ibabang labi niya saka niya inilusot ng mabilis ang braso sa bintana para hilahin ang nakatakip sa aking jacket.Nadala niya iyon pero mabilis ring natigil nang makita kong nakatarak na sa leeg niya ang kutsilyong hawak ni Victor.
Dalawang beses niya itong sinaksak bago niya ito itinulak sa labas.Biglang tumahimik ang nasa labas dahil sa pagkatumba nito."Zoilla!Halika dito!"tawag ni Aling Meddy sa akin.Nanginginig man ang mga paa pinilit kong gumapang palapit sa kanya pero natigil iyon nang matuon ang mga mata ko sa butas ng crystal sa likod.Mula dito nakikita kong mabuti ang mukha ng lalaking nakita ko sa underground.Seryoso ang mga titig nito sa akin.Ni hindi man lang siya kumikilos sa kinatayuan niya at nanatili ang mga matang nakakatitig sa aking mukha.Mayamaya pa'y nagtaas ito ng kanang kamay
May ginawa itong senyas sa mga kasamahan niya.Hindi ko iyon maintindihan maliban sa paglapit niya sa sasakyan.
Napalunok ako ng laway.

BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Romance|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...