"Oh,hello."bati ko.Peke akong ngumiti at dali daling tinago ang kamay kung may hawak na pera.
"Mukhang iniwan kana nang dalawa mong kasama ah."salita niya nang mapansing wala dito sina Victor at Milan.Malalim akong nagpakawala ng hangin.What now?Aalis ba ako dito o hindi?Kakausapin ko ba ang isang ito o hindi.
"Kung gusto mo sasamahan na muna kitang mamasyal dito,"kumurap ako nang ilang beses.Whut?
"No need to worry,hindi naman kita aanohin."he sured.Hindi agad ako nakapagsalita.Nanatili akong nakatitig sa mukha niyang masusi na ngayon akong tinititigan.Seryoso ito sa sinabi."Ah,hehehe,huwag nalang.Dito nalang ako."sa wakas salitang lumabas sa labi ko.Humigpit ang kamay kong napahawak sa pera.
Hindi ko pa siya kilala.Paano nalang kong mas sobra pa siya kay Skull o sa sinabi ni Milan sa akin.Siguradong maaga akong mamamatay dahil sa kanya.Nawala lamang ang pag iisip ko nang marinig ko itong bahagyang natawa at napakamot ng kanyang batok.
"Ayaw mo ba talaga?Pupunta kami ngayon ng aso ko sa carnival.May dog show kasi doon."nanahimik na naman ako habang siya nanatiling nakatayo sa kanyang pwesto naghihintay sa isasagot ko sa kanya.
"Ah,ano kasi..."
"Tara na,ibabalik kita dito sa tamang oras."tumingin ito sa wrist watch niya."May dalawang oras nalang tayo,kaya tara na."hindi na ako nakaimik pa nang hinawakan niya ako sa kamay at hinila na paalis sa lugar.May ibang napapatingin sa pwesto namin at nagbulong bulongan pa.I gulped.Tama ba ang ginawa kong pagsama sa kanya?
"Don't mind them."usal niya.Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako.
"Masanay ka rin.Masama kasi tingin nila sa akin."hindi ako nag react.
Ibinigay niya ang asong hawak niya sa akin na kaagad ko namang tinanggap.Mukhang dumedede pa ito o mukha lang talaga.
"Ikaw na muna ang magdala sa kanya."tumango ako.Nang mapansin kong natuon ang mga mata niya sa hawak ng isang kamay ko nabalik ang mga mata niya sa mga mata ko.Light brown ang kulay nang kanyang mga mata.Hindi makapal ang mga kilay niya, matangos ang maliit na ilong,hugis bigas ang mukha at may kakaunting balbas sa ilalim ng kanyang baba."Wala bang bulsa iyang bestida mo?"tanong niya.
"Wala eh.Pero okay lang.Hahawakan ko nalang."narinig ko itong napabuntong hininga.
"Sandali lang.Hintayin mo ako dito.Babalik rin naman ako kaagad."naguguluhan akong napatingin sa kanya hanggang sa umalis siya sa aking harapan.
Lumapit ito sa tindahan ng mga pitaka't bag.Kinausap niya ang tindera dito kasunod ng perang ibinigay niya.Mabilis ko ditong inalis ang paningin.Hinimas ko ang ulo ng hawak kong tuta.Pumikit pikit pa ang mga mata nito sa ginagawa ko.Mukhang sanay na ito dahil kulang nalang itong mahiga sa aking beywang para ipahimas rin ang kanyang tiyan.Napatawa ako.
"Ikaw hah,ang bait bait mo naman!"salita ko dito.Nagpatuloy ako sa ginagawa sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang presensya nang may ari niya.
"Ito,binilhan kita nang pitakang may sling.Pwede mo itong gawing kwentas."aniya.
Natuon ang mga mata ko sa hawak ng kanang kamay niya.Kulay itim itong mayroong nakaubrang dahon."Ibigay mo sa akin ang pera mo.Ako na ang maglalagay."peke akong ngumiti.Hindi naman niya siguro ito itatakbo.
Ibinigay ko ang pera sa kanya na mabilis naman niyang inilagay sa loob ng pitakang dala niya.Maingat niya itong isinarado bago siya lumapit sa akin.Napakalapit.Anong gagawin niya?
Bahagya akong napaatras.Humigpit ang pagkahawak ko sa aso niya dahil doon."Relax,ilalagay ko lang ito sa leeg mo."salita niya nang makitang hindi ako komportable sa prisensya niya.
Mahina nitong inilagay ang di sling na pitaka sa aking leeg nang hindi kumikilos.Animo'y nabato ako sa kinatayuan dahil sa ginagawa niya.Inayos pa niya ito bago siya umatras mula sa akin.
BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Storie d'amore|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...