Chapter 43

1.1K 18 0
                                    








Martini Pov


Maaga pa kaming umalis sa bahay tuluyan para bumalik sa mansion niya.
Tahimik ang naging byahe namin.Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang panay ang pagpapakawala nang mabibigat na hangin.
Kung hindi ko pa ito ginising kanina wala pa itong ganang gumising.

"Nalaman mo naba kong sino ang nagpagawa ng bridal gown ni Vivina?"tanong ko.He sighed.Mahina niyang kinamot ang batok niya.

"Wala akong pake."utas niya.Sinulyapan niya ako at pagak na ngumiti.
"Kahit ano man ang gagawin niya wala na akong pake."I smirk.

"Sa naalala ko malapit ka noon sa kanya bago mo paman makuha si Zoilla.Sa kanya umiikot ang mundo mo but now..."mahina akong natawa."mukha atang bumaliktad na ang mundo."anas ko.Mahina itong napamura.
"Baka nakalimutan mong hindi ka pwedeng magkaroon nang relasyon sa kanya.Sinabi kuna iyon sayo noon paman but it's seems like you didn't even care.Pinagpatuloy mo ang ginagawa hanggang sa mabuntis mo siya."ngumisi ako.
"Nasira ata ang sinasabi mo noon sa akin na ni walang babae ang makakatikim sa simelya mo pero...tsk,kita mo nga naman.Nakakagulat na malamang nakabuntis kana pala at sa hindi mo pa katulad royal blood."inis niya akong binalingan.

"Tumahimik ka Martini!Pakialaman mo ang buhay mo dahil hanggang ngayon wala kapa ring asawa."nawala ang ngiti sa aking labi sa binato niyang mga salita.Seriously?Mukha naba akong matanda?Hindi ko pa nga naeenjoy ang buhay single na meron ako.
"But it's seems like Margarita have an eye on you."he added.Nilingon ko ito at ngumisi.

"Mukhang mas matanda na siya para sa akin.Gusto ko nang mas bata pa."kinindatan ko ito na siyang kinangiti niya.See,I'm his happy pill.

"Tsh,kong gusto mo doon ka sa mga babae mo sa club mo."asik nito.Sumeryoso ang aking mukha.Simula noong araw na sinalakay ang Club ko wala nang may nag aaply doong babae para magtrabaho sa akin.Namatayan ako ng limang mga babae at anim naman sa mga lalaki dahil sa kasamahan noon ni Milan.They've cost me a lot.Maraming mga inumin ang nawala sa akin dahil bago paman magsisimula ang palabas sa loob ng club nalagyan na lahat ng lason ang mga inumin.Mabuti nalang dahil naagapan ko kaagad iyon at kaunti lang ang namatay sa mga tauhan ko.

"Tsk!Ayokong mag alaga o kumuha nang ganoong mga babae.Tsh,marami ng mga lalaki ang nakatikim sa mga laman nila at ayaw kunang dumila."ngumisi ito sa sagot ko.

"See,you can't."

"Said by someone who chose the virgin girl to nurtured his c*ck."I say.Nawala ang pag ngisi niya.I laughed.See,I hit his ego.






Nang marating namin ang mansion niya kaagad nang bumukas ang gate nito para sa sasakyang dala ko para pumasok sa loob.Rinig na ang maingay na salosalo sa loob ng mansion nang tuluyan na kaming pumasok.
Humigpit ang pagkahawak ko sa manubela nang sulyapan siya sa aking tabi.Seryoso na ang itsura nito't sinasabayan nang paggalaw ng kanyang panga.

"We're here."anas ko.Mabilis nitong binuksan ang pintuan sa tabi niya at kaagad nang lumabas.Ganoon narin ang ginawa ko.Nagmamadali kong pinatay ang makina ng sasakyan para sundan siya.Mukhang may masama akong kutob ngayon.

Papasok palang kami sa main door nang sinalubong na siya ni Vivina.Mahigpit itong yumakap sa kanya saka siya hinalikan sa kanyang labi.

"You're here.I miss you Necolai."malambing nitong sambit.Sumulyap pa ito sa akin sa likod at ngumiti.Bahagya akong yumuko para sa pag galang sa kanya.Tsk,such a snake.

"Nasaan si ama?"sa halip na tanong ni Skull.Kumunot ang noo nito sa narinig mula dito.Nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Hindi mo ba ako namiss?"tanong nito at nag poot pa.Hindi bagay sa kanya.Kung ako ang papipiliin sa kanila ni Zoilla mas maganda iyon keysa kanya.Mas maganda ang katawan,makinis ang balat at matangkad pa.I smirk nang malipat kay Skull ang aking mga mata.He've got the best gift.The gift he can't ever be his if he don't have a plan.Seeing him right now,make me anxious to know how love it is.Sa tagal ko na siyang nakakasama ngayon ko lang nakita ang kakaibang bagay na nakikita ko sa mga mata.He love her.Noong unang araw palang napapansin at nakikita kuna ang kakaibang titig niya sa babae,ang madalas niyang pagbungtong hininga alam kuna kong ano ang dahilan.He was thinking of her.Nalulungkot ako sa part na pinili na niyang lumayo para gumawa ng sarili niyang mundo without even knowing na babalik rin pala siya sa mundong pilit niyang nilalayuan.Sumeryoso ang mukha ko.
Sa sitwasyon niya ngayon wala na akong magagawa pa.Siya lang ang makakalutas niyon sa paraang alam niya.Sa paraan kong paano niya makasama nang matagal ang babaeng minahal na niya at ang magiging anak niya dito.
Dahil sa bawat minutong dumadaan sa buhay niya ay importante.Walang masasayang doon lalong lalo na't sa unang pagkakataon nakaramdam siya nang totoong pagmamahal sa hindi niya katulad royal blood.
I sighed.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon