Chapter 40

1.3K 20 0
                                    

Someone Pov's






Mahinang bumukas ang pintuan nang kulungan at iniluwa doon si Vivinang mahinhing naglalakad patungo sa kulungan ni Milan.Mukha na itong asong nilalamig sa gilid ng selda.Dilat ang mga matang nahuhulugan na ng mga alikabok mula sa kisame dahil sa inilagay ditong metal sa ilalim at itaas ng kilay niya.
Sa ilang gabi na itong hindi nakakatulog kita na ang labis na pagbabago sa kanyang katawan.Nawala bigla ang mga laman niya dito at napalitan kaagad ng buto.

"Magandang araw sa iyo,"bati sa kanya ni Vivina.Ngumiti ito sa kanya nang nandidiri ang paningin sa buo niyang katawan.
Pinaypayan nito ang sarili gamit ang kamay niya kahit hindi naman mainit sa loob nito.Panay ang paglingon lingon niya sa paligid tinitingnan ang mga telang butas na sa pader ng selda.Mga sirang lata ng sardinas at kong ano pang gamit na hindi na ginagamit ang nakatambak sa loob nito.May marami ng daga at mga ipis na ngayon gumagapang sa sahig lalong lalo na sa pwesto ni Milan.Kinakain ng mga ito ang dumi niya sa katawan at ang natuyong dugo sa balat niya.Tinakpan niya ang kanyang labi't ilong sa amoy nito.

"Sinabi kong huwag mong pakialaman ang babaeng iyon hangga't hindi ko pa siya nakakausap but you did!Sa narinig kong pinag usapan ng mga tauhan ni Skull kanina sinabi na daw ni Crest sa kanya ang ginawa mo sa babaeng iyon.Tsk,tingnan mo ngayon ang sitwasyon mo.Ni hindi muna kayang punasan ang sarili mo sa dumi mo."asik niya.
Mahinang kumilos si Milan sa kinaupuan para lingunin siya.Namumula at nangingitim na ang gilid ng kanyang mga mata.Tuyo na ang labi at lumalim na ang mga mata.

"Tu_tulungan mo a_kong ma_kalabas dito."tumawa siya nang marinig ito.

"Tulungan kita?Tsk,bakit Milan.Sinunod mo ba ang sinabi ko sayo?Hindi ako nakaganti sa babaeng iyon dahil sayo!Sinira mo lahat ng plano ko,tapos ngayon hihingi ka sa akin ng tulong?Nagpapatawa kaba?Tsh,hindi kuna magagawa iyon Milan.Pasensya na pero ito na siguro ang panghuling kita mo sa akin."she said.Tiningnan nito ang sirang orasan sa itaas ng pintuan saka siya ngumisi.
"Nakita mo ba ang orasang iyan?Ganyan ka.Napupunder pag wala ng battery.Useless.Hindi na kapaki  pakinabang dahil sa wala kanang battery.Wala na ang maglalagay niyon sayo kaya ang mabisang paraan para sa sarili mo ay hintayin kong anong oras dito dadating si Skull para patayin ka."singhal niya.
Pilit na ibinuka ni Milan ang labi para sagutin ito.

"Wala ka bang na_papansin sa Skull na 'yon?Ma_hal niya ang ba_babaeng iyon."salita niya.Mabilis nalukot ang noo ng babae sa narinig.Sumalpok ang dalawang kilay nito at masama siyang tiningnan sa loob ng selda.

"Huwag munang ipaalam pa sa akin Milan.Alam ko kahit ayaw niyang sabihin.Masyado siyang halata pero..."ngumiti siya."Malapit na siyang magiging akin.Sa araw ng kasal namin magiging akin na siya nang lubusan at ang babaeng iyon.Wala na,wala na siyang gaganapang papel sa buhay niya dahil ang lalaking baliw sa kanya ay magiging akin na.At huwag kang mag alala.Sa araw na iyon bibisitahin kita sa libingan mo at bigyan ng bulaklak na kasing baho ng amoy mo ngayon."tumalikod ito mula dito.Mahina niyang inayos ang malapad na paha sa beywang niya pati ang kanyang nakalugay na buhok.She plumped her lips before she eyed him looking at her with shame.Ngumisi ito.

"Ganyan ba ang may mga dugong royal blood? Masyadong mataas ang tingin sa sarili?Bakit Vivina,ano kaya ang mangyayari sa iyon kong malaman ni Skull na ikaw ang nag utos sa akin na kidnapin si Zoilla,ano kaya ang gagawin niya sayo? Magpapakasal pa kaya siya pag malaman niya na ang babaeng magiging asawa niya ay ang utak nang pangyayaring iyon?"tumiim ang bagang nito sa narinig.Tumalim ang mga mata niyang tinitigan si Milan sa sulok ng selda nang hindi parin maalis alis ang mapanuyang pag ngisi sa labi nito.

"Kung ganun,wala na akong magagawa pa kundi ang gawin ito..."may inilabas itong patalim sa loob ng dala niyang shoulder bag.
"Pinagawa ko talaga ito para sayo.Alam mo kasi naisip ko nang sasabihin mo iyon kaya hindi kuna palalampasin pa ang pagkakataong hindi ka mahulog sa mismong mga kamay ko, my dear Milan."muli itong humarap sa kanya.Nanlalaki ang mga matang tinitigan ni Milan ang patalim sa kamay niya at ang kulay nito sa dulo.Itim,nakita na niya ito.Pagmamay ari ito ng mga kalalakihang nakalaban noon ni Skull noong gabing kasama niya si Zoilla sa underground.
Masakit man ang mata pilit niyang itinaas ang tingin para tingnan ang mga mata ni Vivina.Nag aapoy na ito sa galit.Nag iba ang tingin nito sa kanya.Katulad sa nakikita niya sa mga kasamahang may gagawing masama nakikita niya ito dito.Ang kagustuhang makakita ng dugo.

Captured By The Prince √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon