"Sinundan mo ba kami?"tanong ko ulit sa kanya.Naglalakad na kami ngayon pabalik sa bahay ni Lola Dora.Nakasunod naman sa amin si Dives na wala nang imik ngayon.
Tumigil siya sa paglalakad at binalingan ako sa kanyang tabi.
"Hanggang dito ko nalang kayo ihahatid.May babalikan pa ako."sa halip na sagot niya.Babalikan?
"Sino?"tanong ko kaagad.Mabilis itong nagtaas ng tingin at hinaplos ang buhok ko pababa sa aking balikat.
"Umalis na kayo.Malapit nang mag alas dose ng umaga.Dives,ikaw na ang bahala sa kanya."lumingon ito sa dinaanan namin kanina.
"Bilisan niyo nah!"may katigasan niyang sambit bago niya ako marahas na binitawan.
Nabigla pa ako sa ginawa niya at magsasalita pa sana nang mabilis na siyang tumakbo pabalik.
Sumunod ang mga mata ko kanya hanggang sa tuluyan na siyang lamunin nang kadiliman ng gabi.
Naguguluhan akong napakamot sa aking batok.Mukha siyang nagmamadali.Ni hindi man lang ako hinalikan sa noo o sa labi.Tsh,naglalandi na naman ako.At least nakita ko siya.Tipid akong ngumiti."Ate tara na,malapit na tayo sa bahay ni Lola Dora."hindi na ako umimik pa nang hinawakan na ni Dives ang aking kamay para hilahin na.
Pagpasok namin sa kwarto ay ang pagsira niya sa bintana sakto sa malakas na hanging tumama dito.Nabuwal ako sa aking kinatayuan at biglang napaupo sa sahig sa biglaang kaba at takot.Halos gumalaw ang dingding sa loob sa sobrang lakas.Mukha itong binato ng hangin.Pero ba't ang bintana lang?
"Alas dose na."usal ni Dives.Tinulungan niya akong maupo sa kama.Naguguluhan akong napatingin sa kanya.
"Bakit ano ba ang meron?"tanong ko.Kanina binanggit niya ito kahit si Skull.
Sumeryoso ang itsura niya.
"Gabi na at buntis ka.Siguradong mapapahamak ka pag nasa labas pa tayo."anas niya.Kinuha niya ang dalang bag at ipinatong ito sa kama.
Mahina akong napabuga ng hangin.Nanginginig ang mga braso kong yakap ang libro sa aking dibdib."Mukhang kinuha mo ang librong mahalaga sa kanya."dugtong niya.Rinig ko ang pagbungtong hininga niya.
"Kailangan mo iyang ibigay kay Lola Dora bago niya paman malamang ikaw ang kumuha niyan."lumingon siya sa nakasaradong bintana.
"Ang babae iyon kanina ang nagmamay ari ng museum na 'yon.Siguro ngayon alam na niya na may nakapasok sa lugar na 'yon."binalik niya ang tingin sa akin.
"Kailangan itong malaman ni Lola..."bago niya paman matapos ang sasabihin nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok mula doon si Lola Dora dala ang kingki na ilaw sa kanang kamay niya.
Mahina ang bawat pagtapak niya sa sahig haggang sa matunton niya ang pwesto ng bintana.
Kinakabahan akong napalunok ng laway.Naramdaman kong kinuha ni Dives ang libro sa akin pero hindi kuna iyon binigyan pansin pa nang makita ko ko ang ginagawa ng matanda.May kinuha itong bote sa loob ng bulsa niya saka niya dinilaan ang takip nito.
Mahina niya itong binuksan at inilagay sa kanyang palad ang itim at malapot na likido saka niya ito pinahid sa bawat gilid ng bintana."Lumabas kayo?"tanong niya.Napakurap ako ng mga mata.
Mahina siyang humarap sa amin at lumapit na.Ramdam ko ang masusi niyang pagtitig sa akin at sa aking tiyan.
"Ito,ipahid mo ito sa tiyan mo."turan niya.Naguguluhan man tinanggap ko ang bote sa kamay niya at kaagad nang pinatulo ang likido nito sa aking palad."Mabuti at hindi kayo naabutan ng hangin na 'yon."I blinked.Hindi siya galit.
"Lola pasensya na..."
"Walang anuman."nalipat ang tingin nito sa libro sa kamay ni Dives.Napabuga ako ng hangin saka ipinahid na ang likido sa aking tiyan.Ramdam ko ang init nito nang tuluyan nang lumapat sa aking balat Ano kaya ito?
"Nagkita ba kayo ni Demise?"tanong niya.
Kunot ang noo akong nagtaas ng tingin.Kinuha niya ang libro sa kamay ni Dives at sinenyasan itong maupo na sa aking tabi.
BINABASA MO ANG
Captured By The Prince √
Romance|SPG-18|Mature|Completed| "I won't hurt you if your going to spread it." -Necolai Handson *********** Zoilla,one of the captured of Necolai Handson in the party of his father.Hindi niya iyon inaasahan at madala sa mansion...