Chapter 3

1K 111 12
                                    

Chapter 3

"Bakit mo kasi sinabing nandoon kana sa bahay nila Jinso? Nachansingan tuloy ako ng kulugo na yun!" Inis na sambit ni Magdalena kay Janice kinabukasan ng pumasok sila sa kanilang paaralan

Maaga pa't wala pa ang ibang mga kaklase nila at sila pa lamang ni Janice ang naroon.

"Nakakaloka ka Magda. Baka nga kung hindi pa ako dumating kahapon baka nag sex na kayo ni--"

Agad niyang tinakpan ang bibig ni Janice dahil sa pagiging taklesa nito.

Pulang pula na siguro ang buong mukha niya dahil sa sinabi ni Janice! Kung hindi lang niya kaibigan ang babaeng ito ay baka nasabunutan niya pa!

"Ano ka ba naman! Shhhh! Napakadaldal mo naman Janice ipapahamak mo ako niyan eh" Sita niya sa kanyang kaibigan

Imbis na matakot ay humalakhak pa ito

"Napakadepensive mo naman Magda! Parang nag bibiro lang naman ako ah? Ganon nga siguro ang nasa isip mo no?" Panunukso pa ni Janice sakanya kaya lalo siyang namumula

Buong gabi siyang hindi nakatulog dahil sa pagyayakapan nilang dalawa ni Jinso sa kwarto nito. Gusto niyang ibalibag ang kanyang sarili dahil sa kagagahan niyang nagawa kahapon! Bakit nga ba hinayaan niya itong yakapin siya ng ilang minuto? Kung hindi pa nga dumating si Janice ay hindi pa siya kakaripas ng takbo pauwi sa kanilang bahay!

"Oh nanjan na si lover boy mo.." Siniko siya ni Janice ng magpasukan ang ibang mga kaklase nila sa loob ng classroom

Parang tumalon agad ang puso niya dahil isa sa mga iyon ay walang iba kundi si Jinso.

Nakatingin ito sakanya ng kakaibang tingin kaya mas lalong dumoble ang pagtibok ng kanyang puso

Mabilis niyang iniwas ang kanyang paningin sa binata dahil ngumiti ito sakanya

"Pasulyap sulyap pa kunwari. Patingin tingin sa akin hindi maintindihan--awww bakit ba Magda kumakanta lang naman ako ah?" May pang-aasar na ngiting sabi ni Janice dahil kumanta pa talaga ito ng dumaan si Jinso sa gilid niya kaya tuloy nakurot niya ang tagiliran ni Janice dahil siya ang nahihiya sa pinag-gagagawa ng kaibigan niya

"Tumigil ka na Janice" mariin at may pagbabanta niyang sita dito

Nag-peace sign lang ito bago ito ngumiti kay Jinso na humito pa talaga sa gilid niya

"Hello Jinso" Bati ni Janice dito na para bang magkaibigan na ang mga ito

"Hi Janice. Hi kulot" Nakangiting bati ni Jinso sakanilang dalawa bago ito tinapik ang kanyang ulo.

Sumimangot lang siya dahil sa ginawa nitong pagtapik sa kanyang ulo.

Ano ako aso? Grrrr bakit niya ba ako nilalambing?! May GF na siya diba?!

"Sungit talaga kaya lalong kumukulot yang buhok mo--"

"Che" Tinignan niya ito ng masama upang mapatigil ito sa pagsasalita nito.

"Sungit" Muli itong ngumiti ng isang killer smile bago ito pumunta sa upuan nito

Napalunok naman siya dahil pakiramdam niya tinatablan na siyang muli ng pamatay nitong ngiti na kahit sinong babae ay talaga namang mapapa-ibig dito!

Ipinilig niya ang kanyang ulo upang balewalain ang kakaibang damdamin na pinupukaw ni Jinso sa kanyang puso

Ayoko ngang magkaroon ng crush sa lalakeng yan! Pa-fall lang yan at taken na yan matagal na! Yan ang isaksak mo sa kukote mo Magdalenaaaa! --Sigaw niya sakanyang sariling isip

Ngunit hindi niya matiis na lingonin muli ang binata. Sakto namang nakatingin parin ito sakanya.

Napakunot ang nuo niya dahil may lungkot sa mga mata nito ng lingunin niya ito at mabilis lang rin iyong nawala at napalitan ng isang magandang ngiti sabay kindat pa sakanya

Sinimangutan niya itong muli ngunit panigurado siyang nahuli nito ang pag-blush ng kanyang pisngi

"Jinso my love!"

Napalingon silang lahat ng sumigaw si Chelsea sa pintuan ng kanilang classroom

Kung makasigaw ito ay animo wala ito sa loob ng paaralan.

Automatikong napakunot ang nuo ni Magdalena ng marinig niya ang matuis na boses na iyon ni Chelsea lalo na ng tumakbo ito palapit sa pwesto ni Jinso upang yumakap sa binata

Pakiramdam ni Magdalena ay may munting langam ang kumurot sa kanyang puso ng hayaan ito ni Jinso sa ginawa nitong pagyakap

Para itong isang koala kung makalambitin sa leeg ng binata at kumandong pa ito sa kandungan ni Jinso

"Why?" Tanong ni Jinso sa dalaga

Hindi maunawaan ni Magdalena kung bakit nag-ngingitngit ang kalooban niya sa mga sandaling iyon. Sa tingin niya epekto iyon ng ginawang pagyakap ni Jinso sakanya kahapon kaya siya nagkakaganito ngayon!

Nakita niyang napasulyap si Jinso sakanya at napansin nito ang pag-usok ng kanyang ilong habang nakatingin siya sa mga ito

Pilyo itong napangiti at mas lalo pa siyang pinagselos. Niyakap nito si Chelsea sa bewang nito habang nakatingin ito sakanya na para bang inaabangan nito kung ano ang magiging reaksyon niya

Napalunok siya dahil may kirot siyang naramdaman ng yakapin nito si Chelsea.

Para siyang nagising sa kanyang ilusyon na kahit kailan ay hindi maaring magkagusto sakanya ang isang tulad ni Jinso.

Malabong mangyari iyon dahil pag-mamayari na ito ng iba. Higit sa lahat ito pa mismo ang nagsabi sakanya na nag iisa lamang daw ang gusto nito at paniguradong si Chelsea iyon

Inirapan nalang niya si Jinso dahil napangisi pa ang kulugo!

"Ouch beh. Huwag ka na kasi tumingin sa mag jowa. Aral na lang tayo beh" Napapakamot naman sa ulong sabi ni Janice sakanya

"Kasalanan mo to eh. Panay ka kasi pang-aasar sakin sa kulugo na yan" Mahinang bulong niya kay Janice dahil inis na inis siya

"Wala daw si ma'am! May faculty meeting ngayong umaga!" Masayang sambit ng isang classmate nila kaya naman natuwa ang iba sa mga classmates nila

Dahil sa sobrang inis ni Magdalena sa lover of the year na si Jinso at Chelsea ay niligpit na niya ang kanyang mga libro at tumayo na siya

"O saan ka pupunta Magda?" tanong ni Janice ng tumayo siya

"Uuwi nako. Sumakit ang ulo ko ipaalam mo nalang ako sa ibang subject natin" Nakasimangot niyang sambit kay Janice bago siya lumakad palabas ng kanilang classroom
 
Wala naman talaga siyang balak mag absent buong araw ngunit dahil sa paglalambingan ni Jinso at Chelsea ay tila nawalan na siya ng gana sa araw na iyon.

Nais nalang niya munang burahin ang pagyayakapan moments nilang dalawa kahapon sa kanyang isip upang huwag na siyang maapektuhan muli ng dalawa

Hindi na sumakay ng jeep si Magdalena dahil maglalakad nalang siya tutal maaga pa naman at malapit lamang ang kanilang bahay mula sa kanilang paaralan

Hindi pa siya nakakalayo sa kanilang paaralan ay may humawak na sakanyang pulsuhan upang pigilan siya
 
"Oy kulot saan ka pupunta?"

Parang slow motion siyang napatingin kay Jinso habang nakahawak ito sa pulsuhan ng kanyang kamay

Akala niya noon sa mga pelikula lang nangyayari yung pagtigil ng oras at pagtigil ng mundo ng isang tao. Ngunit sa mga oras na iyon ay para bang naramdaman iyon ni Magda habang nakaharap siya kay Jinso

"A-Ano bang paki-alam mo?" Masungit niyang binawi ang kanyang kamay

Nakangisi lang ito habang nakatingin sakanya

"A-Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Pagalit na wika niya dahil napakaganda talaga nitong ngumiti. Nakakapanghina iyon!

"Selosa ka pala" Nakangising sambit ni Jinso

Halos iluwa naman niya ang kanyang eyeballs dahil sa sinabi nito

Pagak siyang tumawa "Joker ka ba? Bakit naman ako magseselos--"

Hinila ni Jinso ang kanyang kamay patungo sa gilid ng isang gusali. Masikip na eskinita iyon at walang tao doon.

Nanlaki ang kanyang mata ng hapitin nito ang kanyang bewang at walang ano ano'y sinakop nito ng mapang-angking halik ang kanyang labi

Nanlaki ang kanyang mata dahil sa halik na iginawad ni Jinso sa kanyang mga labi.

Napa-awang ang labi niya sa sobrang gulat ng malasahan niya ang masarap at matamis nitong halik!

He kissed her?!

He really kissed her?!

Lalong nanlaki ang mata ni Magdalena ng igalaw ni Jinso ang mga labi nito sa ibabaw ng kanyang bibig. Para bang naghahanap ng tugon ang mga paghalik nito sakanya.

Ngunit sa sobrang gulat niya ay hindi siya nakatugon sa halik nito. Naka-awang lamang ang kanyang bibig

"Baby.. Kissed me back please. Nababaliw nako sa halik mo.." Mapungay ang mga matang sambit ni Jinso sakanya pagkatapos nitong putulin ang paghalik nito saknyang bibig

Sasagot sana siya ngunit hinapit nitong muli ang kanyang bewang at siniil ng mas malalim at may pananabik na halik ang kanyang bibig

Her first kiss!

Song-Jinso is her first kiss?!

"Baby.. Please" Ungol ni Jinso upang tugunin na niya ang halik nito

Hindi na siya nag dalawang isip pa kundi ipinikit niya ang kanyang mga mata at hinayaan niyang damahin ang nakakapanghinang halik na iginagawad ni Jinso sakanya

Sabay silang napa-ungol ng dahan dahan siyang tumugon sa halik ng binata. Tila sinisilaban ang kanilang mga katawan sa mga oras na iyon

Mas hinapit ni Jinso ang kanyang bewang at mas pinalalim pa nito ang pakikipaghalikan sakanya

Hindi siya marunong humalik ngunit tila marunong si Jinso kung paano nito pasusunurin ang mga labi niya sa bawat galaw ng mga labi nito

Mas lumalalim na ng lumalalim ang paghahalikan nilang dalawa na parang nakaka-baliw sa sobrang sarap sa pakiramdam ni Magdalena

Hindi na siya nakapag-isip pa ng maayos. Tila gustong gusto rin naman niya ang paghahalikan nilang iyon!

"Jinso.." Ungol ni Magda

Lalo pa tuloy ginanahan si Jinso na halikan siya kahit pa kinakapos na silang pareho ng kanilang paghinga.

Labis ang paglalaplapan nilang dalawa sa madilim na eskenitang iyon.

Ngunit naputol ang paghahalikan nila ng makarinig sila ng tahol ng aso!

"Arff! Arrrf!!" Tahol ng aso mula sa madilim na eskenita!

Pareho silang nagulat at napatakbo ng wala sa oras dahil sa takot nila sa matapang na aso

Hawak kamay silang tumakbo ni Jinso pabalik sa kanilang paaralan at panay ang pagtawa nilang dalawa ngunit nabitawan rin siya nito ng makasalubong nila ang groupo ni Chelsea!

Mabuti nalang at hindi nakita ni Chelsea ang pag-holding hands nilang dalawa

Doon palang nagising sa katotohanan si Magdalena na muntik na niyang makalimutan na may nagmamayari na kay Jinso at mali ang kanilang ginawang paghahalikan!

"Jinso my love!" Todo ngiti si Chelsea ng makita nito si Jinso sa di kalayuan. Kumaway pa ang dalaga.

Agad naman napatingin si Jinso sakanya ng lumayo siya sa binata.

"Baby wait--"

"A-Ayoko ng gulo Jinso" Sambit niya bago siya nakayukong lumayo sa binata

Pakiramdam ni Magdalena ay pinupunit ni Jinso ang kanyang puso ng pira-piraso sa mga oras na iyon. Kaya tumakbo na siya palayo kay Jinso upang huwag ng makahalata ang girlfriend nito

Tumakbo nalang si Magdalena pasakay ng jeep sa labas ng kanilang paaralan. Nagmukmok nalang siya sa kaniyang sariling kwarto buong maghapon dahil sa nangyari sakanilang dalawa ni Jinso

Hindi niya makalimutan ang masarap at matamis na paghahalikan nilang dalawa kanina sa eskenita!

Ramdam niyang may pananabik sa halik nito. Para bang uhaw na uhaw ito sa kanyang labi kung makasipsip ito kanina.

Possible kayang may gusto ito sakanya? Pero paano naman ang girlfriend nito?

Naguguluhan si Magdalena! Bakit ipinararamdam sakanya ni Jinso na may gusto ito sakanya?!

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon