Chapter 31

954 106 6
                                    

Chapter 31

Napabuntong hininga si Magdalena habang nakatingin sa mga damit na nakalatag sa kanyang queen size bed. Limang dress iyon na pawang mga bagong bago dahil kakabili lamang iyon sakanya ni Jinso noong araw na pinag-shopping siya nito

Hindi niya maiwasan malungkot dahil buong araw itong hindi nag tetext o tawag sakanya. Nag-aalala tuloy siya at kung ano ano na ang pumapasok sa kanyang isip na maaring nangyari

Paano kung, Nagbago na ang isip nito?

Paano kung, Si Chelsea na ang piliin nito?

Paano kung, Narealize na nitong mali ang lihim nilang relasyon at nais na nitong tapusin iyon?

After he gave her a butterfly necklace yesterday? Impossible! Ganoon ba kabilis magbago ang isip at damdamin nito?

Muli siyang napabuntong hininga ng tumunog ang kanyang cellphone. Nadismaya siya ng si Janice ang tumatawag sakanya.

Hangang ngayon kasi ay umaasa parin siya na itetext at tatawagan siya ni Jinso. Kahit alam niyang busy ito sa birthday party na gaganapin mamayang gabi

"Hello" Walang ganang sagot niya

"Are you ready na ba neng? Papunta na kami diyan sa house niyo. Kasama ko si kuya Davin"

"Okay. Magbihihis nalang ako"

"Okay neng! See you!"

Napabuntong hininga siyang muli. Wala siyang kagana-gana magbihis at magpaganda dahil wala siyang gana umattend sa birthday party ni Chelsea , Alam naman niyang sasaktan niya lang ang kanyang sarili kapag pumunta pa rin siya doon

Pinili nalang niya ang isang beige off sholder dress na ang haba ay hangang ibabaw lamang ng kanyang tuhod. Hinayaan nalang niyang nakalugay ang kanyang kulot na buhok. Hindi niya sinusuklay iyon dahil bubuhaghag iyon. Pinahiran nalang niya iyon ng cream para sa mga curly hair na katulad niya.

Pagkatapos ay nag-lagay lamang siya ng simpleng makeup para hindi naman siya magmukhang out of place sa party na iyon. Mabuti nalang at nanunuod siya noon ng makeup tutorial sa youtube kaya mayroon siyang ideya kung paano maglagay ng simple ngunit eleganteng makeup look sakanyang mukha

Ayaw niya ng heavy makeup look dahil pakiramdam niya nakakataray iyon ng kanyang mala-anghel na mukha
 
Sakto naman na nagwiwisik siya ng kanyang pabango sa likod ng kanyang tenga ay sumilip sa kanyang kwarto ang bunso niyang kapatid

"Ate nandiyan na sa ibaba si ate Janice." Sabi nito sakanya habang hawak hawak nito ang PS4 nito.

"Osige paki sabi pababa na ako.."

"Ang ganda mo ate ha?" Pagpuri ng kanyang kapatid sakanya ng mapatingin ito sakanyang itsura. Minsan lang kasi siya mag effort ng ganito.

Napangiti siya ng kaunti.

"Nambola ka pa. Sige dadalhan kita ng pasalubong"

Ngumiti naman ito at bumaba na upang sabihin kila Janice na pababa na rin siya.

Huminga siya ng malalim at muling tumitig sakanyang repleksiyon sa salamin.

Tama ang kanyang bunsong kapatid. Maganda nga siya sa naging kinalabasan ng simple makeup niya sa kanyang sarili. Lumabas ang tunay niyang ganda

Ngunit pakiramdam niya ay siya si Cinderela na maaring masaktan mamayang gabi. Ano kayang gagawin niya kung si Jinso mismo ang puputol ng kanilang secret relationship? Matatangap kaya niya? Malalapagsan kaya niya? Kakayanin kaya niya?

Muli siyang napabuntong hininga.

"K-Kaya mo yan kulot.." Biro niya sa kanyang sarili upang hindi siya malungkot ng husto

Kinuha niya ang kanyang handbag na kulay silver at kumikinang kinang iyon

Palabas na siya ng kanyang kwarto ng maalala niya ang emerald necklace na ibinigay ni Jinso sakanya kahapon

Binalikan niya iyon sa kanyang drawer. Malungkot niya iyong tinitigan at pinag-iisipan niyang mabuti kung isusuot niya ba ang kwintas na iyon?

Muli siyang napabuntong hininga at sa huli ay nagpasya siyang isuot parin ang kwintas na iyon

Mas lalo tuloy siyang nagmukhang elegante dahil bumagay ang emerald necklace sa kanyang off shoulder dress.

Malungkot siyang ngumiti bago siya lumabas ng kanyang kwarto.

Napangiti agad si Janice at Davin ng makita siya ng mga ito. Mababakas ang pagkahanga sa mga mata ng mga ito. Tila nagugustuhan ng mga ito ang kanyang itsura

"Wow neng! Ang ganda mo!" Hindi mapigilan pagpuri ni Janice sakanya ng makalapit siya sa mga ito

"Matagal na no.. Oy payatot hindi kana pala payat ngayon ha?" Baling niya kay Davin habang nakangiti siya

Masaya siyang makita muli ang dating kaibigan. Limang taon na kasi itong hindi nagbabakasyon sa Pilipinas kaya namiss niya rin ito

Tama si Janice, Malaki na ang pagbabago sa itsura ni Davin. Hindi niya akalain na gagwapo ito ng husto. Ngunit hindi nito napapatibok ang kanyang puso katulad ng nagagawa ni Jinso sakanyang puso

"Hi Magda. Grabe akala ko artista ka eh? Kamusta kana?" Kinurot agad ni Davin ang kanyang pisngi kaya napangiti lalo siya. Nagbago man ang itsura nito ay tila ito parin ang makulit na pinsan ni Janice na nakilala niya noon

Pinalo niya ang braso nito kaya binitawan nito ang pisngi niya.

Aba't may muscles na ang lokong ito ha?

"Heto mas lalo akong gumaganda. Teka bakit ngayon ka lang umuwi ng Pilipinas? Ikaw ang kamusta na?"

"Heto mas lalo akong gumagwapo" Nakangiting sagot nito sakanya na halatang ginaya lamang ang sinabi niya

Tumawa naman si Janice dahil sa palitan nila ng kamustahan.

"Mamaya na kayo magkamustahan dalawa dahil late na tayo sa party! Baka tayo pa ang huling darating doon no nakakahiya magiging center of attraction pa tayo don kaya tara na!" Hinila na sila ni Janice palabas ng kanilang bahay. Nagpaalam sila sakanyang bunsong kapatid at mommy bago sila tuluyang lumabas ng kanilang bahay

Si Davin ang nagmaneho para sakanilang dalawa ni Janice.

"Jusko payatot ano ba itong kotse mo? Parang titirik pa yata!" Reklamo niya habang nasa likuran sila nakaupo ni Janice.

"Oo nga eh! Ang yaman yaman hindi makabili ng bagong kotse? Grabe parin ang kuripot mo kuya Davin!" Sabi naman ni Janice kaya nagtawanan sila

"Nagrereklamo pa kayong dalawa? Pag-untugin ko kaya kayo? Ginawa niyo na nga akong driver sa gwapo kong to eh"

Lalo silang nagtawanan ni Janice. Pansamantala niyang nakalimutan ang lungkot na nararamdaman niya kanina dahil sa kakaisip kay Jinso

"Ayoko nga sanang sumama sainyo eh" Mayamaya sambit ni Davin kaya nagkatinginan silang dalawa ni Janice

"Bakit naman kuya Davin? At bakit hindi mo hinatid si impakta? Este si Chelsea?" Tanong ni Janice

Medyo matagal bago ito sumagot

"She has a boyfriend. Yung boyfriend niya ang may karapatan ihatid siya."

"Oh parang kagabi lang nakita ko kayong nagtutukaan no!" Pang-aasar ni Janice sa kuya Davin nito. Hindi man lang ngumiti si Davin

"Nakita ko rin silang nagtutukaan kagabi eh" Balewalang sambit ni Davin na nagpatigil yata ng kanyang puso

Nanlaki naman ang mata ni Janice. Hindi pa kasi nito nasasabi kay Davin na sikretong nobya rin siya ni Jinso!

"N-Nagtutukaan?" Tanong pa talaga niya

"Wag mong sagutin kuya--"

Pinigilan ni Magdalena si Janice dahil nais niyang makompirma ang sinasabi ni Davin

"Yeah. I saw her kissing her boyfriend last night sa kwarto niya mismo."

Parang sinagasaan ng rumaragasang tren ang kanyang puso dahil sa binalitang iyon ni Davin.

Kaya ba ito hindi na nagtetext at tawag sakanya dahil nagkamabutihan na ang mga ito??

"Kuya Davin naman eh! Bakit mo sinabi kay Magdalena yan?"

Napakunot naman ang nuo ni Davin

"Why? Ano namang masama--"

"Girlfriend rin siya ni Jinso!"  Inis na sambit ni Janice sa pinsan nitong gwapo nga pero madaldal!

Napa-preno ito dahil sa sinabi ni Janice at mabilis itong lumingon sakanya. Napalunok ito ng makitang luhaan na ang kanyang mga mata.

"Oh no.. I-I didn't know--" Bakas sa gwapong mukhang ni Davin ang pagsisisi dahil sa nasabi nito at hindi nito malaman ang gagawin

Pinunasan niya ang kanyang luha.

"A-Ayos lang. Side chicks lang naman ako eh" Biro nalang niya bago siya napaluha muli.

Niyakap siya ni Janice.

"It's okay neng. Nandiyan naman si kuya Davin" Biro nalang ni Janice

"Ayoko nga diyan." Ganting biro niya habang umiiyak parin kaya ngumiti nalang si Davin.

"Sorry talaga Magda. Di mo naman kasi sinabi eh! Teka i think i remember now!"

"Ang alin kuya Davin?" Kunot nuong tanong ni Janice sa pinsan nito dahil parang may naalala ito

"Tama natatandaan ko na. Siya yung binatilyong koreano na humarang sakin noon para ligawan ka! Aba't hindi ka pala talaga tinantanan nun ha?"

"Hinarang ka?"

"Oo dati nung huling bakasyon ko dito sa Pilipinas. Nilait pa nga ako ng siraulong yun. Hindi mo raw ako magugustuhan dahil isang bulate nalang raw ang kailangan ko papirmahin para kainin ako ng buhay dahil buto't balat nalang daw ako. That bastard! Siya rin pala yung boyriend ni sungit.."

"Jusko dati ka pa pala binabakuran ni Jinso. Pero sino ba talaga sainyo ang gusto niya? Ang gulo rin ng koreanong pogi na yan ha!" Reklamo ni Janice habang yakap parin siya nito.

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon