Ending 😍
Napatingala si Magdalena sa kalangitan ng magliparan doon ang mga drones na wari bang mga bituin sa kalangitan na nagkumpol kumpol
"Wow"
Hindi niya mapigilan mapahanga dahil napakarami nito
Napanganga siya ng nagkaroon ng background music ang buong yate. Isang romantic music iyon na sa pagkaka-alam niya ay ang kanyang "The Only One"
Lalong namangha si Magdalena ng magsimulang maging letra ang mga drone lights.
YOU'RE MY ONLY ONE
Pakiramdam ni Magdalena ay tumalon ang kanyang puso ng mabasa iyon sa kalangitan.
I WANNA BE BY YOUR SIDE EVERYDAY
Para kanino kaya iyon? Para kay Chelsea? Para kay Janice o para sakanya?
Sunod sunod ang paglunok niya dahil ayaw niyang paasahin ang kanyang sarili na para sakanya iyon. Marahil para iyon kay Chelsea dahil si Davin ang nagsimula ng palabas na ito.
Ngunit sa kailaliman ng kanyang puso ay umaasa siyang para sakanya iyon. Sa tingin niya ay iiyak siya buong magdamag kung para ito kay Chelsea at Janice
YOU'RE HOLDING MY HEART FROM DAY ONE
Napanganga si Magdalena ng mag-form ng dalawang bata ang mga ilaw sa kalangitan.
Isang batang babaeng kulot ang buhok at isang batang lalake kaya napatayo siya habang titig na titig sa kalangitan
Naramdaman nalang niyang tumutulo ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilan umasang para sakanya iyon dahil siya lang naman ang kulot ang buhok sakanilang tatlong mga babae.
Hawak parin ni Jinso ang kanyang kamay. Ramdam niya ang malamig nitong kamay na nakahawak sakanya. Ayaw niya itong tignan dahil baka mali ang kanyang akala. Marahil nararamdaman na rin nito ang panginginig ng kanyang kamay kaya mas humigpit ang paghawak nito
I LOVE YOU SINCE June 7 2005
Parang tumalon muli ang puso ni Magdalena dahil iyon ang petsa ng araw na naging magkaklase sila ni Jinso. Ang unang araw ng pasukan sa kanilang eskwelahan
Natatandaan niya pa noon na kinausap pa nito ang kanilang guro para tabihan siya sa kanyang upuan. Nakipag-kilala ito sakanya noong bata pa siya ngunit sinupladahan niya lamang ito. Umiyak pa nga ito at simula noon ay palagi na siyang inaasar nito ngunit panay naman ang paglapit nito sakanya araw araw.
Napaiyak na siya ng tuluyan ng makita niya ang kanyang mukha sa mga ilaw na nagmumula sa mga drones
Nagpalakpakan naman si Chelsea Janice Davin at boyfriend ni Janice na tuwang tuwa dahil para sakanya nga ang mga show na iyon.
Hindi niya magawang lumingon kay Jinso dahil baka nananaginip lamang siya.
Muling nagbago ang mga pinapakita ng drones at lumabas doon ang pigura nilang dalawa ni Jinso. Magkayakap na pigura ,Magkahalikan at magkaholding hands na pigura nila ang naroon sa buong kalangitan habang napakaganda ng background music na mas lalo pang nagpaparomantiko sa palabas na iyon
And you showed me what life was about
Only you
The only one that stole my heart away
Oh, a-a-a-h
Mmmm
In my mind there's no other love
You're the only girl my heart and soul is thinking of
Maya maya pa ay may tatlong helicopter ang nagliparan sa ibabaw ng yate at naghagis ng mga red roses petals
Para tuloy umuulan ng mga pulang rosas sa paligid.
"Oh my God.."
Para nga itong isang panaginip lamang para kay Magdalena. Pakiramdam niya ay masyadong maganda ang nangyayari kung totoong buhay ito.
Sinalo niya ang mga red roses petals na nagliliparan sa harapan niya. Saglit niyang nabitawan ang kamay ni Jinso.
Nang mahawakan niya ang isang rose ay nagtaka siya kung bakit parang totoo iyon.
Tumahimik ang paligid. Umalis ang mga helicopter at naiwan paring nagliliparan ang mga red roses petals sa paligid dahil malakas ang sariwang hangin
Napatingala muli si Magdalena sa kalangitan ng magliwanag iyon.
WILL YOU MARRY ME MAGDALENA?
Nanlaki ang kanyang mga mata. Saglit niyang sinampal ang kanyang sariling pisngi dahil baka panaginip lamang ito. Ngunit napahagulgol siya ng masaktan siya sa kanyang ginawa
"O-Oh my God. Hindi ito panaginip..?" Parang nababaliw niyang tanong sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa sobrang saya niya.
Agad siyang lumingon kay Jinso. Ngayon niya palang naisipang lumingon sa binata.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang nakaluhod na ito sa likuran niya habang nakatitig ng seryoso sakanyang luhaang mga mata.
"J-Jinso.."
"Babe.. Marami pa akong gustong sabihin. Ang dami kong pinlanong sabihin sayo sa araw na ito pero nakaka-kaba pala sobra at wala akong ibang naiisip ngayon kundi ang pagmamahal ko sayo at ang isasagot mo sa tanong ko. Magdalena w-will you marry me?" Namumula ang mga matang tanong ni Jinso sakanya
Kitang kita niya mula sa mga mata nito ang pagmamahal nito para sakanya.
May hawak itong isang maliit na kahon. Unti-unti nitong binuksan iyon sa kanyang harapan at tumambad sakanya ang isang napakaganda at kumikinang na diyamanteng singsing!
Napahagulgol siya sa kasiyahan. Dahil ito na ang pinakahihintay niyang araw. Sa wakas ay nagpropose na ito sakanya!
"O-Oh Jinso!" Niyakap niya agad ito ng mahigpit kahit pa nakaluhod ito
Pinalo-palo niya ang likod nito habang umiiyak siya na parang isang bata
"Ang tagal tagal ko tong hinihintay! Oo naman! Oo magpapakasal ako sayo kahit araw araw pa!" Napapaiyak niyang sambit habang napapahagulgol na siya
Nag-iiyakan sa kasiyahan si Janice at Chelsea na magkayakap na ngayon habang nakatingin sakanilang dalawa ni Jinso
"Sana all.." Naiiyak na sambit ni Chelsea bago nito inirapan si Davin sa bandang gilid. Napangiwi naman si Davin at napakamot sa ulo
"Sobrang saya ko para sayo neng! Sa wakas happy ending rin kayo ni Jinso.." Sambit naman ni Janice kahit hindi naman ito naririnig ni Magdalena
"Sana all.." Parinig muli ni Chelsea kay Davin kaya niyakap ito ni Davin at inagaw ito kay Janice
"Love mas bonga pa dito proposal ko sayo."
Napangiti na si Chelsea dahil sa sinabi ni Davin.
"Kahit hindi na bonga. Ang mahalaga maging asawa kita love.." Paglalambing agad ng dalaga
"Eww" Biro ni Janice sa mga ito
Samantalang hindi makapaniwala si Jinso sa sagot ni Magdalena. Nagtatatalon pa ito sa tuwa ng isuot niya ang singsing sa kamay nito
Yayakapin niya sana ito at hahalikan ngunit para itong batang nagtatatalon at nagsasayaw sa sobrang tuwa nito
"Wooo nagpropose rin siya sa wakas!" Sigaw pa ni Magdalena habang ang saya saya nito
Napapangiting nakatingin si Jinso sa kanyang nobya. Ito ba ang dahilan ng kalungkutan nito? Hinihintay lang ba talaga nitong magpropose siya? Parang gusto tuloy niyang sapakin ang kanyang sarili dahil naduduwag pa siya noon.
"Babe. I love you so much.." Niyakap na ni Jinso si Magdalena upang tumigil ito sa pagtalon talon baka kasi matuwa ito masyado at malaglag pa ito sa yate.
"I love you more Jinso!"
Tinitigan niya ang mukha ng babaeng habang buhay niyang mamahalin. Ang mukha ng babaeng kahit kailan ay hindi niya pagsasawaan kahit pa maging kulubot na iyon balang araw
Sinakop niya ng kanyang mapagmahal na halik ang bibig nito at agad naman itong tumugon ng buong pagmamahal kasabay ng fireworks na sabay sabay na nagpaliwanag sa kalangitan
"Wow!" Bulalas ni Magdalena dahil napakaganda ng fireworks display na pinapanuod nilang lahat ngayon habang magkakayakap ang bawat magkakapareha
"Wala na akong mahihiling pa--Aw.." Biglang napahawak si Magdalena sa tiyan nito na para bang bigla iyong sumakit
"What happened babe?" Nag-aalalang tanong niya dahil namilipit na si Magdalena sa sobrang sakit ng tiyan nito
Naglapitan naman agad ang mga kaibigan nila ng makita ng mga ito na napaupo si Magdalena sa sahig habang hawak ang tiyan
"Babe! Okay ka lang ba??" Sinalo agad ni Jinso si Magdalena
"Jinso buntis ako dalhin mo agad ako sa hospital" Sambit ni Magdalena bago ito tuluyang nawalan ng malay
Sabay sabay naman napanganga silang lahat sa sinabi ni Magdalena. Halos hindi magsink-IN kay Jinso ang mga sinabi ni Magdalena sakanya hangang sa nasa hospital na sila at ang mismong doctor na ang nagsabi sakanya na four weeks ng buntis si Magdalena at maayos naman ang naging kalagayan ng baby sa sinapupunan nito
"Congrats dude! Nakabuo na pala kayo buti itinuloy mo na ang proposal kagabi.." Nakangiting sabi ni Davin sakanya pagkaalis ng doctora
"Salamat. Hindi ko maexplain kung gaano ako kasaya ngayon." Naiiyak niyang sabi bago halikan ang kamay ng babaeng pinakamamahal niya at babaeng magiging ina ng kanyang mga magiging anak
Hawak hawak niya ang kamay ni Magdalena habang natutulog ito sa hospital bed. Tinawagan na niya ang kanyang parents na nasa Canada ngayon at tuwang tuwa ang mga ito ng ibalita niyang magiging tatay na siya
"Oh my God i'm gonna be a ninang na! Sana all buntis!" sabi ni Chelsea na halatang masayang masaya para kay Magdalena
"Pareho pala kaming buntis.." Nakatulalang sabi ni Janice
"What buntis ka?" Tanong ni Chelsea
"Yes. Kaso di ko masabi sa jowa ko. Baka iwan ako eh."
"Anu ka ba! Sabihin mo na. Sasampalin natin yang jowa mo ng walang pahinga kapag hindi ka pinanagutan!"
"Ako bubuntisin kita love para makasabay ka sa pagbubuntis nila.." Malokong sabi ni Davin kaya binatukan ito ni Chelsea
"Che. Mag propose ka muna no!" Nagtawanan silang lahat
Nang magising si Magdalena ay agad nitong tinanong kung kamusta ang sangol sa sinapupunan nito
"A-Ang baby natin? Kamusta ang baby--"
"The baby is fine babe. Napagod lang siguro ang anak natin sa kakatalon mo." Nakangiting sabi ni Jinso kay Magdalena bago ito hinalikan
Nakahinga ito ng maluwang ng mabalitaan nitong maayos ang kalagayan ng anak nila.
Isang buwan ang nakalipas ay ipinagdiwang na agad nila ang kanilang engrandeng kasal na dinaluhan yata ng libo libong mga tao. Sa Manila kasi nito naisipan magpakasal dahil doon daw sila unang nagkakilala.
Umuwi mula America ang mommy nito at step father pati na rin ang bunsong kapatid nito para dumalo sa kanilang kasal. Umuwi rin mula sa Canada ang parents ni Jinso. Tuwang tuwa ang mommy Aliah niya at daddy Jin sa naging desisyon niyang magpakasal bago itake-over ang negosyo nila. Naniniwala kasi ang daddy Jin niya na ang tunay na pag-ibig ang pinakamahusay na motibasyon para mas maging magaling sa negosyo
Church wedding ang napili ni Magdalena kaya naman sa Manila Cathedral sila ikinasal. Kung si Jinso ang papapiliin ay sa ibang bansa sana niya gustong pakasalan ang babaeng mahal na mahal niya dahil deserve nito ang isang magarbong kasal
"You may now kiss the bride!" Sambit ng paring nagkakasal sakanilang dalawa kaya naman unti unting inangat ni Jinso ang puting belo na tumatakip sa mukha ng mahal niya
"I love you so damn much Mrs. Magdalena Song.." Sambit niya bago ito halikan sa unang pagkakataon sa buhay mag-asawa nilang dalawa
Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Naroon ang kanilang mga kamag-anak kaibigan at mga kaeskwela. Naroon rin ang tita Arlene niya na masayang masaya para sakanila
Tunay ngang sa pag-ibig walang makakapigil kung ito ay ipaglalaban at paninindigan.
Makalipas ang ilang buwan ay ipinanganak ni Magdalena ang isang malusog na babaeng sangol at ito ang bumuo sa kanilang pagmamahalan.
Dito na po nagtatapos ang kwento ng pagmamahalan ni Magdalena at Jinso.
Maraming salamat po! Godbless!
The End....

BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...