Chapter 19

941 116 10
                                    

Chapter 19

Malamig ang hangin

Madilim ang paligid

Mausok at parang hindi makita ni Jinso kung sino ang mga tao sa loob ng isang silid na kanyang napasukan

Palakas ng palakas ang tibok ng kanyang puso at parang lalabas na iyon mula sa kanyang dibdib

Malamig ang pawis sa kanyang nuo habang patuloy siyang pumapasok sa loob ng silid na iyon.

Naririnig niya ang tawanan ng mga babaeng nag-uusap at mga batang naglalaro.

Pakiramdam ni Jinso ay nakita na niya ang tagpong ito. Pakiramdam niya ay pamilyar sakanya ang pangyayaring iyon.

"Mommy ang galing ni Chelsea mag color oh!" Pinakita ng isang bata ang coloring book na kinulayan ng batang babae

Malabo ang mukha ng mga bata ngunit unti unti iyong nagiging malinaw. Napatigil si Jinso sa kanyang paglalakad ng makita niya ang kanyang sarili noong bata pa siya.

Siya ang batang iyon!

Katabi niya ang kanyang kaibigan na si Chelsea at ang mga mommy nila.

Natatandaan niya ang tagpong iyon! Para bang sinasakal siya at hindi siya makahinga habang pinapanuod niya ang pangyayaring ito

Natatandaan niyang apat nalang ang tao sa classroom na iyon. Dahil wala ng klase tuwing hapon.

"Wow ang galing naman!" Nakangiting sabi ng mommy niya

Napapalunok si Jinso habang nakatingin sa mga ito. Hindi siya makagalaw at wala siyang magawa kundi panuorin ang nagaganap

"Thank you Jinso! Ikaw rin magaling mag drawing!" Sambit ng batang si Chelsea

"Syempre big brother mo ako eh!" Sagot ng batang si Jinso

Napalunok si Jinso dahil pakiramdam niya palakas ng palakas ang pagtibok ng kanyang puso. Alam niya ang susunod na mangyayari!

Nais niyang sumigaw! Nais niyang lapitan ang mommy niya at ang mga bata upang iligtas sa nalalapit na kapahamakan!

"N-No..." Sambit ni Jinso dahil alam na niya ang susunod na mangyayari.

Naputol ang masayang pag-uusap ng mga ito ng marinig nila ang sigaw ng isang halimaw.

Ang teacher nila! Si Sir Leo!

Napalingon si Jinso sa lalakeng teacher nila. Lalong lumakas ang pagtibok ng kanyang puso at tagaktak ang kanyang pawis. Nais niyang sugurin ang guro na iyon at pigilan ang masamang tangka nito sa buhay ng kanyang mommy ngunit hindi siya makagalaw!

Damn! He can't move his feet! Hindi man lang niya maigalaw ang kanyang mga paa upang sugurin ito

"Aliah Gomez katapusan mo na!" Sigaw ni Sir Leo na nagpa-wala ng masasayang ngiti at napalitan ng pagkagulat at takot ng makita ng mga ito na may hawak na baril ang guro at nakatutok iyon sa mommy niya.

"Noooo!" Sigaw ng batang si Chelsea bago ito mabilis na yumakap sa kanyang mommy

Sakto naman kinalabit ni Leo aka Jacob ang baril nito at ang batang si Chelsea ang nakasalo ng dalawang sunod sunod na putok ng baril

Pakiramdam ni Jinso ay nabingi siya at natulala ng makita niya kung paano binaril ni Sir Leo ang kanyang mommy ngunit nasalag iyon ng batang babae!

"Anak?!!!!" sigaw ni Arlene ang mommy ni Chelsea sa bilis ng pangyayari at sa pagiging bayani ni Chelsea

Panay ang tulo ng luha ni Jinso habang nakatingin siya sa batang Jinso. Nakatulala ito at labis ang takot na nakabakas sa inosenteng mukha ng batang lalake.

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon