Chapter 6
4 years ago...
(High school days)
"Sawa ka na ba sa buhay mo?" Kunot nuong tanong ni Jinso sa binatilyong kaklase nila na si Carlo Hernandez
Nabalitaan kasi ni Jinso na may balak itong manligaw kay Magdalena a.k.a kulot. Pang sampu na ito sa mga lalakeng nagbabalak pumorma kay Magdalena.
Pinatunog pa ni Jinso ang kanyang mga kamay at ang kanyang leeg habang mayabang siyang nakatingin kay Carlo
"B-Bakit?" Kunot nuong tanong rin nito ngunit napaatras ito dahil na-corner nila ito sa likod ng kanilang paaralan
Kasama ni Jinso ang dalawa niyang matalik na kaibigan. Si Derek at Simon. Matatangkad rin ang mga ito katulad niya. Samantalang ang lalakeng kinokorner nila ay isang patpating lalake
"Balak mong ligawan si kulot?" Maangas na tanong ni Jinso habang naka-kunot ang kanyang nuo
"A-Ano namang masama--"
Naputol ang pagsasalita nito ng hawakan niya ang kwelyo ng uniporme nito.
"Ngayon palang binabalaan na kita. Kapag lumapit ka pa kay kulot may kalalagyan ka.." Pananakot lamang niya kay Carlo upang huwag nito ituloy ang pang-liligaw sa babaeng minamahal niya
Pang sampu na ito sa mga lalakeng tinakot at binalaan niya. Kabisado na nga niya ang kanyang sinasabi sa tuwing sisindakin niya ang mga ito
Napalunok si Carlo at sunod sunod na tumango.
"H-Hindi ko na itutuloy ang panliligaw ko sakanya" Natatakot na sambit nito. Dahil sa kanyang narinig ay binitawan niya ang kwelyo nito bago niya ipagpag iyon habang nakangiti
"Good. Madali ka palang kausap"
Napahawak naman ito sa sariling dibdib dahil halatang natakot ito sakanya
"P-Pero Jinso hindi kita maintindihan. H-Hindi ba si Chelsea naman ang girlfriend mo? bakit ka nagagalit kung liligawan ko si Magdalena--"
"It's none of your business. Umalis kana"
Muli itong napalunok bago ito kumaripas ng takbo palayo sa groupo nila.
Pagkalayo ni Carlo ay doon palang humalakhak sa pagtawa ang dalawang kaibigan ni Jinso na si Derek at Simon
"Dude that's crazy!" Natatawang sambit ni Simon
"Lahat ba talaga ng manliligaw kay Magdalena pipigilan mo? I can't believe this--"
"Sumakay nalang kayo" Nakakunot nuong sagot niya sa kanyang mga kaibigan habang nagtatawanan parin ang mga ito
"Bakit kasi hindi mo nalang kasi ligawan si Magdalena?" Tanong ni Derek
Napabuntong hininga siya at wala siyang balak sagutin ang tanong nito. Alam naman niyang alam ng mga ito ang dahilan kung bakit niya naging girlfriend si Chelsea.
Kahit wala siyang nararamdaman kahit kaunti para dito. Ang pagmamahal lamang niya para kay Chelsea ay pagmamahal lamang sa isang babaeng kapatid. Hangang doon lang talaga ang pagmamahal na maari niyang ibigay sa babae.
"Girlfriend niya si Chelsea dude paano niya liligawan si Magda? Alam mo naman ang storya kung bakit diba?" Nakangiting sabi ni Simon kay Derek
"Sabagay. Ang hirap ng sitwasyon mo Jinso. Pero tandaan mo kahit pigilan mo man ang kahit sinong lalakeng mang-liligaw kay Magdalena darating ang araw may isang lalakeng hindi mag-paawat at magiging boyfriend niya"
Naikuyom niya ang kanyang mga kamay. Ngayon palang ay parang nagsisikip na ang kanyang puso kung darating man ang araw na iyon.
"That will never happen. Sisiguraduhin kong iba na ang gugustuhin maging bf ni Chelsea sa mga panahon na iyon at malaya ko na maliligawan si kulot. So as long as i can stop those bastards , I will do it"
Nagkatinginan lamang si Simon at Derek. Ramdam ng mga ito na seryoso siya sa kanyang sinabi. Simula nga noon ay palagi niyang tinatakot at sinisindak ang mga lalakeng nais pumorma kay Magdalena.
Hindi siya makakapayag na may lalakeng makakalapit dito.
(End of Highschool days flashbacks)
Nasipa ni Jinso ang basurahan ng kanilang paaralan dahil sa tindi ng selos na nararamdaman niya.
Mukhang dumating na ang araw na kinakatakutan niya. Ang pagdating ng isang lalakeng hindi masisindak at hindi matatakot sa pananakot niya.
"Damn it!" Mura niya pag labas niya ng classroom nila. Hindi kasi niya kinakaya ang makitang may ibang lalakeng kasama ang babaeng pinakamamahal niya
Parang sinasakal ang puso niya. He wants to grab her and take her away from him!
Gustong gusto na niya itong ilayo sa lalakeng iyon! But he can't! Wala siyang karapatan gawin iyon! And that's what makes him weak.
Huminga siya ng malalim upang makapag isip ng maayos bago siya kainin ng kanyang emosyon.
Gustong gusto niyang suntukin si Luis! Gustong gusto na niyang bawiin ang kanyang babaeng pinakamamahal.
Pero wala siyang magawa dahil panigurado makakarating kay Chelsea ang kanyang gagawin. Ayaw niyang gumawa ng ikakasakit ng damdamin ni Chelsea.
Muli siyang huminga ng malalim upang pakalmahin ang kanyang sarili. Malapit na kasi niyang suntukin ang lalakeng iyon. Panigurado magiging issue iyon sa kanilang paaralan at magkakaroon ng idea ang mga ito na nagseselos siya
Mga ilang minuto rin siyang nagpakalma sa kanyang sarili bago siya muling pumasok sa kanilang classroom
Napakunot agad ang kanyang nuo at parang sumikip ang dugo na dumadaloy sa kanyang puso. Naikuyom agad niya ang kanyang kamay dahil sa matinding selos na lumukob sa kanyang damdamin
Na-abutan niya kasing hinihipan ni Luis ang mata ni Magdalena. Mukhang napuwing ang dalaga kaya't hinihipan ito ni Luis.
Pakiramdam niya umakyat lahat ng dugo sa kanyang ulo sa labis na selos na kanyang naramdaman
Nais niyang pigilan ang kanyang sarili ngunit hindi niya magawa dahil derederetso siyang lumakad papunta sa mga ito. Alam niyang nakatingin lahat ng mga kaklase nila sakanya ngunit wala na siyang paki-alam sa mga ito
"Magda"
Napalingon agad si Magdalena at Luis sakanya ng lapitan niya ang mga ito.
"B-Bakit--"
Nanlaki ang mga mata nito ng bigla niya itong halikan sa harap ng kanilang mga kaklase.
He heard gasps.
Halatang nagulat ang mga ito ngunit wala na siyang paki-alam. He want to kiss her infront of them. Lalong lalo na sa harap ng lalakeng nais agawin ito sakanya
Napapikit siya at hinalikan ng buong pagmamahal si Magdalena sa mga labi nito upang iparamdam dito ang kanyang damdamin
Naramdaman niyang gumanti ito ng halik sakanya ngunit unti unti rin naglaho na parang bula
"Mr.Song anong ginagawa mo diyan?"
Napakurap si Jinso sa kanyang kinakatayuan sa pintuan ng kanilang classroom. Nasa likod niya ang kanilang guro na kakarating lamang
Hindi pala totoong hinalikan niya si Magdalena. Kundi na-imagine lamang niya iyon na nais niyang gawin sa mga oras na iyon.
Ang akala pa naman niya ay naglakas loob na siyang halikan si Magdalena sa harap ng ibang tao.
Akala niya lang pala iyon.
Iniisip niya lang pala iyon
Hangang ngayon ay duwag parin siya
Napalunok siya.
Nagtinginan sakanya ang kanyang mga kaklase pati narin sila Magdalena at Luis.
Kung hindi pa dumating ang teacher nila ay hindi pa siya kikilos papunta sa kanyang upuan.
Kunot nuo nalang siyang dumaan sa gilid ni Magdalena habang masama ang tingin niya sa mga ito.
Nakangiti naman ng nakakaloko si Luis na para bang inaasar siya nito. Samantalang nakakunot nuo rin si kulot habang nakikipagtinginan ito sakanya
"Dude bakit ka natulala don?" Pang aasar ni Simon sakanya ng maka-upo siya sa tabi nito
"Damn it. I'll kill him" Sambit niya sa sobrang selos na kanyang nararamdaman!
Parang nais niyang baliin ang leeg ni Luis habang nilalambing parin nito si Magdalena
"Ouch bro. Mukhang dumating na ang katapat mo.."
Nagtangis ang kanyang panga sa sobrang inis at selos na kanyang nararamdaman
Nagsimula na magturo ang kanilang guro ngunit ang kanyang atensyon ay nakay Magdalena lamang at Luis. Binabantayan niya ang kilos ng lalake kung sasamantalahin nito ang pagtabi kay Magda
Mabuti naman at hindi ito gumagawa ng kakaiba.
Buong oras ng kanilang klase ay mainit ang kanyang ulo. Nahuli niyang tumingin sakanya si Magdalena ngunit nag iwas agad ito ng tingin.
I have to do something...

BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...