Chapter 40
Ikalawang gabi na ngayon nila Magdalena sa pribadong yate ni Jinso. Ang lahat ay masaya at nagtatawanan. Ngunit kapansin pansin ang pananahimik ni Magdalena
Napapansin iyon ni Jinso ilang araw na itong madalas napapatulala. Tila may malalim itong iniisip.
"Jins tuloy ba?" Tanong ni Davin sakanya habang nagtitimpla siya ng kanilang iinumin.
He likes to make his own drink. Isa iyon sa mga tinatagong talent niya.
Sinulyapan niya si Davin. Nasa di kalayuan sila Magdalena habang nag-kakantahan sila Chelsea at Janice sa mini karaoke na pinasadya niyang ipalagay sakanyang private yatch dahil mahilig sa karaoke si Magdalena
"I'm nervous. Parang wala sa mood ang girlfriend ko. Something is bothering her"
"So hindi nanaman natin itutuloy ang proposal mo tonight? Pangatlong beses mo na itong cancellation ha?" Tanong pa ulit ni Davin bago ito kusang nagsalin ng inumin sa baso nitong mayroong ice cube
Mula ng maging nobyo ito ni Chelsea ay napalapit na sila sa isat-isa naging kaibigan na niya ito kahit madalas silang mag-asaran.
Dalawang beses na nilang pinaghandaan ang wedding proposal niya para kay Magdalena at ikatlong beses na ngayong gabi
Dalawang beses ng naudlot ang proposal niya. Unang beses ay noong gabing birthday party ni Chelsea. He wanted to ask her right there and then na maging asawa ito ngunit nais niyang mas paghandaan pa ang proposal niya. Ikalawang beses naman ay noong ika-21 kaarawan niya. Ngunit hindi rin natuloy dahil malungkot ito sa biglaang pag-alis ng pamilya nito papuntang america.
At ngayong gabi dalawang buwan na nilang pinaplano itong simpleng proposal niya para kay Magdalena ngunit tila mali nanaman ang timing niya
Napabuntong hininga si Jinso habang nakatingin siya ngayon kay Magdalena na malungkot parin ang magandang mukha samantalang masayang nagkakaraoke naman si Chelsea at Janice kasama ang nobyo ng huli
"I-I don't know. Baka hindi magandang magpropose ngayon dahil napakalungkot niya. Look at her"
Tumingin naman ito kay Magdalena ngunit napatingin ito muli sakanya ng magsalita siya sa malalim na boses
"Don't look at her! Idiot!" Kunot nuong sabi niya kay Davin
Natawa ito sakanya dahil sa pagiging possesive niya sa kanyang nobya
"Gulo mo. Sabi mo look at her tapos nung tinignan ko naman nagagalit ka. Lakas ng toyo mo. Hangang ngayon ba naman pinagseselosan mo ko? Mahirap talagang maging ganito kagwapo oh.." Napapakamot sa ulong sabi ni Davin habang patawa tawa pa ito
"Sabi ko kasi tignan mo lang huwag mong titigan. Baka mamaya niyan pormahan mo pa girlfriend ko eh" Ininom niya ng derederetso ang kanyang inumin
Lalo itong natawa sakanya
"I'm madly crazy in love with Chelsea dude. Kaya safe sakin si Magdalena mo. Anyway itutuloy ba natin to o hindi? Sasayangin mo nanaman ba ang three million pesos na preparasyon mo para sa gabing ito?"
"I don't care about the money. G-gusto kong nasa mood siya pag nag-propose ako. Baka mamaya hindi niya tangapin ang proposal ko eh mabaliw ako"
Napapailing siyang muli nagsalin ng kanyang inumin at dineretso niya iyong inumin
"Naduwag ka nanaman eh. Ituloy mo na para malaman mo."
Lalo naman siyang kinabahan
"Basta sasabihin ko sa mga tauhan mo itutuloy natin ang proposal mo ngayong gabi"
Napalunok siya
"Sige ituloy natin, pero ihuhulog kita sa dagat pag tinang-gihan ako ni Magdalena" Muli siyang uminom
Napangiwi si Davin dahil seryosong seryoso ang kanyang mukha. Nahahalata rin nito ang pagiging kabado niya
"Tiwala lang magdadasal ako para mag yes siya sayo" Tumawa pa si Davin ng mapang-asar na tawa kaya lalo siyang kinabahan
"Gag@"
"It's show time" Todo ngising sabi ni Davin bago nito nilagok ang kakalagay lang nitong inumin sa baso nito
Kabado siyang lumapit kay Magdalena.
Napalingon ito sakanya. Bakas sa mga mata nito ang lungkot na hindi niya malaman kung saan nagmumula ang kalungkutan nito
Pinasasaya niya ito sa kama tuwing gabi ngunit parang hindi maalis ang lungkot nito.
"A-Are you okay?" Pilit niyang itinatago ang kanyang nerbyos nang tanungin niya ito
"Oo okay lang" Walang ganang sagot nito
Napalunok siya. Lumingon siya kay Davin na naghihintay lamang ng signal niya.
It's now or never
Kung hindi pa niya itutuloy ang proposal niya ngayong gabi ay paniguradong hindi parin siya patutulugin ng kanyang pagkasabik na maging asawa ito
Oo nga't bata pa sila para masabing napaka-aga pa para mag-asawa but hell! He don't care. Buong buhay niya itong minamahal at hindi na siya makapaghintay pang maging asawa ito
Alam niyang siguradong sigurado na siyang ito lamang ang babaeng nanaisin niyang makasama habang buhay
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Magdalena
"Ang lamig ng kamay mo Jinso. Giniginaw ka ba?" Tanong agad ni Magdalena sakanya ng maramdaman nito ang panlalamig ng kanyang kamay
Damn!
Ngumiti lamang siya ng tipid kay Magdalena dahil baka kapag sumagot siya ay mapapiyok siya sa sobrang kabang nararamdaman niya sa mga oras na iyon
Tumingin siyang muli kay Davin
Sinenyasan niya si Davin na simulan na nito ang kanilang proposal para kay Magdalena gamit lamang ang pag-tango ng kanyang ulo
Ngumisi si Davin bago nito inagaw ang atensyon ng lahat. Nagsimula itong sumayaw kasabay ng nakakaindak na musika na kinagiliwan agad ng lahat
"Ladies and gentleman , Mambo number five! Ten-ten-ten-ten-ten-ten-ten" Sumayaw pa si Davin na para bang si Michael Jackson ito habang nakahawak ito sa itim na sobrero nito na katulad ng sobrero ng isang mahikero
Napapalakpak agad ang nobya nitong si Chelsea habang nakatingin silang lahat kay Davin
Napansin ni Jinso na napangiti rin si Magdalena. It's a good sign! Mukhang napapa-gaan ng lokolokong iyon ang mood ni Magdalena. Wala naman sa plano nila ang pagsayaw nitong iyon.
"Wow ang galing galing ng love ko!" Tili pa ni Chelsea na ikinangiwi nila. Halatang inlove na inlove kasi ito kay Davin.
"Ang ganda ng intro ko no?" Nakangising sabi ni Davin bago ito tumigil sa pagsayaw
"Super!" Tili ulit ni Chelsea. Kung cartoon characters lamang sila ay malamang may korteng puso na ang mga mata nito
"But this is just ice breaker. It's show time!" Sigaw ni Davin bago nagliparan ang mga malilit na ilaw ng drone sa kalangitan kaya napatingala ang lahat
Hindi agad naintindihan nila Chelsea Janice at Magdalena ang sinasabi ni Davin dahil walang kaalam alam ang mga ito sa plano nilang proposal para kay Magdalena
Alam kasi ni Jinso na ichichika agad ng dalawa kay Magdalena ang plano nila kung sasabihin niya iyon at hindi na iyon magiging surpresa pa.
Napalunok si Jinso habang nakatitig lamang siya kay Magdalena. Napatingala ito sa kalangitan at namilog ang mga mata dahil ibat-ibang ilaw ng sampung libong drones ang nasa kalangitan ngayon
Nagmistulang mga bituin iyon na nagtumpok-tumpok kaya namangha ang lahat
"Wow" Sambit ni Magdalena kaya nababawasan ang kaba sa kanyang dibdib
![](https://img.wattpad.com/cover/308947016-288-k972720.jpg)
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...