Chapter 13
Buong araw matamlay si Magdalena. Nag-cutting classes na siya simula ng tumakbo siya palayo kay Jinso at Chelsea kaninang lunch break nila. Hindi kasi sinasadyang narinig niya ang pag-uusap ng mga ito.
Tila ba nagising siya sa kahibangan niya at sa maling ginawa nila ni Jinso kagabi.
Isa iyong pagkakamali!!!
Napasubsob siyang muli sa kanyang unan at doon siya umiyak ng tahimik. Kung hindi niya pa narinig ang pag-uusap ni Jinso at Chelsea ay baka hindi pa siya matatauhan at baka ulit ulitin pa nila ni Jinso ang pagtatalik nila sa mga susunod na araw dahil aaminin niyang hinahanap hanap ng kanyang katawan ang mga haplos ng binata. Mabuti nalang at nagising siya sa kanyang kahibangan! Pagkakamali at pagtataksil ang kanilang ginawang pagtatalik at malaking kasalanan iyon sa nobya nito.
"Anak nandiyan si Jinso sa ibaba. Gusto ka raw kausapin" Boses iyon ng kanyang mommy habang nakatayo ito sa nakasaradong pintuan ng kanyang kwarto
Napabangon agad si Magda dahil sa sinabi ng kanyang mommy.
"Anak?" Kumatok muli ang kanyang mommy kaya napilitan siyang sumagot.
"P-Paki sabi po masama ang pakiramdam ko" Pagsisinungaling niya
"Ha? Masama ba ang pakiramdam mo anak? Buksan mo nga itong pinto para matignan kita"
Napabuntong hininga siya. Tinatamad siyang lumapit sa pintuan upang buksan iyon. Wala kasing kalakas lakas ang kanyang katawan sa mga oras na iyon.
Ganoon pala ang pakiramdam kapag broken hearted parang buong katawan mo ay hinang hina at walang kalakas lakas.
"S-Sipon lang po ito mommy"
Hindi na sumagot ang mommy niya ngunit ilang segundo lang ay narinig na niyang binubuksan nito ng duplicate key ang pinto ng kanyang kwarto.
Tinakpan nalang niya ng kumot ang kanyang mukha upang hindi nito makita ang pamamaga ng kanyang mga mata
"Anak what's wrong? Anong masakit sayo?"
Lahat po mommy! Yung puso ko at yung pekpek ko sobrang sakit-- Nais niya sanang sabihin sa loob loob niya
Hangang ngayon kasi ay mahapdi pa rin ang kanyang pagkababae.
Lumapit ang kanyang mommy sa kanyang kama. Inalis nito ang kumot na tumatakip sa kanyang mukha. Wala na siyang nagawa dahil magtataka ito kung pipigilan niya ito.
Pumikit nalang siya upang hindi nito mapansin ang pamumula ng kanyang mga mata. Ilang oras na kasi siyang umiiyak
Sinalat ng kanyang mommy ang nuo niya.
"Mainit ka nga anak. Kaya pala sabi ng kapatid mo umuwi ka raw kaninang lunch time." Nag-aalalang
"Okay ka lang ba Magda?"
Muntik na siyang mapadilat ng marinig niya ang boses ni Jinso! Naroon rin pala ito at nakasunod sa mommy niya. Nahimigan niya ang pag-aalala sa tono ng boses nito
"O-Okay lang ako" Tumagilid siya upang hindi siya matitigan ng mga ito
"Sigurado ka ba anak?" Nag-aalalang tanong ng kanyang mommy
"O-Opo mommy"
"Teka at ikukuha kita ng makakain mo para makainom ka ng gamot anak. Dito ka muna Jinso."
Nais niya sanang pigilan ang mommy niya sa pag iwan nito sakanilang dalawa ni Jinso ngunit mabilis na itong nakalabas ng kanyang kwarto
"Baby. Are you okay?" mabilis naman lumapit si Jinso sakanya at sinalat rin nito ang nuo niya at hinaplos ang kanyang pawisang buhok.
Kay sarap sa pandinig ng baritonong boses nito na may halong paglalambing sakanya. Ngunit kailangan na niyang putulin ang kanilang ugnayan habang maaga pa.
"J-Jinso umalis kana"
"B-Baby sorry kanina--"
"No. Mali ito Jinso. Nagkamali tayo kagabi. M-Mas mabuti pang tigilan na natin--"
"A-Akala ko naunawaan mo na ang sitwasyon baby?"
"Mali ito Jinso. Pinuputol ko na ang pagkakamali natin habang maaga pa. Hindi ka ba nakokonsensya? May girlfriend ka na at mali yung ginawa natin kagabi. N-Nadala lang siguro tayo ng init ng katawan natin."
Hindi ito kumibo. Narinig niya nalang ang mga malalalim nitong pagbuntong hininga.
"H-Hindi ko kayang maging kabit mo Jinso nakokonsensya ako." Putol niya sa katahimikan
"I'm sorry" Maya maya sambit nito. Nais sana siya nitong yakapin ngunit narinig na nito ang boses ng kanyang mommy
"Anak heto na ang pag-kain mo. Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot"
Napalayo ng kaunti si Jinso sakanya. Nakayuko ito upang itago sa mommy niya ang pamumula ng mga mata nito
"M-Mauna na po ako tita. Nasabi ko na po kay Magda ang gusto kong sabihin" Nagmamadali naman lumabas ng kanyang kwarto si Jinso.
Nagtaka ang kanyang mommy at nakaramdam ito ng kakaiba sa pagitan nilang dalawa ni Jinso ngunit pinili nalamang nitong tumahimik.
Hindi ito nagtanong sa kinilos nilang dalawa ni Jinso. Napa-iyak nalang si Magdalena ng marinig niya ang pagsara ng pinto ng kanyang kwarto tanda lamang na nakalabas na ng pinto si Jinso
Buong gabi umiyak si Magdalena. Hindi naman niya pinagsisihan ang namagitan sakanilang dalawa ni Jinso dahil isa iyon sa pinakamaligayang gabi ng kanyang buhay. Habang buhay niya iyong dadalhin sa kanyang puso
Kinabukasan, Matamlay silang pareho ni Jinso. Mukhang hindi rin ito nakatulog kagabi dahil malalim ang eyebags ng binata.
"Anong meron neng? Bakit dalawa kayong mukhang broken hearted ha? Akala ko ba okay na kayo kahapon?" Usisa ni Janice kay Magdalena ng hindi na ito makatiis.
Kanina pa kasi napapansin ni Janice ang katamlayan nilang dalawa ni Jinso habang nasa loob sila ng kanilang classroom
Nakayuko pa si Jinso sa desk nito sa mga oras na iyon
"H-Hindi ko kayang maging kabit Janice.." Mahinang sambit niya kay Janice dahil baka may makarinig sa kanilang pag-uusap
Bumuntong hininga si Janice sa kanyang sinabi
"Gaga ka kasi eh. Sinabihan kita diba?"
Napalunok siya dahil parang may bumara sa kanyang lalamunan. Nag-iinit nanaman ang sulok ng kanyang mga mata.
"Hay nako mabuti naman at nagising ka ng maaga? Bago pa man kayo makagawa ng milagro"
Napatingin siya sa mga mata ni Janice. Unti unti naman lumaki ang mga mata nito dahil sa tingin na kanyang ibinigay dito. Tila naiiyak kasi ang kanyang mga mata
"A-Ay gaga ka. Naisuko mo na ang bataan?" Mariin ngunit pabulong lamang na tanong ni Janice sakanya. Mahinang pagsabunot pa sa kanyang buhok ang ginawa nito
"H-Hindi namin napigilan"
"Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya hindi ako pumunta sa bahay ni Jinso last night dahil baka makakita ako ng pornstars eh. Grabe ka neng. Teka masarap ba?"
"Shhh. Baka may makarinig sayo"
Nagpalingon lingon silang dalawa. Mabuti nalang at wala namang nakakarinig sakanilang dalawa dahil busy ang kanilang mga kaklase sa ibat-ibang ginagawa ng mga ito
Saglit niyang sinulyapan si Jinso. Nakayuko parin ito at mukhang nakatulog na.
"Paano kung nabuntis ka?" Tanong ni Janice sakanya
Bumangon agad ang matinding kaba sa kanyang puso dahil sa sinabi nito. Ngayon lamang niya naisip ang bagay na iyon. Paano nga kung nakabuo sila ng bata??
Napalunok siya
"Gaga talaga to. Nagpa-boom boom ka ba sa loob??" Naiinis na tanong ni Janice sakanya
Marahan siyang napatango. Bakas na bakas ang takot sa kanyang mukha.
"Hindi kayo gumamit ng Kondz?"
"Anong Kondz?"
Napa-irap sa hangin ang kanyang kaibigan.
"Kondz short for Condom" Bulong nito sakanya
Umiling siya.
"Hay naku. Gaga ka talaga neng!" Napalakas ang boses ni Janice sa sobrang inis nito sakanya napakamot pa ito sa ulo nito. Tila ito pa ang namomoblema para sakanya
"N-Ngayon ko lang naisip na pwede kaming makabuo ng bata--"
"Aba natural nag-jugjug kayo eh! Ipagdasal mo nalang na wala at kung meron man bahala ka sa buhay mo basta ninang ako." Naiinis paring sambit ni Janice sakanya
Lalo tuloy siyang kinabahan. Napa-sign of the cross siya. Wala pa siyang plano magka-anak dahil nineteen years old pa lamang siya at siguradong makakalbo siya ng kanyang mommy!
Naka-ilang beses pa naman ipinutok ni Jinso ang katas nito sa loob ng kanyang katawan.
"Ayoko pang mabuntis Janice.."
"Ginusto mo yan friend. Ipagnovena nalang natin--"
"Hi Magda.."
"Ay pusang buntis!" Sabay nilang sambit ni Janice
Sabay kasi silang nagulat ni Janice dahil sa pagsulpot ni Luis sa likod nila. Seryosong seryoso kasi silang dalawa sa pagbubulungan kaya hindi na nila napansin ang paglapit nito sakanilang dalawa.
Mabuti nalang at hindi naman nito narinig ang pinagbubulungan nilang dalawa. Ngunit napansin ni Luis ang sobrang pagkagulat nila
"Something wrong?" Nagtatakang tanong nito dahil sa reaksyon nilang magkaibigan
"N-Naku wala wala. Nakakagulat ka naman kasi Luis. Alam mo namang tambay kami nitong si Janice sa unli-coffee eh" Pagkaka-ila niya.
Ngumiti si Luis at tumabi ito sa katabing upuan niya. Napalunok siya at pasimple siyang lumingon sa kinaroroonan ni Jinso. Parang tumayo ang balahibo sa kanyang katawan dahil nakatingin ito sakanila
"Hindi na ako nagtatampo sayo sa pambabasted mo sakin last time." Pukaw ni Luis sa kanyang atensyon
"G-Ganon ba"
"Let's just be friends. Tangap kong hindi ka pa handa makipagrelasyon pero makipagkaibigan handa ka naman diba?" Nanunuyong tanong ni Luis sakanya
Nagkatinginan silang dalawa ni Janice.
"O-Oo naman" sagot nalang niya upang hindi mapahiya si Luis. Napag-isipan rin kasi niyang mali ang ginawa niyang pambabasted dito noong isang araw dahil napahiya ito sa mga kaklase nila
Kung nakakamatay lamang ang tingin ay marahil namatay na silang dalawa sa masamang tingin ni Jinso sakanila.
"Nagseselos si daddy.." Bulong ni Janice sakanya kaya kinurot niya ang tagiliran ng kanyang mahaderang kaibigan. Napatingin rin kasi si Janice kay Jinso at nakita nitong kunot nuong nakatingin si Jinso sakanilang dalawa ni Luis
"Tumigil ka nga Janice."
Humalakhak ang kaibigan niya
"Sabay tayong mag-lunch tatlo mamaya?" Tanong ni Luis
"Hoy kulot."
Parang tumalon ang puso ni Magdalena ng lumapit si Jinso sakanilang pwesto.
Nakakunot ang nuo nito habang nakatingin sakanya
"B-Bakit?"
Palipat-lipat ang tingin nito sakanya at kay Luis. Kumunot rin ang nuo ni Luis
"Anong problema Song?" Maangas na tanong ni Luis kay Jinso
"Itatanong ko lang kung malamok rin ba sa bahay niyo kulot? Ang lamok kasi sa bahay eh" Pilyong sabi ni Jinso pagkatapos ay kinamot pa nito ang leeg. Napatingin tuloy doon si Luis at nakita nito ang tatlong kiss mark sa leeg ni Jinso. Mukhang nagets naman agad ni Luis ang nais ipahiwatig ni Jinso.
Napalunok naman si Magdalena dahil sa ginawa ni Jinso! Lantaran nitong ipinakita ang mga kissmark sa leeg nito! Pulang pula tuloy ang kanyang mukha. Napangiwi naman si Janice sa kanyang tabi
"May lahi ka bang bampira neng?" bulong ni Janice sakanya. Siniko nalang niya ito.
Ngumisi si Jinso bago ito lumabas ng classroom nila. Tila inasar lamang nito si Luis. Hindi naman tanga si Luis upang hindi maunawaan ang ipinahiwatig ni Jinso
"He's crazy" Galit na sambit ni Luis.

BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
Storie d'amoreSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...