Chapter 28
(Jinso POV)
"Mag-usap tayo in private"
Wala man lang kangiti-ngiting sabi ni Chelsea sakanya pagkarating nito sa mansyon nito. Kanina niya pa ito hinihintay. Nagderederetso ito paakyat sa kwarto nito. Seryoso ang mukha ng dalag at tila galit nanaman ito sakanya.
Napabuntong hininga siya
He wants to end their relationship tonight. Kakausapin niya ito ng mahinahon upang palayain na siya nito. Ipapangako nalang niya sa babae na ito lamang ang nag-iisang babaeng mamahalin niya bilang kapatid at walang makakapalit sa pwesto nito sa kanyang puso bilang bunsong kapatid.
Mahal niya si Chelsea bilang kapatid lamang at hindi na niya matagalan pa ang pagkukunwari.
Napatingin siya sa dalawang taong kasunod ni Chelsea. Isang matangkad na lalake at si Janice?
"Janice?"
"Hi Jinso. Pinsan ako ni kuya Davin. Pamangkin siya ng boyfriend ng mama ni Chelsea" Pagpapaliwanag ni Janice sakanya
Napatango-tango lamang siya
Napakunot ang kanyang nuo dahil nakakunot ang nuo ng lalake sakanya. Parang bang nagagalit ito sakanya ng walang dahilan
"Sige Janice. Puntahan ko lang si Chelsea--"
"Keep the door open"
Napakunot ang nuo ni Jinso sa sinabi ng lalaking pinangalanan ni Janice na Davin
"What do you mean?" Kunot nuong tanong ni Jinso kay Davin
"A-Ah eh wag mong pansinin tong pinsan ko Jinso. Tara na kuya Davin!" Tinulak ni Janice ang pinsan nito papunta sa labas ng bahay nila Chelsea
Nagtataka man siya sa kinilos ng lalake ay binalewala nalang niya iyon
Huminga muna siya ng malalim bago siya pumasok sa kwarto ni Chelsea. As usual magulo ang kwarto nito dahil makalat itong tao.
Para bang palagi itong walang gana sa buhay kaya palagi itong galit.
"Umupo ka diyan Jinso" Utos ni Chelsea sakanya
Sinunod niya ang utos nito at umupo siya sa isang mini sofa na nasa gilid niya
"I want to tell you something Chels--"
"Cut it off Jinso!"
Napalunok siya
"You have to propose to me tomorrow at my birthday party!"
Napakunot ang kanyang nuo.
"Y-You know i can't do that--"
"You can and you don't have a choice" Galit nitong sabi sakanya
Huminga siya ng malalim bago tumayo upang lapitan ito
"Listen to me Chels. We need to stop this. Palayain na natin ang isat-isa. Alam kong alam mo, Alam kong ramdam mo at alam kong malinaw sayo na hindi kita kayang mahalin maliban sa pagmamahal ng isang kapatid. I care for you a lot Chels maniwala ka. I love you with all my heart pero bilang kaibigan at kapatid lamang. I don't want to hurt your feelings pero alam kong mas masasaktan kita kung hindi ko sasabihin sayo ang totoo. Hindi kita kayang pakasalan Chels--"
"No way!"
"Pero Chels--"
"Kilala ko kung sino ang babae mo. Si Magdalena diba?"
Napalunok siya sa sinabi ni Chelsea. Tila nagbabanta ang tingin na pinupukol nito sakanya
"Wala siyang kinalaman dito Chelsea--"
"Oh your so scared huh? Natatakot ka bang may gawin ako sa babae mo?"
Knowing Chelsea. Alam niya delikado ngayon si Magdalena. Kilala niyang bully at mapanakit si Chelsea sa mga babaeng pinaghihinalaan nito
"Siya pala ang lintik na lamok na pumapapak sa leeg mo no?" Nang aasar pa ang mga ngiti ni Chelsea habang nakatingin sakanya
"I can explain Chels. Makinig ka muna sakin. Calm down--"
"No! You need to propose to me tomorrow kung ayaw mong may gawin akong hindi maganda sa babaeng iyon."
Napalunok siya
"We're too young!" Hindi niya maiwasan tumaas ang kanyang tono ng boses habang kausap ang dalaga
"Anong nakita mo sa babaeng iyon? She's so ugly!"
Maganda si Chelsea ngunit hindi ito ang tinitibok ng kanyang puso. Si Magdalena lamang ang nais niyang makasama.
"Please Chels. Let me go. Hindi ka rin naman magiging masaya sakin--"
"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa babaeng iyon kung hindi mo susundin ang gusto ko! Mag-propose ka sakin! Hindi pa naman tayo ikakasal Jinso, Maybe after we graduated?" Nakangising sabi ni Chelsea sakanya
Nababaliw na ba ito!
Hindi niya kayang pakasalan ito!
"Pero hindi kita mahal. Si Magdalena ang mahal ko!" Mariing sabi niya dahil naiinis na siya sa pang-bablackmail nito sakanya
Napalunok ito at namula ang mukha. Napahawak ito sa bandang dibdib nito kaya nakaramdam siya takot at panic sa mga oras na iyon
Lalo na ng magsimula itong umarte na para bang hahatakihin ito sa puso
"Oh. Calm down Chels.. Fine! Gagawin ko ang gusto mo!" Hinagod niya ang likod ng dalaga habang napapaluhod ito
Ngumiti ng masama si Chelsea lingid sa kaalaman ni Jinso.
"Kiss me Jinso" Maya maya sambit ni Chelsea sakanya
Kinilabutan siya sa sinabi nito. Hindi niya kayang halikan ang dalaga!
"Please kiss me!" Nagmamakaawang sabi nito
Dahil sa totoo lang pinipigilan ni Chelsea ang sarili na maisip si Davin habang kausap siya nito. Nais nitong pagtakpan ang namumuong espesyal na nararamdaman para kay Davin. Nais nitong kalimutan ang masarap na halik na kanilang pinagsaluhan ni Davin kanina sa gilid ng kalsada!
Chelsea wants to forget that damn feeling!
"I-I can't" Seryosong sabi ni Jinso
Ngunit nanlaki ang mata ni Jinso ng si Chelsea mismo ang humalik sakanya.
Nais niya itong itulak ngunit napansin niyang tumutulo ang luha sa mga mata ni Chelsea. Bakit kaya ito umiiyak?
Ganoon ba kasakit ang nagawa niya para sa dalaga?
Kung sa paraan ng halik na ito ay mapapawi niya ang sakit sa puso nitong nararamdaman ay pag bibigyan niya ito
Ipinikit nalang ni Jinso ang kanyang mga mata habang hinahayaan niya si Chelsea na halikan ang kanyang labi
He don't kissed her back. Hinayaan niya lang itong halikan siya. Hindi gumagalaw ang kanyang mga labi. Wala siyang nararamdaman kundi awa para sakanyang kaibigan
Ibang-iba ang halik nito sa mga halik ni Magdalena. Wala siyang maramdamang init o sarap. Pakiramdam niya pa nga ay nalulungkot siya sa paraan ng halik ni Chelsea sakanya
Lingid sa kanilang kaalaman ay sakto namang kakasilip palamang ni Davin sa kwarto ni Chelsea dahil iniwanan nilang nakabukas ang pinto at nakita nitong naghahalikan silang dalawa. Tahimik itong umalis doon pagkakita nito sa paghahalikan nilang dalawa.
Tinapos ni Chelsea ang paghalik nito sakanya bago ito umiyak ng umiyak.
"I'm sorry Chelsea.." Hingi niya ng kapatawaran ng dalaga
Itinulak siya nito
"Ganito ba talaga ako kahirap mahalin Jinso? Kahit ikaw hindi mo akong kayang mahalin? Wala ba talagang tao sa mundong ito na magmamahal sakin?" Buong puso itong nagdaramdam.
Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang kakaibang emosyon sa mga mata nito.
Noon panay galit at kasamaan lang ang nababasa niya sa mga mata nito. Ngunit ngayon ay punong puno iyon ng hinanakit at kalungkutan.
Niyakap niya si Chelsea habang umiiyak ito. Kung natuturuan lang sana ang puso ay matagal na niyang tinutuan ang puso niya
"Chelsea sorry.."
"Hindi ko kailangan ng sorry mo Jinso. I need you to propose to me on my birthday tomorrow. Umuwi kana"
Napabuntong hininga siya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin.
BINABASA MO ANG
SECRET LOVE
RomanceSong-Jinso fall in love with a curly girl named Magdalena. He likes her so much but he will never court her. Kahit gustuhin niya. Dahil sa utang na loob niya kay Chelsea ang anak ng bestfriend ng kanyang mommy, He sacrifies everything for her. Ibin...