Chapter 32

920 107 17
                                    

Chapter 32

Chelsea POV

"Wow ang ganda mo ma'am Chelsea!"

Wala man lang reaksyon ang mukha ni Chelsea ng sabihin iyon sakanya ng makeup artist na nag-ayos sakanya para sakanyang birthday party na gaganapin sa isang pinakasikat na hotel.

Ang Hoffman's hotel na pag-aari ni Cody Hoffman. Isang sikat na bachelor billionaire at may ari ng multi-billion business na tagapagmana ng sari-saring negosyo ng pamilya nito. Isa ang mga pamilya nito sa mga sikat na pamilya hindi lamang sa kanilang bansa kundi sa buong mundo

"Tapos na ba?" Tanong niya sa matamlay na tinig

Kailan ba siya sasaya?

Araw iyon ng kanyang birthday ngunit parang namatayan siya sa sobrang lungkot niya.

Buong gabi siyang hindi nakatulog kakaisip kay Davin at sa halik na kanilang pinagsaluhan. Buong buhay niya ay noon lamang niya naranasan ang mga pinaramdam nito sakanya

Ang halik na iyon ay may hatid na kakaibang damdamin sa kanyang puso. Ngunit nais niya iyong mawala sa puso niya
 
Ayaw niyang magkaroon ng special na damdamin para sa isang taong kakakilala pa lamang niya!

"O-Opo ma'am" Nakangiwing sagot nito dahil natarayan ito sakanya.

Bumuntong hininga siya at tumayo na sakanyang makeup-chair. Hindi man lang siya nagpasalamat sa makeup artist dahil hindi niya ugaling magpasalamat.

Ngunit tila naantig ang puso niya ng makita niyang nalungkot ito.

Napa-irap siya sa hangin bago siya nagsalita

"Don't be sad. Ganito lang talaga ang ugali ko hindi ko nakasanayan magpasalamat. Anyway you did a great job. M-Magaling kang mag-makeup" Nakataas kilay niyang sabi bago siya umalis sa pwesto dahil bigla siyang nagulat sa kanyang sarili
 
Nais niyang sabunutan ang kanyang sarili! Kailan pa siya natutong pumuri ng ibang tao? At kailangan pa ba talaga niyang pagaangin ang loob nito? Anong nangyayari sakanya?

Bakit niya sinabi iyon? Unti-unti na bang natutunaw ang yelo sa kanyang puso? Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.

Ayaw niyang maging mabait dahil ang lahat ng mabait na tao ay inaabuso.

"Thank you po ma'am! Napakaganda niyo po sobra. Subukan niyo pong ngumiti sa tingin ko mas maganda ka kapag nakangiti! Happy birthday po ma'am!"

Napataas ang kanyang kilay habang nakatalikod siya sa babaeng makeup artist na iyon.

Parang hinaplos nito ang kanyang puso dahil ito ang unang taong bumati sakanya ng happy birthday sa personal. Panay post sa kanyang social media accounts ang mga natangap niyang pagbati ngunit wala man lang bumati sakanya sa personal.

Napalunok siya

Kailan pa siya naging emosyonal???

Nagmadali nalang siyang lumabas ng kwartong iyon. Ayaw na niyang pansinin ang munting saya sa kanyang puso na kanyang naramdaman

Hindi siya pwedeng maging mahina! Hindi siya pwedeng maging mabait.

Tonight will be the revenge of her life.

She want Jinso to suffer.

Hindi deserve ni Jinso ang maging masaya.

Naalala niya tunay na nangyari noon.

Flashback...
 
Masayang nagkukwentuhan ang mga mommy nilang dalawa ni Jinso samantalang busy sila ni Jinso sa pagkukulay sa kanilang mga drawing book. Matalik niya itong kaibigan.

Hangang sa makarinig nalang sila ng isang sigaw ng isang lalake at may hawak itong baril

Pakiramdam niya ay nanlamig ang buong katawan niya. Ngunit mas lalo pa siyang natakot ng maramdaman niya itinulak siya ni Jinso upang matakpan niya ang mommy nito!

"Nooooo!" Sigaw niya

Labis ang pagdurusa niya dahil nagawa siyang itulak ni Jinso para lamang mailigtas nito ang mommy nito. Ngunit pagkatapos noon ay tila kinalimutan nito ang nagawa sakanya. Hangang sa makalabas sila ng hospital ay hindi man lang ito humingi ng tawad sakanya

Hindi iyon napansin ng kanilang mga magulang. Iniisip ng mga ito na isa siyang

"Anak okay ka lang ba?" Tanong ng mommy arlene niya dahil napansin nitong tulala siya

"Chelsea thank you for saving my mom!" Sabi ng isang maliit na tinig sakanyang tabi. Walang iba kundi si Jinso! Hindi ba nito naaalalang tinulak siya nito?

Paano kung namatay siya?

Nais niyang mapaiyak sa mga oras na iyon lalo na ng yakap yakap siya ng batang si Jinso.

End of flashback..

Hindi mapigilan ni Chelsea ang maluha ng maalala niya ang tunay na nangyari noon. Ang batang pilyong si Jinso ay inilagay ang kanyang buhay sa panganib.

Alam niyang hindi nito naaalala ang nangyari dahil tila nais nitong kalimutan ang nagawang kasalanan.

Napalunok siya at muling napahagulgol habang mag-isa lamang siya sa pribadong kwartong iyon.

Malapit ng mag-umpisa ang kanyang birthday party. Hindi maaaring maging mahina siya.

Pinahiran niya ang kanyang mga luha. Mabuti nalang at waterproof ang makeup na ginamit sakanya dahil hindi man lang iyon kumalat at nabura

Mayamaya pa nakarinig siya ng mahinang katok sa kanyang kwarto. Sino kaya iyon? Wala naman siyang inaasahang bisita dahil alam niyang busy ang mommy Arlene niya sa pag-asikaso ng kanyang birthday party. Kaya naman nagulat siya ng pagbuksan ito ng pintuan

"Mom?"

Nagulat rin siya sa itsura nito. Namumugto ang mga mata habang nakatingin sakanya

"I know everything Chelsea"

Napakunot lalo ang kanyang nuo ng derederetsong pumasok ang mommy niya sa loob ng hotel room

"What do you mean--"

"Buong buhay mo niloloko mo ako? How could you do this to me anak?! Wala ka palang sakit sa puso and all this time binablackmail mo si Jinso?! Anak hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo sa anak ng tita Aliah mo? Utang natin sakanila ang lahat!"

Pakiramdam ni Chelsea ay nanigas siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa mga sinabi ng kanyang mommy arlene

Paano nito nalaman iyon??

Wala siyang masabi dahil parang nanlalamig ang buong katawan niya

"Alam mo ba kung naka-ilang novena ako nang malaman kong may sakit ka sa puso?! Bakit ka nagsinungaling ng mahabang panahon anak?! Bakit?!"

Hindi parin siya nagsasalita..

"Sumagot ka anak! Tigilan mo yang kasamaan ng ugali mo--"

"He almost killed me. Alam kong hindi naman niya iyon sinasadya dahil mga bata pa kami noon. Pero ng itinulak niya ako para masalba ang mommy niya? Nasaktan ako mom! Nadurog ang puso ko dahil ang kaisa isang taong kaibigan ko hinayaan akong mapahamak!" Sigaw niya dahil hindi na niya kaya pang itago ang totoo

"S-Sinungaling ka anak! Hindi yan ginawa ni Jinso sayo! Nandoon ako anak at hindi ka niya tinulak--"

"He did mom! Kaya kailangan niyang pagbayaran sakin ang lahat. Deserve niyang malungkot--"

"Anak that's not true! Ilang beses kong pinanuod ang cctv noong araw na iyon! Kusa kang tumakbo palapit sa tita Aliah mo!"

Natigil siya sa kanyang pag-iyak

"C-Cctv?"

"Oo anak! Kung gusto mo ay panuorin mo! Wake-up anak! Iyan pala ang nasa isip mo all this time? Maawa ka naman kay Jinso anak! Stop blackmailing him!"

 

 

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon