Chapter 9

942 109 13
                                    

Chapter 9

Araw ng lunes..

Buong weekends malungkot si Magda dahil hindi na muling nag text pa si Jinso sakanya. Samantalang dalawang araw naman silang magkasunod na nag-date ni Luis sa isang mall at sa isang park malapit sa kanilang subdivision

Maayos naman kasama si Luis at may respeto ito sakanya. Palagi rin siyang nililibre nito sa mga fast food restaurant sa tuwing lalabas sila.

Ngunit hindi parin mapawi ang lungkot sa puso ni Magda sa tuwing titingin siya sa kanyang cellphone. Dahil wala ng text mula kay Jinso simula ng hindi niya ito replyan

"Bakit ang lungkot mo? Dapat masaya ka pa nga dahil sa wakas after forty eight years may nanligaw na sayo"

Napabuntong hininga siya sa sinabi ni Janice. Kasalukuyan silang naglalakad ng hallway papunta sa kanilang classroom

May mga studyante rin silang kasabay lumakad at mga nakakasalubong na studyante. Kanya kanyang topic ng pag-uusap ang mga ito

"M-Masaya naman ako"

"Masaya naman? Eh bakit parang namatayan ka diyan?" Naiinis na sambit ni Janice sakanya dahil nararamdaman nito ang pagkatamlay niya

"Hindi. Baka kulang lang ako sa tulog.." Pagdadahilan niya

Ngunit ang totoo ay nalulungkot talaga siya. Tahimik nalang silang pumasok sa kanilang classroom. Kaunti palang ang mga kaklase nilang naroon

Napatingin si Magdalena sa kanyang desk dahil may isang boquet ng red roses na naroon.

"Oh my God! Ang sweet naman ni Luis!" Kinikilig na sambit ni Janice bago ito pa ang naunang lumapit sa bulaklak

Mabilis nitong binasa ang card na nakaipit sa mga bulaklak.

I will never stop loving you. Kahit may mahalin ka ng iba. Hayaan mo lang akong lihim na mahalin ka.

Napakunot ang nuo ni Janice dahil sa nabasa nito.

"N-Nyek hindi pala galing kay Luis ito. May secret admirer ka?"

Pakiramdam naman ni Magdalena ay sumikdo ng kaunti ang kanyang puso ng iabot sakanya ni Janice ang maliit na card at mabasa iyon

Hindi niya maunawaan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso at tanging si Jinso lamang ang naiisip niyang maaring mag bigay ng bulaklak sakanya. Ngunit impossible. Mahal ba siya nito?

"S-Sino naman kaya ang magbibigay nito?"

"Ibang level kana ngayon ha! Dumadami ang admirers mo! Magpapakulot na rin nga ako ng buhok" Nakangiting sambit ni Janice

Maya maya pa ay nagsipasukan na ang mga studyante sa kanilang classroom. Agad siyang napatingin kay Jinso. Seryoso lamang ang mukha nito at halatang malungkot ito

Madalas kasi ay nakangisi na ito sa tuwing papasok ito ng classroom nila at aasarin na siya. Ngunit ngayon ay derederetso lang itong umupo sa upuan nito. Nilagpasan lang siya nito at hindi man lang siya tinitignan.

"Hi Magda"

Natigil ang pagsunod niya ng tingin kay Jinso ng kalabitin siya ni Luis. Maganda ang pagkakangiti nito sakanya ngunit unti unti rin nawala ng makita nitong may hawak siyang isang boquet ng bulaklak

"K-Kanino yan galing?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang mga bulaklak

Napalunok muna siya bago siya nagkibit balikat.

"Hindi ko rin alam eh."

"Naunahan ako. Ibibili sana kita ng bulaklak pero lumang style na yan eh. Mas gusto kong ibili ka ng lunch mamaya" Nakangiting sabi ni Luis

Sumabat naman si Janice

"Ako rin ha?! Tama ka diyan Luis hindi naman makakain ni Magda ang bulaklak na yan eh sayang lang ang pera diyan"

Napalunok si Magda dahil pakiramdam niya naririnig sila ni Jinso.

Paano kung ito pala talaga ang nagbigay ng bulaklak?

"P-Paborito ko ang red roses kaya hindi ito masasayang" Pagtatangol niya sa bulaklak kaya nawala ang ngiti ni Luis

Samantalang napasulyap naman siya kay Jinso at may kung anong tingin itong binibigay sakanya

"K-Kung sino man ang nagbigay sakin nito ay napasaya niya talaga ako" Napapangiti niyang sambit habang nakatingin siya kay Jinso. Unti unting nagliwanag ang gwapong mukha ni Jinso dahil sa kanyang sinabi. Unti unti itong napangiti


Nagtangis naman ang panga ni Luis.

"Ibibili kita ng maraming bulaklak--"

"Hindi na kailangan Luis. Itigil mo na ang panliligaw mo sakin dahil hindi pa ako handa magkaroon ng relasyon. Maging magkaibigan nalang tayo"

Napalunok si Jinso sa biglaan niyang pambabasted kay Luis sa harap mismo nito

Halatang nabadtrip si Luis kaya nagwalk out ito palabas ng classroom nila. Wala itong kahit anong salitang sinabi sakanya

"Hoy loka loka bakit mo naman binusted si Luis? Iyon nalang nga ang naglakas loob ligawan ka--"

"Basta. Ayokong paasahin siya mas makakabuting maging magkaibigan lang kami. At isa pa, May iba akong gusto"

Sinigurado ni Magdalena na naririnig siya ni Jinso. Nagkatinginan silang dalawa at kapwa nagkaunawaan. Para bang gusto nitong lapitan siya ngunit nagdatingan naman ang ibang kaklase nila

"Hay nako kabit ang kalalabasan mo niyan.." Napapairap na sabi ni Janice ngunit wala naman itong magawa kung si Jinso talaga ang gusto niya

"Hoy kulot.."

Napasikdo ang puso niya ng lumapit si Jinso sakanyang upuan.

"B-Bakit?"

"Gawin na natin ang project natin mamaya. Hintayin ko kayo ni Janice sa bahay" Napapangiti nitong sambit sakanya na para bang masaya ito

"S-Sige ba" Pagpayag niya agad habang nagkakatitigan silang dalawa

Nabigla pa siya ng kurutin ni Jinso ang magkabila niyang pisngi. Para bang kinikilig rin ito
 
Napairap naman si Janice ngunit napapangiti na rin dahil kinikilig ito sakanilang dalawa

"Mamaya ha?" Malambing pang sabi ni Jinso sakanya kaya naman napangiti na siya at napatango nalang

Bumalik ito sa pwesto nito at nakipagkulitan na sa mga kaibigan nito. Kung kanina ay parang napakalungkot nito ngayon naman ay napakakulit na nitong muli

Napangiti lalo si Magdalena ng kurutin ni Janice ang tagiliran niya.

"Ang harot.. ang harot.. Naku kukurutin ko yang singit mo eh."

Napangiti siya lalo dahil mas lalo siyang kinikilig. Inamoy niya ang mga bulaklak at para bang gusto niyang yakapin ang mga iyon

"Don't worry hindi ko na kayo iistorbohin sa project niyo mamaya" Nakangiting sabi ni Janice kaya namula tuloy ang buong mukha niya

Pagkatapos ng kanilang klase ay nakipag-usap siya kay Luis. Nais niyang humingi ng tawad sa pang-babasted niya dito ng biglaan.

Nauunawaan naman daw siya nito at mabuti na rin daw iyon dahil hindi na niya ito pinaasa pa at pinatagal pa.

Pag-uwi niya sa kanilang bahay ay mabilis siyang naligo at nagsipilyo.

"Ate saan ka nanaman pupunta?" Tanong ng bunsong kapatid niya ng makasalubong niya ito sa kanilang living room

"D-Diyan lang. Gagawa ng project. Pakisabi nalang kay mommy at tito ha?"

"Osige po ate. Basta bili mo ako ng jolivee ha?"

Ginulo niya ang buhok ng kanyang kapatid

"Oo na oo na.."

Nagmadali na siyang lumabas ng kanilang bahay. Pakiramdam niya mayroon silang date ni Jinso. Sabik na sabik na siyang makasama ito

Hindi na niya iisipin pa kung nakikihati lamang siya kay Chelsea. Ang mahalaga ngayon ay ang makasama niya si Jinso. Kahit patago lamang..

SECRET LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon